Chapter 9 Diane

3571 Words
Jewel P.o.v "Hey, are you listening?" snapping her fingers on me. "Y-yeah. Pasok na tay," yaya ko sa kanya. Pero pasimpleng lumingon muna ako kay Yeye, na nagmamadaling maglakad kaso tinawag siya ni....Diane. Pumasok na kami dito sa bahay. Sabi ko kasi kay Jessy, na samahan muna ako dito saglit habang wala si ate pau. on the way pa lang sila ni Jackie. "Bakit naka busangot ka na naman d'yan, Beb?" Inirapan ko lang siya bilang tugon. I'm not in the mood. "Did you see the face of Xiel, kanina?" tanong naman niya while she's busy texting on her phone. "What are you talking about?" walang gana kong sabi. Pero bigla talaga akong nainis ng makita ko si Diane at tinawag pa talaga si Yeye a while ago. She rolled her eyes on mme "when I kissed you kanina sa labas. Talagang sinadya ko 'yon, eh," she proudly said sabay smirk. Napakunot noo naman ako. Ano na naman paandar ng babaetang 'to. Sinady, but why? what about it?" tanong ko ulit kahit may hint na ako sa gusto niyang sabihin. Gusto ko lang talagang siya mismo magsabi. "Duh! she's getting jealous." Confident at sabay flip pa ng hair niya. "Jealous. Bakit naman?" curious na tanong ko. "You didn't get it don't, yah?" sarcastic na sabi pa niya. Nakakainis, ah! "Ano nga kasi?" irap ko naman sa kanya na may kasamang hampas. "Ouch! i think she really likes you, 'di ba nga, umamin siya sa'yo no'ng nasa condo tayo?!" sabi niya, while teasing at may pa sundot-sundot pa sa tagiliran ko Asar! "Stop it! dare mo kasi 'yon 'di ba? kaya sumunod lang siya," dipensa ko naman. Ayoko lang atang tanggapin sa sarili ko 'yong totoo? or baka naman assuming lang itong si Jessy, or ako? She smirk at me, habang nakataas ung kilay. "Hindi pa ba malinaw sa'yo?" Malinaw ang alin? I just stared at her. . . Xiel P.o.v. Nagmamadali akong maglakad dahil sa bwiset! hindi ko alam ba't bigla na lang ako nawala sa mood. Nakakainis! "Hey, Xeng!" napalingon naman ako sa tumawag sa'kin. Si Diane pala. Ngumiti ako habang naglalakad  papalapit sa kanya. Ang ganda din kasi ng ngiti niya eh, kahit badtrip ako sa nakita ko kanina. Hay! never mind. "Musta? ang snob mo na," pabirong tulak niya sa  balikat ko. Natawa naman ako, "snob, ako? luh! hindi naman ah? 'di ko lang napansin yong pagtawag mo sa'kin." Paliwanag ko pa. "Ah, kaya pala. Parang ang lalim ng iniisip mo, eh." Tumango-tango pa siya pero hindi pa din nawawala ung ngiti niya. Pag siya talaga kasama ko, laging good vibes lang. "Uuwi ka na ba?" tanong pa niya. "Ahm, uuwi na sana pero kung gusto mong tumambay muna, okay lang sa'kin." Magiliw kong sagot. Na-miss ko din kasi siyang kakwentuhan. Matagal-tagal din kaming hindi nakapag-bonding dahil busy sa school. Busy sa school or kay Jewel?! sowsss. Bigla naman epal ng isip ko. "Hoy! okay ka lang? tara sa loob. May suman tska buko pie do'n," yaya niya pa. S'yempre, pumalakpak naman 'yong tenga ko sa pagkaing sinabi niya. Favorite ko kaya 'yon. Ayos! Pagpasok namin sa kanila nagmano agad ako sa lola niya. "Good evening po, Lola." Nakangiting bati ko. "Kaawaan ka ng diyos, Apo. Hala, kumain ka d'yan ng kakanin," sabi ni Lola. "Thank you po, La."Mabait talaga to' si Lola, eh. Tska kilala naman niya ko since no'ng mga bata pa kami. Dito kami lagi nagmemeryenda noon. Masarap siya gumawa ng biko, ginataang bilo-bilo, suman, palitaw at kung ano-ano pang kakainin at pinoy meryenda. "Asikasuhin mo si Xiel, at ako'y manonood muna ng teleserye," sabi ni Lola, bago kami maglakad papuntang kusina nila. "Anong gusto mo, suman or buko pie?" tanong ni Yan, habang nilalabas 'yog pagkain sa ref. "Ikaw," sagot ko naman. Napatigil siya sa ginagawa niya tska lumingon sa'kin. 'Di ko alam kung nagbu-blush siya or what. Paa kasing namumula ung pisngi niya, eh. Or baka guni-guni ko lang. Napailing naman siya tska parang nagpipigil ng ngiti. Napangiti din ako. Para kaming mga sira.. "Ano nga kasi?" natatawang sabi niya habang napaayos ng buhok. "Ikaw nga. Ikaw na bahala," natatawa ding sagot ko. "Anong harutan yan mga Bebe?" biglang eksena ni Patricia. Sumunod pala itong ugok. "Oh, ba't ka nandito? akala ko umuwi ka na," ismid ko sa kanya. "Bakit? iniwan mo lang naman ako noh?! bigla ka na lang nawala sa likod ko," mataray naman na sagot niya may pa irap-irap pa. Hindi bagay, oy! Sasagot pa sana ako ng pumagitna si Diane sa amin. "Hep-hep. Kumain na nga lang kayo." Binuksan niya ung box ng buko pie tska may limang balot ng suman. Saraap! pinagtimpla niya din kami ng mango juice. "So, ano ng balita?" tanong ni Diane. "Ayon si Xiel, torpe pa di--------" sinubuan ko ng suman sa bibig si Pat, para 'di na matuloy 'yong sasabihin niya. Ilalaglag pa ata ako. Lagot talaga to' sa'kin mamaya, eh. Natawa naman si Diane sa amin. Ang sama na din kasi ng tingin ko kay Pat eh. "Ikaw, Xeng, musta na buhay-buhay?" baling sa'kin ni Yan. "Ahm, Gano'n pa din. School bahay lang," sagot ko sabay subo ng buko pie. "Weh? school bahay mo mukha mo! 'wag ako, Dre". Tirada na naman ni Pat. Bwiset talaga 'to, eh. Paka epal! After naming kumain, nagyaya sila umakyat sa bubong. May attic kasi 'yong bahay nila Diane. Dati doon kami tumatambay pag gabi habang tumitingin ng stars. Na-excite nga ako eh, kasi ngayon lang ulit ako makaka akyat do'n. "Woow! ang ganda ng mga bituwin," manghang sabi ni Diane, habang nakakapit sa'kin. "Kasing ganda mo," banat ko naman ng pabulong. Napalingon siya with confusing look pero nakangiti pa din. "Huh?" "Huh? hotdog," sabi ko na lang sabay tawa. Natawa na din siya at marahang hinampas 'yong balikat ko. "Ang haharot!" narinig naming sabi ni Pat. Sabay pa kaming lumingon sa kanya ni Yan. "Kung ihulog kaya kita dito sa bubong," angil ko sa,kanya. Binelatan lang niya ako. Natatawa lang sa amin si Diane. Mga isang oras din kaming nakatambay lang dito sa bubong nila ng magkayayaan ng pumasok dahil malamok na din. "Dito na lang kayo matulog, ha? na-miss ko kayo, eh." request ni Diane. Nagkatinginan muna kami ni Pat, tska tumango bilang pagsang ayon. "Yehey!" tuwang-tuwa naman siya. Dito kami matutulog sa room attic. Tambayan lang namin to' dati. Nag-akyat ng pagkain si Diane tska 'yong laptop niya. Manonood daw ng horror movies. Jusko po. Ito na naman tayo sa nakakatakot na palabas. Naglatag na din kami ng mahihigaan. Kanya-kanya ng pwesto. Ako 'yong nasa gitna nila kaya ako din nag operate ng laptop. Napili nilang panuorin ung long weekend it's a thai movie.. Nakatagalog dubbed siya kaya hindi na kami magbabasa ng subtitle. Nakakatakot daw 'to, eh tska maganda ung kwento. Nag umpisa na 'yong palabas kaya food trip muna at tawanan. Pero habang tumatagal, medyo may mga gulat factor na mga Besh, kaya ung dalawa kapag nagugulat may kurot at hampas na sa braso ko dahil nga napapagitnaan ako no'ng dalawa. Nood-nood kasi ng nakakatakot mga duwag naman pala. "Wahhhhhh!" sabay-sabay kaming tatlong tumili dahil sa nakaka-suspense na eksena. Aatakehin na ko sa puso. Tska lang kami nakahinga ng maluwag no'ng natapos na ang palabas. Bumitaw na din sila sa braso ko na nagkapasa na ata kakahampas nila. Time check, 12:30AM na. Mahaba kasi 'yong movie. Two hours din. Humiga na kaming tatlo at siksikan na. Alam ko na 'yan, eh. Mamaya manggigising pa mga 'yan para magpasama umihi. "Antok na kayo, Guys?" Si Diane. "Hindi pa," sabay pa kaming sumagot ni Pat. "Kwentuhan na lang tayo ng nakakatakot," suggest pa nito ni Pat na isa pang duwag. "Sige-sige, gusto ko 'yan." Sang ayon naman ni Diane.. Wala naman akong nagawa sa trip nila. Basta mamaya, walang magpapasama sa banyo. "Guys, alam niyo sa laguna may mga sabi-sabing may nakatira daw na aswang do'n sa subd. namin," panimulang kwento ni Diane. Kami naman ni Pat, seryoso lang na nakikinig. "Hala, tapos?" si Pat na nakasiksik at nakadantay pa ung paa sa'kin. "May kapitbahay kasi kaming buntis dati si Ate Arlene. Mga pangatlong bahay mula sa amin," seryosong kwento nito. Kami tahimik lang. "Tapos kabuwanan na niya no'n eh, pagkakatanda ko nga nakasabay pa namin 'yong asawa niya si Kuya Nestor sa palengke. Bibili ng prutas para kay Ate Arlene." Lalo naman kaming nagdikit sa isa't isa. Mga abnoy lang. "Tapos that week ata manganganak na si Ate Arlene, kaya hindi siya mapakali. Maalinsangan daw ng gabing iyon, pabaling-baling daw siya ng higa. May narinig siyang parang may nalaglag sa bubong. Pero iniisip niyang baka pusa lang kaya hindi niya pinansin." "Awoooohhh!" biglang alulong ni Pat na abnormal kaya nahampas ko siya sa tiyan. "Aray! nananakit," reklamo niya. "And then ,nakatulog na si Ate Arlene, tapos lumipas lang daw ang isang oras humilab 'yong tiyan niya at namimilipit sa sakit kaya ginising niya si Kuya Nestor, sinabi niyang baka manganganak na siya. Tapos sinugod nila sa hospital, kaso..." "Ang kaso, ano?" natatakot na tanong ni Pat habang balot na balot sa kumot. Ako nakikinig lang. "Wala na 'yong baby sabi ng doctor. Hindi nga mapaliwanag bakit nagkagano'n, eh. Durog na daw ung bata sa tiyan," malungkot na kwento nito. Hinagod ko naman ung buhok niya. "Ay! namatay 'yong baby? kawawa naman," panghihinayang ni Pat. "True. First baby pa naman nila sana 'yon. Nakakalungkot lang. Ang hinala nila Aswang daw, kasi bago pa mangyari 'yon may bumati kay Ate Arlene, na matandang babae pero s'yempre hindi naman niya pinansin 'yon." Tatango-tango lang kami ni Pat. Nalungkot din ako sa kwento niya. "Matulog na tayo, super late na," sabi ko pa. Medyo inaantok na din kasi ako. Humiga na kami at papikit na din ako ng may naramdaman akong may kumakalabit sa'kin. "Tsk! ano ba," reklamo ko. "Dre." "Oh? matulog ka na," inis na sabi ko. "Ehh, samahan mo muna ako sa baba." Napatirik naman ako ng mata. Sinasabi ko na nga ba, eh. "Antok na ko. Kaya mo na 'yan," "Sige na, baka maihi ako dito sa papag, sige ka." Pagpupumilit pa niya. Hay naku, naman talaga. Padabog akong tumayo at kinaladkad na si Pat pababa papuntang banyo. Pagbalik namin dahan-dahan kaming pumasok sa kwarto baka kasi nakatulog na si Diane. Humiga na kami. Sa wakas. Nakatalikod sila sa'kin. Ako naka diretso lang ng higa. Nakasiksik kasi sa'kin si Pat kaya ang sikip. Nakapikit na ako ng maramdaman kong kumilos si Yan at tumagilid paharap. Nakiramdam lang ako. Sumiksik siya sa'kin at yumakap sa braso ko. Mas dumikit naman ako sa kanya at tuluyan na ding nakatulog. *** "Mga Apo, gising na..m Handa na ang almusal sa ibaba," katok ni Lola sa pinto. Dahan-dahan akong dumilat. Nakaupo na si Pat habang nakasandal sa dingding. Si Diane naman nakayakap pa din sa'kin at ang sarap pa ata ng tulog. "Sige po, baba na din po kami. Salamat po," sabi ko. Nag-inat pa ako habang humihikab. Ang sarap ng tulog ko. Malamig kasi tska late na kami natulog kaya medyo antok pa ako. "Ang sweet, ah." Bulong sa'kin ni Pat na nakangisi. "Sweet ka d'yan. Tigilan mo 'ko," mahinang sabi ko. Tulog pa kasi si Diane, eh. Ngumuso naman si Pat kay Yan, tapos parang kinikilig-kilig pa ang mokong. "Sarap ba tulog mo kayakap si Diane?" tukso nito. Akto namang hahampasin ko siya. "Good morning, Guys." Bati niya sa amin. "Good morning din," sagot namin ni Pat. Bumangon na kaming tatlo at nagligpit ng higaan bago bumaba para mag almusal. For sure, masarap ung breakfast. Naghilamos at mumog muna kami bago kumain. Nakahanda na sa mesa ung umagahan. May tuyo, itlog, kamote, pandesal, champorado at sopas tska hindi mawawala ung suman ni Lola. "Ang daming pagkain," kumukuti-kutitap na 'yong mata ni Pat. Natakam na din ako sa champorado na si Lola, mismo ang gumawa kaya madaming gatas. Sabay-sabay na kaming kumain. "Bukas pwedeng dito ulit mag almusal?" biro ni Pat habang puno 'yong bibig ng kanin at itlog. anatawa naman si Yan. "Sure, no prob." Napangiti naman ako. Mabait talaga 'to' si Yan eh. Wala pang arte sa katawan. 'Yong tipong chill lang siya lagi. Asikasong-asikaso kami ni Lola tska ni Yan, nilalagyan pa nga ako ng pagkain sa plato eh, mga simple gestures na ang sweet, ganern. "Salamat sa masarap na umagahan, ha?" sabi ko habang himas-himas 'yong tiyan ko. Ang dami kong busog. Burrp! "Sus, wala 'yon. Anytime, basta kayo." Sabay kindat pa niya at ngumiti. "Mga Bebe, dadaan muna ako kela Ellen, ah? sama ka Xiel?" baling nito sa'kin. "Hindi na. Uwi na ko diretso," tanggi ko. Wala naman kasi akong gagawin do'n. Maghaharutan lang naman 'yan. Isasama pa 'ko. Duh! Nagpaalam na kami kay Lola tska kay Diane. "Bye, thank you ulit sa bonding."pahabol ko bago lumabas ng gate nila. Tumango lang siya tska ngumiti ng napakatamis. "Sige, Diane una na kami." si Pat. Pagkalabas namin ng gate napansin namin si Pau at si....Jewel na bumibili ng taho. Nagulat pa nga si Pau ng makita kami eh. "Aba, aba! mga panget, ang aga niyong mangapit bahay, ah?" nakapameywang na sabi ni Pau sa amin. Nagtinginan nga mga taong nadaan eh. Kahit kailan talaga itong bunganga ni Paulina, eh. Lumapit si Pat kela Pau. Ako naman hindi ko alam kung lalapit or aalis na lang. Tumalikod na ako at nakakaisang hakbang pa lang ako ng..... "Hoy, Xiel! tatakas ka na naman, ah.." sigaw ni Pau. Napasabunot na nga lang ako ng buhok eh. Hay, naku! Lumingon na ako sa kanila. Pero hindi ako tumitingin kay Jewel. Panigurado namang sambakol ung mukha no'n, eh. "Wui, musta? pilit na ngiti namang bati ko kay Pau, na naka arko ung kilay. "Musta mo mukha mo. Halika ka nga dito. Ang aga-aga nangangapit bahay kayo kela Diane." sermon nito. Alanganing lumapit ako kay Pau. Piningot nga 'yong tenga ko, eh. "Aray naman!" reklamo ko. "Anong ginagawa niyo kela Dianne? alas syete pa lang, ah." Dudang tanong ng kontrabida. "Kasi...." "Sa kanila kami natulog. Pauwi pa lang ngayon," sabat ni