Xiel P.o.v
"Oo, nagseselos ako."
Mabilis naman siyang naglakad papasok ng gate nila at may kasama pang pagdabog. Naiwan naman akong nakatulala habang ina-analyze 'yong narinig ko.
Hindi ko din alam kong kikiligin ba ako or ano eh. Tama naman siguro 'yong pagkakarinig ko 'di ba? Hay ewan. Basta ang alam ko lang nangingiti ako mag-isa. Pumasok na ako sa loob dahil nagmumukha na akong tanga.
Pinagpatuloy pa namin ang pag inom hanggang alas tres ng madaling araw. Lahat din kami bangag na.
"Beks, ikaw na bahala dito ah. Anaknang kamote lasheng na ako eh," inaantok at lupaypay na sa kalasingan si Paulina habang paakyat sa hagdan.
Napailing na lang ako habang napakamot sa ulo. Hay! ako na naman ang magliligpit nitong kalat. Si Ellen at Pat kasi nando'n umuwi. Sabi ihahatid lang si Ellen sa kanila aba, hindi na ako binalikan ng ugok na si Pat!
Antok na antok na ako pero ayoko namang iwanang makalat dito sa sala. Madami din akong lilinisin. Nagkalat na mga bote at baso, chitchiryang durog-durog at unan na nasa sahig.
Wala pa d'yan 'yong mga tambak na hugasin sa kusina. Tinitiningnan ko pa lang napapagod na ko eh. Fishti!
Inumpisahan ko ng magligpit dahil nahihilo na din ako. Gusto ng humiga at matulog. Mahigit 30 minutes din akong naglinis at isasara ko na sana ung main door nila ng mapansin kong may nakahiga sa duyan sa may garden. Dahan-dahan pa akong lumapit para malaman ko kung sino 'yong tao doon. Ang lamig na kaya ng simoy ng hangin, mahamog na.
Nang makalapit ako, nakilala ko na kung sino 'yong prenteng nakahiga sa duyan...Si jewel.. Ano naman kayang trip niya at dito pa natulog? ang lamig na kaya, noh? Nag-aalangan pa akong gisingin siya, baka kasi nananaginip na eh, masapok pa ako.
Kukuha ko na lang siya ng unan at kumot. Papasok din naman 'yan kapag nagising na.
Pumasok ako para kumuha ng unan sa sala. Kaso, walang kumot kaya jacket ko na lang muna. Marahan ko siyang kinumutan. Buti nga naka pajama siya eh. Hindi siya lalamukin at giginawin masyado.
Papasok na sana ako sa loob ng....
"Yeye." Mahinang tawag niya sa'kin. Nagising ko ata siya. Lagot!
Lumapit na ako, gusto ko na din siyang papasukin sa loob para maayos siyang makatulog sa kwarto niya. Ako sa sala nalang matutulog.
"Halika na sa loob, malami------"
"Dito sa tabi ko," Halos pabulong na utos nito.
"Ha?"
Hinawakan naman niya 'yong kamay ko para mas makalapit sa kanya at sumenyas na tumabi ako. Sumunod naman ako at naupo sa malaking duyan. Kasya naman kami pero parang naiilang ako dahil sobrang lapit ng katawan niya sa'kin.
"Higa ka," Antok na sabi pa niya..
Marahan akong humiga at nahihiyang tumabi. Nakapikit siya at amoy ko ung alak sa bibig niya dahil sa sobrang lapit namin. Ramdam ko din 'yong init ng katawan niya na dumadampi sa balat ko. Medyo nawala ung ginaw ko.
Ang sarap pa lang humiga sa duyan lalo na kapag kasama mo ung taong......Miss mo...Napasulyap ako sa magandang babaeng katabi ko.
Tumingin ako sa langit na puno ng bituwin at malamig na hangin. Ang sarap matulog. Napapapikit na rin ako at unti-unting bumibigat ung talukap ng mata ko.
