Chapter 14 Official

3486 Words

Xiel P.o.v. Nakauwi na kami galing Batangas. Two days and three nights din kami do'n. Sobrang saya nga eh, S'yempre kasama ung tropa at si Jewel. Naalala ko na naman tuloy 'yong nangyari no'ng gabi na nag-kiss kami ni Jewel. 'Yon ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Napakagat labi ako. Ang sarap kasing alalahanin ung moment na 'yon. "Dre, mukhang ang close niyo na sa isa't isa ni Jewel, ah?" siko sa'kin ni Pat. Nandito kami sa canteen nagtatanghalian. "Ahm. Bumabawi lang kami sa ilang taon na 'di kami nagpapansinan." Paliwanag ko sabay ngasab sa sisig na ulam ko. "Kung 'di ko nga kayo kilala, iisipin kong mag-jowa kayo, eh." Sabi pa niya habang kumukuha ng ulam ko. Muntik naman akong mabulunan sa sinabi ni Pat. Gano'n na ba kami ka-obvious? "Bakit mo naman naisip 'yon, aber?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD