Wala na siyang nagawa pa nang ibaba na nga sila ng mga kasama nila sa bahay ni Ryon. It's her first time na makapunta sa bahay ng lalaki at nakakaamoy siya ng di maganda. Balak yatang mag unli babad ng lalaki kaya siya dinala doon, lalo na at mukhang nainis na naman ito nang i beso siya ni Raffa bago sila umalis kanina. Pang asar pa ang ngiti nito kay Ryon kaya alam niya na baka parusahan siya nito ngayon. Hinawakan nito ang kanyang kamay at naglakad papunta sa gate. Di nya napigilang humanga dahil di na nito kinailangan na pindutin ang doorbell dahil ito na mismo ang nagbukas gamit ang fingerprint nito, halatang matindi ang security features ng babay dahil binuksan pa nito ang itaas na bahagi ng doorbell at itinapat naman ang mata, mukhang iris scanner ang nakalagay doon. Nagulat pa

