Xiel P.o.v. Mag-iisang oras na akong pumipili ng susuotin ko para sa date namin ni Jewel. S'yempre dapat mukha akong tao. Nakakahiya naman kasi sa date ko. Siya ang ganda, tapos ako mukhang bibili lang ng suka sa tindahan? Hehe. Biglang pasok naman ni Pat sa kwarto. "Dre, binagyo ba 'tong kwarto mo. anong meron?" Curios niyang tanong habang pinupulot ung mga damit kong nahulog sa sahig. "Special ang gabing ito," kinikilig na sabi ko. Binato naman niya ako ng short sa mukha. "Naks! may date kayo ng Girlfriend mo?" May pag diin pa sa "Girlfriend" eh. "Oo, at wala kang pake!" Hawi ko sakanya kaya napaupo siya sa kama. "Ikaw na ang in-love. Ang swerte mo, ang dyosa ng jowa mo. Masungit nga lang." Pang bubuska niya. Sarap sapakin eh. "Mahal ko naman. Tska sweet si Wewel, lalo na kap