Napasandal na ako kay Jewel. Naramdaman ko naman ang pagsiksik niya sa'kin at pagyakap, kaya gumanti din ako ng yakap dito. Bahala na si Batman.
Nakatulog akong may ngiti sa labi.
Kinabukasan..
Ang ginaw ng hangin na dumadampi sa balat ko. Dahan-dahan akong napamulat at nagulat pa ng ma-realize ko kung saan ako nakatulog. Nandito pa din ako sa duyan kasama si.....Jewel. Napatitig na naman ako sa maamong mukha niya. Ang ganda naman ng gising ko.
Napansin ko din 'yong...Kamay ko......Magka-holding hands kami ni Wewel, habang tulog? ang sweet nemen. Pero paniguradong maiinis yon kapag nagising siyang magkahawak kamay kami. Hindi ko tuloy alam kung tatanggalin ko or hahayaan ko na lang na ganun hanggang sa magising siya. Dyahe naman.
Maingat akong tumayo baka kasi maabutan kami nila pau sa ganitong pwesto, paniguradong mang-aasar mga 'yon, lalo na si Pat. Pasimuno sa kalokohan at asaran.
Nakita kong gumalaw siya, nangalay ata sa pwesto namin dahil nakasiksik kami sa isa't isa kanina. lihim tuloy akong napangiti. Nakatabi ko ba naman siya magdamag eh, sinong 'di matutuwa at kikiligin? Ayieeee. Landii mo, Xiel.
Nag-stretching muna ako at nag inat-inat. Nangalay kasi ung braso ko dahil ginawang unan ni Jewel. Narinig kong tumitilaok ung manok. tiningnan ko ung oras. Alas sais y'medya na ng umaga pero mukhang humihilik pa ung pwet nila Pau. Ako pa lang ang gising eh. Kung sino pa 'yong huling natulog kagabi, noh?
"Gusto ko ng lugaw at taho." Paos at halatang antok pa ung boses ng nagsalita galing sa likuran ko. Nagulat pa nga ako at napalingon. Gising na siya.
"Good morning," tipid na ngiti ko.
Tumitig lang siya sa'kin, mahahalata mong may amats pa. Antok pa 'yong mukha niya. Bakit ang ganda-ganda pa din niya kahit bagong gising? ang unfair!
"It's rude to stare," malamlam na mga matang sabi niya.
Napaiwas tuloy ako agad ng tingin.
"G-gusto mo ng lugaw? tara kela Nanay Ester lugawan," yaya ko sakanya. Pangtanggal na din ng hangover. Kahit ako hilo pa eh. Halos tatlong oras lang ata tinulog ko, pero okay lang. Ang himbing pa nga ng tulog ko. Alam niyo na kung bakit. Hehe!
Tumayo na siya at sinuot ung jacket ko dahil medyo mahamog pa. Naghilamos muna ako at nagsipilyo bago kami mag almusal sa lugawan. Hinintay ko pa siya, for sure nag ayos pa 'yon at nagpalit ng damit dahil nakapangtulog lang siya.
Nakita ko na siyang bumaba ng hagdan. Naka jogging pants at loose na shirt ni Billie Ellish. Ang cute.
Lumabas na kami para sumakay ng tryk dahil nakakatamad pang maglakad. parang uulan pa nga ata eh. Pagkadating namin sa lugawan, pinapili ko na siya ng kakainin namin.
Lugaw na may itlog, tokwa't baboy at cornesilog. Bumili na rin ako ng taho niya.
Pansin ko naman ang mga taong kumakain na napapatingin sa aminn S'yempre, maganda itong kasma ko. Artistahin.
Wala naman paki ung babaeng masungit na nage-enjoy sa cornesilog niya at taho.
"This is good, try it." Tukoy niya sa cornbeef na kinakain niya na sinawsaw sa suka at may halong ketchup. Ang weird niya 'di ba?