Patricia. Lalo namang nagsalubong ung kilay ni Pau. Si Jewel naman ay hindi ko alam kung anong expression ng mukha niya. "Ah gano'n? ba't di man lang kayo nag-yaya kagabi? nagsosolo kayo, ah?"vpatampong sabi ni Pau. "Biglaan kasi. Hindi din naman namin in-expect na do'n kami patutulugin, 'di ba, Dre?" siko nito sa'kin. "Ah. Oo, biglaan lang." "Ang sabihin niyo, ayaw niyo na kaming ka-bonding at ikaw Xiel, hindi ka na nga nagpupunta dito, eh." Singhal nito sa'kin. Hala siya! nagtampo? "Luh! grabe ka naman, hindi sa gano'n," paliwanag ko pa. "Wala, wala. Dapat kayong bumawi," pagmamatigas pa nito. Hayy, ayaw patalo. magkapatid nga sila ni Jewel. Wala na kaming nagawa ni Pat no'ng kaladkarin kami Pau papasok sa bahay nila. "'Wag muna kayong uuwi, ah? magluluto ako ng kare-kare." Napatango lang kami ni Pat, dumating na rin si Ellen, may dalang almusal. Si Jewel, tahimik lang at busy sa phone niya. Aga-aga may ka-text? sus! Umupo ako sa sofa dahil inaantok pa rin ako. Mag aalas dos na rin kasi kami natulog kagabi. ilang oras pa lang tulog ko. ** "Dre, maglu-lunch na tayo," nagising ako sa yugyog nito sa balikat ko. Nakatulog pala ako? Si Pau at Jewel 'yong nagluto ng kare-kare. Pero sa totoo 'di ako mahilig do"n. 'Yong laman lang kinakain ko tska bagoong. Hehe. Ayoko no'ng tuwalya na tawag nila sa part ng baboy sa kare-kare. "Let's eat na. Gutom much," sabi ni Pau. Tumulong na rin kami sa pag aayos sa mesa. Sabay-sabay kaming kumain. Sila takam na takam, ako sakto lang. Madami kasi akong nakain kela Diane kanina. Parang 'di pa ata ako natunawan. "Hoy, Xiel, bakit hindi ka nag-uulam?" sita ni Pau. Naku, ayan na po siya. "Kumakain ako," pabalang na sagot ko. 'Yong bagoong lang kasi inulam ko talaga. "'Di mo ba trip? si Jewel pa naman nag-prepare niyan," sabi ni Ellen. Napasulyap naman ako sa mataray na si j jewel. Nakatingin din pala siya sa'kin. Kumuha ako ng ulam sa mangkok para wala silang masabi. Nakakahiya naman mag inarte. Nakikain na nga lang 'di ba? "Don't force yourself if you don't like it," matabang na sabi ni Jewel. May hint ng tampo ung boses niya, eh. "'Di ah, gusto ko to' tska masarap." Puri ko pa. Masarap naman talaga ung pagkakaluto. Hindi ko lang siguro talaga hilig. Nakita ko pang umirap siya. Hala, lagot. Nagtampo din ata. Abo ba yan! "Bakit parang puyat na puyat ka, Bakla?" tukoy sa'kin ni Pau. "Masarap kaya tulog niyan," kontra ni Pat at nang-aasar. Napatingin naman sila sa'kin. Luh! "At bakit masarap ung tulog?" tsismosang sabat ni Pau. Biglang nilabas ni Pat 'yong phone niya tapos may pinakita sa tatlo. Ano ba yon?! Tumingin sila ulit sa'kin habang nakangisi. "Kaya naman pala." Si Ellen, habang ngumingisi. Ako naman walang idea sa nangyayari. "Ha? anong." "May kayakap naman pala kagabi." Si Pau na nakataas ung kilay at nag-smirk. "Oara kayong mga sira. Ano ba kasi 'yan?" takang tanong ko. Tapos pinakita ni Pau 'yong picture namin ni Diane na.......Magkayakap. Anak ng putspa! Sumulyap ako kay Jewel, na ang sama na din ng tingin sa'kin. "Hoy! umamin ka nga, inaaswang mo ba si Diane, ha?" Si Pau. "Dinidiskartehan mo na, noh?" sabat naman ni Ellen. "Umamin ka na sa amin Beks," tudyo pa ni Paulina. Napahilamos ako ng mukha. "Ano bang pinagsasabi niyo? tropa 'yon" Tanggi ko. Feeling ko nasa hotseat ako, eh. Akala mo mga pulis tong kaharap ko. "'Wag kami, Xiel." Sabay-sabay pang sabi nila. Tumayo na si Jewel, dala