Xiel P.o.v. "Xeng, gumising ka na d'yan. Tulungan mo ako sa baba," kalampag ni Mama sa pinto ng kwarto ko. Naalimpungatan ako kaya napabalikwas ako eh. Patamad akong bumangon at binuksan ang pinto. "Anak ng kalabaw. Ano ba 'yang itsura mo. Bakit ang itim? ano-anong pinaglalagay mo d'yan sa mukha mo," sita niya dito. Naglagay kasi ako kagabi ng facial mask na charcoal. Nakatulugan ko pala. Pasaway. Bigla naman niyang hinawakan 'yong mukha ko at aktong tatanggalin ang nakadikit dito. "Hep, Hep! Ma, masakit 'yan. Dapat dahan-dahan itong tinatanggal." Pigil ko sa kamay niya. Pinililit niya kasing abutin, eh. "Alisin mo nga 'yan. Mukha kang tiyanak." Hirit pa niya bago bumaba ng hagdan. Bumalik ako sa pagkakahiga. Saturday ngayon. Wala pasok. Yehey! Makakapag pahinga ang katawang lupa k

