Jewel P.o.v. Sino 'yong kausap mo kanina?" pormal nitong tanong, Hindi ako sanay na ganito si Yeye, kaseryoso. Napalingon naman ako sa kanya. "Wait, are you jealous?" takang tanong ko. Umiwas siya ng tingin at napasandal sa upuan. Hinawakan ko 'yong kamay niya. 'Di na kasi maipinta mukha niya, eh. "Si Vein, 'yon. One of the candidates for Miss. Tourism." Tumango lang siya at 'di pa din ako tinitingnan. Minsan ko lang makitaan ng ganito si Yeye. Ang cute niya kaya kapag nagseselos. Tatahimik lang sa isang sulok tapos 'di mamansin. Haha! sasabihin pang 'di daw siya nagseselos, eh halatado naman. "Hindi mo pa din ako kakausapin?" lambing ko sa kanya. Wala na kasi akong ibang way to please her. Nasa public place pa naman kami. I can't hug and kiss her. So sad. "Kain na tayo," pag-iib