ung plato niya at dumiretso na sa lababo. "Hoy, shot muna tayo bago kayo umuwi, ah?" duro sa amin ni Pau ng kutsara. Hapon na ng mag umpisa kaming mag alak. Lagi namang may alak kapag kasama si Paulinang echosera. Matador na long neck. Isaw at barbeque naman ang pulutan. Naki-join din naman si Jewel sa amin. "Shot mo na, Beks." Abot sa'kin ni Pau ng shot glass kaso nagulat ako ng hablutin ni Jewel at nilagok. "Hoy, Bunso, bawal ka pa d'yan. May pinagdadaanan ka ba?" sita ni Pau dito. Hindi nito pinansin ung tanong ng Ate niya. Baka magkagalit sila ni Raul kaya nagmamaasim. Naka ilang ikot na rin at puro tawanan at asaran lang. Ito ung namiss ko kapag kasama sila. Laugh trip lang. "Beks, paki sundan nga si Jewel sa barbequehan, inugat na 'yon. Ang tagal ni Bunso." Utos sa'kin ni Pau. Favorite ako niyan eh. Paboritong utusan. Bumili kasi ulit si Jewel ng pulutan. Himala nga at nautusan lumabas.. Sabagay sa may tapat lang naman ng bahay nila 'yong ihawan, eh. Nakita ko siyang bored na nag-aabang maluto 'yong ihaw. Ang dami pala kasing bumibili. Eh marami ding pinaluto si Wel. "Pasok ka na. Ako na lang maghihintay maluto," sabi ko. Inirapan naman niya ako at hindi pinansin. Sanay na ako. "Miss beautiful, saglit lang, ah? malapit na ito maluto." Si Kuya "Sige lang, Kuya." Nakakatakam ung barbeque. Masarap kasi 'yong sauce tska sawsawan kaya patok eh. May naluto ng barbeque kaya tinikman ko na. "Nakakagutom. Ang sarap nito," sabi ko kay Kuya. "Buti pa d'yan sarap na sarap ka, pero 'yong kare-kare ko napilitan ka pa," halos pabulong namang sabi nitong katabi ko. Napalingon tuloy ako sa kanya at inalok 'yong barbeque na hawak ko. Kinuha naman niya ito tska kumagat na din. Mataray naman niyang inabot ulit sa'kin 'yong stick ng barbeque. Napansin kong may sauce 'yong gilid ng labi niya. Tinuturo ko naman sa kanya kaso inismiran lang ako kaya marahan ko ng tinanggal iyon. Nagulat pa nga siya eh. Napatingin din si Kuya sa amin. "Ehem, luto na po." abot nito sa plastic. Inabot ko na tska kami naglakad pauwi. Salubong pa rin ung kilay niya. Parang nagmamaktol na ewan. Medyo namumula na siya. Naka limang shot din ata siya ng matador kanina. Kumuha ako ng isaw para tikman. "Gusto mo?" alok ko. "Oo, ikaw." Nagulat naman ako sa narinig ko or nabingi lang? "Huh?" maang na tanong ko. "Sabi ko gusto ko nitong isaw," irap niya. Ahh, 'yong isaw pala. Hehe! "Ang sungit naman," bulong ko habang kumuha ng barbeque sa plastic..m "Narinig ko 'yon," "Ha?" patay malisya kong sabi. "Ay lagot, papa-loadan ko nga pala si Diane." Luminga-linga naman ako sa tindahan na may paloadan. Nag-chat kasi siya sa'kin kanina, nagpapaload kasi tatawagan 'yong Mama niya. "Diane na naman. Magdamag na nga kayong magkasama at magkayakap pa," Matic naman na napalingon ako kay Jewel na ang sama ng tingin sa'kin. Problema niya? PMS. "A-ano?" baka kasi namali lang ako ng pagkakarinig. "I said your with me right? it supposed too be my time," medyo pasigaw na 'yong pagkakasabi niya. Nandito pa naman kami sa tapat ng gate nila. "Huh? anong ibig mong sabihin," nalilito na kasi ako or baka kasi english 'yong pagkakasabi niya? Napabuntong hininga naman siya at halatang inis na inis na. Parang anytime sasabog na bulkan. "Wait, nagseselos ka ba?" diretsang tanong ko. Nakatitig lang siya sa mga mata ko..l "Oo, nagseselos ako." * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD