Xiel P.o.v
I like you...
'Yan ang katagang sinabi ko mismo sa harap ni Jewel.
Pero iyon din ang huli naming pagkikita. Balik sa dati. Friendship Over na nga ba?
"Hoy! anong nangyayari sa'yo?" tapik sa'kin ni Pat.
"Wala." Ismid ko.
"Weh? meron eh, sabihin mo na kasi. Makikinig ako." Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga.
"Nasabi ko na kay Wel."
"Na ano? na may crush ka sa kanya," naguguluhang tanong ni Pat.
Buntong hininga ulit."Sinabi ko na gusto ko siya. pero dare lang naman 'yon," paliwanag ko.
"Dare nga ba, or totoong pag amin 'yon?"
"Hayy! hindi ko alam. Pero parang gano'n na nga. Ay, ewan." Nakakainis naman kasi, eh.
'Yong ginawa ko kasi ang dare,inasar-asar pa kami ni Jes, kaya mukhang lalong nabwisit si Jewel sa'kin. Nauna na din akong umuwi no'n kahit pinipilit ako ni Jes na doon na lang matulog.
Hindi ko kasi maatim 'yong sama ng tingin sa'kin ni Jewel at halatang ayaw niya sa presensiya ko. Oo, tanggap ko na.
Tanggap ko na, hindi talaga ako nararapat sa kanya.
"Atleast aware siyang gusto mo siya," sabi ni Pat.
"Mas lalo nga siyang lumayo sa'kin, eh." malungkot kong tugon.
"Cheer up, Dre, madami ka namang chix eh. Mag usap na lang kayo kapag okay na mood niya," pag aalo pa niya sa'kin.
"Kailan pa kaya mangyayari 'yon? hayaan na nga,"_sabi ko na lang.
**
"Hoy, Bakla, gano'n-gano'n na lang?" bungad ni Pau sa kabilang linya. Punyetang bibig 'yan. Ang sakit sa tenga.
"Grabe 'yang bunganga mo, Paulina! bakit ka ba napatawag?" naiinis na tanong ko. Naalimpungatan kasi ako eh.
"'Di'ba may usapan dito sa bahay ngayon? kasi monthsary namin ni Jackie." Dakdak pa niya.
Hala! hindi ko alam.
"Eh ano ngayon kung monthsary niyo," bulong ko.
"Hoy! anong binubulong-bulong mo d'yan, ah? tatanggalan kita ng ngala-ngala pag 'di ka pumunta dito."
"Next time na lang ako pupunta dya------."
Toot..Toot..Toot...
At binabaan ako ng abnoy. Ang bastos din, eh. Napasabunot na lang ako ng buhok. Ayoko ngang pumunta do'n. Bwiset naman! kaso magtatampo naman si Paulina sa'kin. Ilang beses na niya ko kunulit na pumunta doon, kaso lagi lang akong nagre-reason out. Lahat na ata ng dahilan nasabi ko na sa kanya, pati pagtubo ng pimples ko nadahilan ko na para makaiwas lang. Hayy.
Siguro sasaglit lang ako, tapos batse na. Patamad akong bumangon para makapagbihis dahil for sure tatawag na naman maya-maya si Pau. Atat 'yon eh.
.
.
"Punyeta ka, Xiel, anong petsa na! dumating ka pa." Bungad agad sa'kin ni Pau, pagkapasok ko ng pinto nila. Ang galing.
Nagtawanan naman sila. isa-isa ko din silang pinag-iirapan.
Umupo ako sa tabi ni Pat na nakikipag lampungan kay Ellen. Ang lalantod.
"Lumafang ka muna do'n bago shot." Nguso ni Pau sa kusina nila. Napalingon din ako dito. May mga pagkain sa mesa. Yello cab, wooow. Nagutom ako bigla. 'Di pa kasi ako nakain. Pag-uwi ko kanina galing school, nakatulog ako agad. Nagising lang ako sa tawag at sa bunganga ni Pau.
Tumayo na ko para pumuntang kusina. kumikinang ung mata ko sa pizza tska sa chicken. Ang sasarap naman. Kaso, gusto kong umatras ng makita ko si......Jewel, na umupo sa mesa. Hindi ko kasi siya nakita dahil natatakpan ung pader sa may bandang ref.
Parang nabusog ako bigla. Nagdadalawang isip ako kung tutuloy or babalik na lang sa sala. Kaso lumingon ako kela Pau, nakatingin sila kaya no choice.. Bahala na nga.
Dumiretso na ako at kumuha agad ng paper plate. kaharap ko na 'yong taong pinaka-iiwasan ko. Hindi ko din siya tinapunan ng tingin. Nakikita ko lang sa peripheral vision ko.
Nagmamadali nga akong kumuha ng pagkain ang kaso, sabay din kaming tumusok sa chicken na gusto ko.. Pareho kami ng fave part eh. Wings.
Binitawan ko agad at pumili na lang ng ibang part. ako na nagpaubaya kahit favorite ko 'yon. Huhu!
"You can have it," narinig kong sabi niya.
