Gaya nga ng kanyang inaasahan ay malulupit nga ang mga bagong agent kaysa sa kanilang mga nauna, understandable naman iyon dahil saksi siya kung paano mas pinahirapan ang mga ito sa training ng mga ito. Dahil nga sa Barracks na siya nakatira ay nakakasama niya ng matagal ang mga bago. Mas naging malapit siya sa mga ito. Bagamat medyo close na niya ang mga ito kaagad ay mas pinili niya na munang ilihim ang ilang bahagi ng buhay niya. Di naman kailangan na ipaalam niya ang lahat lahat sa mga ito dahil lang nagiging malapit na siya sa mga ito. There are times that we need to leave a piece of our secrets hidden even to our closest friend or family. Kasi kung gaano kabukas ang libro ng buhay natin sa iba ay ganun din ang kanilang chance na durogin ka pag dumating ang time na maging kaaway mo

