That same day ay nakatanggap siya ng tawag, may bago siyang misyon, pwede naman siyang tumanggi sa misyon pero mas pinili niya na pumunta at sumama. Gusto niya na muna ng space mula sa lalaki para makapag isip at maaliw ang kanyang sarili. "Sasama ka?" Kunot ang noo na tanong nito sa kanya. Unang tingin palang niya ay nahinuha na niyang tutol ang lalaki na umalis siya, paano mawawalan ito ng paglalabasan ng init ng katawan nito. Gusto niya sanang komprontahin ito bago siya umalis pero parang magsasayang lang siya ng energy niya na makipagtalo at magmumukha pa siyang despirada. Ang tungkol naman sa larawan niya na nasa bed side table nito ay saka na niya itatanong dito. "Oo kulang daw sila sa tao e." Sagot niya dito, totoo naman na kulang sa tao, pero pwede parin naman siyang tumanggi

