Xiel P.o.v. "Ang ganda dito." Sabi ni Jewel, habang nakamasid sa resort. Kakarating lang namin dito sa Nasugbu Batangas. Hindi ko nga ma-gets kung kailan tag-ulan na, tska naisipan nitong masungit na 'to maligo ng dagat. Naglalakad na kami sa loob para mag Check-in sa room na pina-reserve namin. Bale, tatlong kwarto. 'Di kasi magpapaiwan ang Tropang abnormal. Sino pa ba? edi sila Pau. Kasama daw si Jackie, Pat at Ellen. Pero susunod na lang sila. Plano lang naman talaga namin ni Jewel 'to eh. Ang kaso, may pak-pak ang balita. Nalaman ng mga ungas na may balak kaming mag-beach. Nadulas kasi ako kay Pat, ayon pinagkalat sa GC namin, kaya nagsisama. Sabi nga nila, mas marami mas masaya. eh kay Jewel nga lang masaya na ako eh. Ayieeeee! Pagkapasok namin sa room, humilata agad si Wel. Muk