Nagulat pa nga ako ng subuan niya ako kahit maraming taong napapatingin sa amin.
"Sarap?" tanong pa niya. Napatango naman ako at hindi makapaniwala. Nagiging sweet pala siya kapag may hangover. Haha!
Nag-share na kami sa cornesilog na pilit niyang pinaubos sa'kin. After namin kumain, naglakad na lang kami pauwi para pangpababa ng kinain.
Malapit na kami sa gate nila ng siya ding paglabas ni Diane para magwalis sa harapan nila.
"Oy, Xeng. Good morning." Nakangiting bati nito. Ngumiti din ako at bumati sa kanya.
Lalapit pa nga sana ako kay Diane ng maramdaman ko 'yong kapit ni Jewel sa braso ko.
"Salamat pala sa load kahapon, ah? kukunin ko lang ung wallet ko para sa bayad," mabilis naman itong pumasok sa kanila
Hihintayin ko pa sana si Yan na lumabas ulit pero hinila na ako pabalik sa bahay nila ni Jewel. Kulang na lang kaladkarin ako papasok. Ammp! hindi na rin ako nakapalag pa.
"Let's sleep ulit, Tara." Sabi pa nito, habang paakyat sa kwarto niya. Natulala tuloy ako. Susunod ba ko or susunod? umakyat na din ako sa taas at kumatok muna bago pumasok sa room niya.
Nakahiga na siya habang balot ng kumot. nakabukas nanaman kasi ung aircon. Brrrr. Nahihiya pa akong tumabi sa kanya. Bakit ang bait niya ngayon? baka epekto ng cornebeef kanina?
Nakahiga na ako ng biglang tumunog ung phone ko. May nag-text....Si Diane pala... Lagot ako dito dahil hindi ko siya hinintay makabalik kanina. Ito kasing malditang katabi ko, siya ang salarin.
"Nawala ka, pagbalik ko wla ka na kanina. Text ni Yan. Sinasabi ko na nga ba, eh.
"Sorry, bigla kc akong nahilo dhil sa hangover. sori tlga, ah?" pagdadahilan ko.
"Can I borrow your phone?" nagsalita si Jewel na akala ko tulog na.
Binigay ko naman agad 'yong phone ko sa kanya. Baka makikitawag. May Cellphone naman siya, ah? nagulat ako ng ipatong niya sa side table. Narinig kong tumunog pa ito. nag-reply na siguro si Diane.
"Ahmm, pahiram ng phone," sabi ko.
Sinamaan naman niya ko ng tingin. Hala siya. kanina ang bait-bait niya eh. Nawawala na ata 'yong epekto ng hangover. Tsk!
"Later. You need to sleep," utos pa niya. Ayaw talagang ibigay phone ko.
"Re-replyan ko lang si Dia------"
"It can wait, okay? ang ingay-ingay ng tunog eh. I can't sleep here," masungit nitong sabi. Grabe siya.
Napahiga nalang ako ulit at napabuntong hininga. ang maldita talaga niya. Pumikit na ako at nakikiramdam lang. Hihintayin ko na lang na makatulog itong katabi ko bago ko kunin 'yong phone sa gilid niya.
Naghintay pa ako ng ilang minuto at sumulyap kay Jewel kung tulog na. Nakapikit siya. Mukhang borlogs na. Dahan-dahan akong kumilos at 'di gumawa ng ingay para abutin ung phone ko.
Ang kaso.....
Biglang gumalaw si Jewel paharap sa'kin kaya sakto ung braso ko sa katawan niya. Parang nakayakap tuloy ako sa kanya. Shemay!
"Para-paraan ka, Yeye ah." Nakakalokong sabi niya na naka-smirk. Hala, 'di ko naman sinasadya.
"H-ha? h-hindi, 'yong ano kasi."
"You want a hug? madali naman akong kausap," sumiksik siya sa'kin . Magkadikit na 'yong katawan namin. Parang pwesto lang sa duyan. Gano'n na gano'n.
Gusto kong manigas sa kilig. Bakit kasi ang lambing-lambing niya ngayon? ang clingy, ah. Hinayaan ko na lang. Mag-iinarte pa ba ako?
Nakatulog kami sa ganung posisyon.
Tok tok tok...
"Bunso, mag-aalmusal na. Kumain ka na muna," tawag ni Pau kay Jewel. Napabalikwas ako kaya nagising na rin siya.
"Susunod na ako, Ate." Sagot nito habang nakapikit pa din.
Tumayo na ako para magbanyo. May muta pa ata ako at amoy panis na laway. Charoot!
Pagkalabas ko ng banyo nakatayo pala siya sa may pinto. Hinintay ko na siyang matapos magbanyo baka magalit na naman 'yon kapag nauna akong bumaba.
Maya-maya din lumabas na siya at fresh na. Naka pink headband bunny pa siya.
Bumaba na kami at nakita ko si Pau sa kusina nagpe-prepare ng pagkain. Nando'n na din 'yong dalawang lovers. Sabay-sabay pa nga silang napalingon sa amin. Halata din ang pagkagulat nila. Dahil siguro magkasama kami ni Sungit.
"Oh, akala ko umuwi kana, Dre. Nasa taas ka pala," halatang nanunukso ung timbre ng boses ni Pat. Sarap tadyakan, eh.
Inangilan ko lang siya. Mamaya 'to sa'kin.
"Oy bakla, nandito ka pala. Akala ko nauna ka ng umuwi kanina. Wala kasing tao dito sa sala paggising ko. Buti naman pinatulog ka nito sa room niya," naka-ngiting sabi ni Pau, Halatang bangag pa.
"Ahmm, oo nga, eh." tanging na sabi ko.
"Lafang na tayo," Si Ellen.
Kumuha lang ako ng tinapay at cream cheese. Parang busog pa kasi ako dahil sa kinain namin kanina sa lugawan.
"Oh, bakit ayaw niyong magkanin na dalawa?" sita ni Pau sa amin. Nagkape lang kasi si Wel at tinapay. Inutusan pa nga akong palamanan siya.
"Ano..Kasi,"
"We already ate na kanina sa lugawan," diretsang sabi ni Wel, na parang wala lang.
Ayoko na nga sanang banggitin kela Pau, eh. Talaga itong si Jewel. Hayss! nagtataka naman silang tumingin sa amin.
"Ahh, kumain na pala kayo kanina?" taas kilay na tanong ni Pau. Sinasabi ko na nga ba, eh.
"Yeah." Sagot pa ni Wel, habang humuhigop ng kape. Ako naman itong 'di makapag salita.
"At bakit hindi kayo nagyaya aber? or nagtake-out man lang ng lugaw!" himutok ni Pau. Halatang nagtatampo.
"Oo nga. Kahit tokwa't baboy man lang," sabat naman ni Ellen. Sasagot pa sana si Pat pero sinipa ko na siya para 'di na makisawsaw pa.
"Ang tagal niyong gumising, eh." Parang nang-iingit pang sagot ni Jewel.
"Bakit pala ang aga niyong nagising? dito na ba kayo sa sala natulog kagabi?" Si Pau.
Nagpanic na ako. Ayokong malaman nilang sa duyan kami natulog madamag at magkatabi pa. you know, iwas issue.
"Sa duy-------"
"Guys, pa-deliver kaya tayo mamaya ng pizza?" biglang sabat ko na.
Sabay-sabay naman silang natuwa sa sinabi ko. Lintik na duyan 'yan. Napagastos pa tuloy ako. Grrrrr.
Parang nabunutan ako ng tinik. Nakita ko naman si Jewel na walang pakialam sa paligid. Naalala ko ung phone ko. Napa kapa ako sa bulsa ng short ko. naiwan ko nga pala sa kwarto ni Wewel. 'Di ko pa nare-replyan si Diane.
Tumayo na ako para kunin ung phone.
"Is this what your looking for?" pasimpleng pinakita ni Wel 'yong phone ko na hawak niya. 'Di naman nakahalata sila Pau dahil busy sila kaka-tsismisan.
Kukunin ko na sana sa kamay niya ng biglang isuksok niya ulit ito sa bulsa niya.
"Nope." Malditang sabi pa nito. Nang-aasar ba siya or what? 'di ko na pinilit kunin baka mahalata pa kami ng mga tsismosa naming kasama. Hindi ko din alam kung anong trip niya. Hayy!
After kumain tumambay na kami sa sala at nagkwentuhan sa mga sabaw na nangyari kagabi. Ako naman itong 'di mapakali dahil yong phone ko na kay maldita! baka nagte-text na si Mama. Malalagot talaga ako do'n. 'Di naman kasi ako makatyempo na kunin ung phone ko kay Wel. Hay, naku naman..
Magkatabi kami sa upuan kaya pasimple ko siyang binulungan.
"Pahiram ng phone ko, te-text ko lang si Mama." Sabi ko pa.
Tinaasan naman niya ako ng kilay at parang ayaw pa maniwala. Pero imbis na phone ko 'yong binigay niya, inabot ung iphone niyang 'di ko alam kung paano gamitin. Buset!
"Go, you can text her or kahit tawagan mo pa, eh." Sarkastikong sabi pa niya. Halatang nang-aasar pa kamo. Kainis naman! wala talaga akong lusot.
Pamaktol ko namang kinuha ung iphone niya, 'di ko pa alam paano buksan. Letse! in-unlocked naman niya tska ako nagsimula maki-text. Ayoko talaga ng iphone!
Tinext ko na si Mama, na baka gabihin na akong makauwi. Sinabi ko na rin na dito ako natulog kela Pau. Paniguradong sermon galore na naman pag-uwi ko mamaya.
After ko mag-text, binalik ko na sa kanya 'yong phone niyang ang hirap gamitin.
"Salamat," sabay ismid ko pa. Naiinis kasi ako.
"Are you mad?" tanong niya. Umiling lang ako bilang tugon.
"Good, dahil...Wala ka namang magagawa," pang-asar niyang bulong sa tenga ko. Gusto ko tuloy magmaktol. Huhu! may pagka-demonyita talaga 'to, eh.
Maghapon lang kaming nag-movie marathon, may pa san mig light pa si Paulang echosera. Pangbanlaw daw sa ininom namin kagabi. Grabe talaga bahay alak ng babaeng 'to.
Ako ito, naiinis pa din sa kamalditahan ni Jewel na walang pake at mukhang walang balak ibalik ang phone ko. Huhu!
Kinalabit ko siya habang busy sa phone niya. May ka-chat ata. Ang seryoso, eh.
Lumingon naman siya, poker face lang ang peg.
"'Yong...Phone ko po, baka pwede ng k-kunin, Hehe."
Kinuha naman niya ito sa bulsa niya. In-open niya muna saglit at hindi ko alam kung anong ginawa niya.
"Okay, you can have it." Iabot nito sa'kin at naka smile pa. 'Yong ngiting parang may kalokohang ginawa. Duda ako, eh. Mabilis ko namang kinuha ung phone ko. Sa wakas!
Wala naman akong nakitang binago niya sa phone ko. 'Yong mga apps nando'n pa din. Okay naman.
Ay, re-replyan ko pala si Yan. Naku po, kanina pa 'yon nag-text eh. Anong petsa na.
Pumunta ako sa messages, hinanap, 'yong text niya. Pero, bakit wala ang name ni Diane? hindi ba siya nag-reply kanina? hinanap ko ang text niya no'ng una. Ang kaso, wala din. Anubayan! tawagan ko na nga lang. Hinanap ko sa contacts ko name niya. Shete, bakit 'di ko mahanap?!
