Xiel P.o.v. "Saan bebe mo? 'di mo ata kasama?" tanong ni Patricia. "Ahm, busy 'yon ngayon para do'n sa Miss Tourism na sasalihan niya." "Ahh. Kaya pala nanahimik ka d'yan," tukso niya sa'kin. Kanina pa ako tingin ng tingin sa phone ko kung may text si Jewel, ang kaso wala kahit isa. Baka may ginagawa pa sila. "Hi, Ate Xiel." Bati ng mga highschool student. Ang cu-cute pa naman nila. "Oh, Hi. Kumusta kayo?" "Okay lang po." sabay-sabay pa silang nagsalita. Haha! nangingiti tuloy ako. "Hi, daw po sabi ni Carla." Sabat naman no'ng isa. Tinutukso pa nila ito sa'kin. Halatang hiyang, hiya eh. 'Di makatingin ng diretso. Alam mo 'yong parang nasa harap ka ng crush mo. Gano'n. "Bigay mo na 'yong ibibigay mo," bulong naman no'ng isang kasama niya. May kinuha naman siya sa bag tapos nakayu