Napalingon naman ako dito sa katabi kong patay malisya lang. Ito ata ang salarin, eh. Tumingin din siya sa'kin.
"What?" mataray na tanong pa niya.
"Ikaw ba 'yong.....Nagbura ng message ni Dia------"
"And so? may problema ba?" pagtataray pa nito. Hindi na tuloy ako nakaimik. ano bang trip niya? ayoko namang mag-away kami, kaya hinayaan ko na. Ngayon na nga lang ulit kami nagkasama tska clingy siya ngayon, kaya ayokong ma-badtrip siya.
"Wala naman," sabi ko na lang.
"Wala naman pala, eh," sabay ismid pa niya..
Nagpa-deliver na ako ng pizza, masarap isabay sa beer. Hawaiian at bacon and cheese ung in-order nila. Ako ito taga bayad.
Hinanap ng mata ko si Jewel, lumabas kasi siya. May kausap sa phone kanina. Hahatiran ko na lang ng pizza bago pa maubos ng mga timawa sa sala.
Favorite pa naman niya 'tong bacon and cheese. Lumabas ako sa garden nila. Ayon siya, nakaupo sa duyan.
"Ahmm, pizza oh. Kinuhanan na kita bago pa maubos sa loob," abot ko sa kanya. Hawak ko pa ung bote ng san mig.
Tumingin naman siya sa'kin tska tipid na ngumiti. sumenyas siya na tumabi ako sa kanya.
Kumagat na siya ng pizza. Ako naman hawak 'yong dalawang bote ng beer.
"Oh, take a bite." Nagulat ako ng nasa tapat na ng bibig ko 'yong slice ng pizza niyang may kagat.
Nahihiyang kumagat ako dito, tska tumungga ng beer. Nakiinom rin siya sa bote ko. Hinayaan ko naman. Okay nga 'yon eh, mas sweet.
Wala kaming imikan. Kumain lang kami at uminom. Parang ang lungkot nga ng mukha niya eh.
"Ba't parang ang sad mo. May problema ba?" concern na tanong ko.
Tumitig naman siya sa'kin. Tipid na ngumiti sabay inom ng beer.
"I just can't understand what I felt," seryosong sabi niya.
Napaisip naman ako. Ano daw, bakit kaya?
"Tungkol ba 'to kay Raul? nag-away ba kayo?"
Humanda talaga si Raul na 'yan sa'kin kapag sinaktan niya si Jewel. Umiling siya at nagkibit balikat.
"Anong ginawa niya sa'yo ha? uupakan ko 'yon," sigang sabi ko.
Natawa naman siya tska sumandal sa balikat ko. Bigla tuloy akong kumalma.
"Maybe i'm being unfair to him," Halata ang lungkot sa boses niya. Hindi ko man maintindihan kung anong problema nila, pero willing akong makinig.
"Kung ano man yang pinagdadaanan niyo, basta nandito lang ako if gusto mo mag-share ng problema at kung may maitutulong ako," sincere na sabi ko.
Mas sumandal pa siya lalo sa'kin at yumakap sa braso ko. Hindi ko din alam kung anong pumasok sa kukute ko ng......Hawakan ko 'yong kamay niya.
Hindi naman siya pumalag sa ginawa ko. Shete, ang lambot ng kamay. Hindi ako nagsasawang hawakan. Marahan ko pa itong pinisil.
Mga ilang minuto din kami sa ganung posisyon ng marinig kong tinatawag si Jewel ni Pau.
Napabitaw tuloy ako sa kamay niya, natawa naman siya at hindi man lang natinag. Tumayo na siya at bago pa siyang tuluyang pumasok sa loob ay......
Smack......
Hinalikan niya ako sa may gilid ng labi...
Sabay bulong ng......
"Thank you, my Yeye."
Ako ito tulala sa nangyari. Hawak ung gilid ng labing hinalikan ni Jewel kanina.
sh*t, in-love na ata ako.......
*
*