Tukoy niya do'n sa manok. Pero s'yempre, nagmamaganda ako kaya patay malisya.
Kumuha din ako ng carbonara kasi kumukuha siya ng spaghetti. Naunahan ako.
"Sa'yo na itong spag," alok niya ulit. Pero tumango lang ako tska tumalikod.
.
.
Jewel P.o.v.
It's been two weeks na din after nung bonding namin kela Jes with Yeye, and the dare thing. That's when Xiel confess that...Ahmm..She like's me. We never talked after that. Nauna na nga siyang umuwi no'ng nando'n kami kay Jessy eh. Grabe din kasi ung panunukso sa amin no'n. Like, Duh! it's irritating dahil paulit ulit si Jes sa pang aasar. Pulang-pula na nga 'yong mukha ni Yeye that time. Gusto kong matawa. She's soo cute!
I know she always refused to visit here kahit lagi siyang niyaya ni Ate Pau. Siya nga lagi ang kulang. I always found myself looking for her presence.
I dont know, but i'm glad that she's here. I didn't expect it.
We're here sa kusina. Sabay pa nga kaming kumuha ng chicken.
"You can have it," sabi ko pa. Pero she... She ignored me. What the hell. First time 'to, ah?
"Sa'yo na itong spag," sabi ko, but she just nodded. Nakakainis, ah. Umalis na din siya, naiwan ako dito sa kusina.
**
"I want space," sabi ko kay Raul.
"What? bakit may nagawa ba ako?" he's so shocked.
"Wala. Basta ayoko muna ng distraction," paliwanag ko.
He just held my hand. Inaalis ko na 'yong kamay ko pero ayaw niyang bitiwan.
"Get off me!" I hissed, tska siya bumitaw.
"I love you so much, Jewel. Please 'wag mo akong iiwan." Pagmamakaawa niya. I was so pissed. Nakakairita.
"Mag-usap nalang tayo after a week," sabi ko sabay baba ng kotse niya. Narinig ko pa 'yong pagtawag niya sa pangalan ko, pero hindi ko na siya nilingon.
"Hey," tawag mula sa likuran ko. It's Jessy.
"Oh, Beb." Sabi ko, tska naglakad papasok sa campus.
Wala talaga ako sa mood ngayon. Mood swings i guess.
"Daan muna tayo sa cafeteria, maaga pa naman eh." Yaya niya.
"Tara."
Pagdating namin, si Jes na 'yong um-order ng food namin.
"Bakit parang wala ka sa mood?" sita niya habang nilalapag mga pagkain sa table.
"Gutom lang," sabi ko pa. Tumabi na siya sa'kin at nagsimula na kaming kumain.
"Nag-away kayo ni Raul, noh?" tanong niya.
Napalingon tuloy ako sa kanya. Tumango lang ako.
"Bakit anong nangyari?" curious na tanong nito habang sinusubuan ako ng pancake.
"Nakaka init kasi ng ulo 'yong mga demands niya. Hindi ka pwede sa ganito, hindi ka pwede sa ganyan. Ano ako robot?" naiinis na sabi ko.
Natawa naman siya "s'yempre, mag jowa kayo eh, natural lang 'yon. Gano"n din naman sa'yo dati mong ex, di'ba?" paliwanag pa niya.
"Nuh, hindi ganun si JM. Siya nga 'yong sumusunod sa'kin eh."
"Beb, they are different persons, tska pansin ko lagi na kayong nag-aaway, ah?"
Napa-irap naman ako. "Nakakairita kasi siya!"
She looked at me sabay smirk. "Baka naman nababaling na sa iba ung atensyon mo?" dudang tanong niya.
Tinaasan ko tuloy siya ng kilay, "What?"
Umiling-iling pa siya habang natatawa. "Do you liking someone?"
Sinamaan ko na siya ng tingin, "ewan ko sa'yo. Isa ka pa, eh!" hampas ko sa braso niya. It's not helping.
Tinawanan niya ko lalo. Sarap sungalngalin ng tinidor.
"Ba't naman nadamay ako d'yan. Just chill, Beb. Punta tayong bar mamaya, gusto mo? yayain mo ulit si Xiel." Kurot niya sa pisngi ko.
And bang... I heard her name again.
"Isa pa 'yon! hindi ako pinapansin. She started to ignored me. Nakakabwisit!" maktol ko. Napatingin nga sa'kin mga dumadaang estudyante.
Humagikgik naman itong katabi ko. "What?!" naiinis na tanong ko.
"Now I know bakit ka naaburido lagi, Ms. Grumpy"vasar niya pa sa'kin. Lalo tuloy akong nainis.
"Ewan ko sa'yo. Ano bang sinasabi mo d'yan?"
She rolled her eyes on me. "You know what, Beb malala na 'yan." Nakakalokong sabi niya.
"Ano ba kasi 'yon?"
Hindi mo alam? oh c'mon, Beb. Are you affected sa pang-snob sa'yo ni Xiel?"
Napatikhim ako. Affected? hindi noh! pssh.
"N-no i'm not, and what makes you said that?" Hamon ko.
"Feeling ko lang. Obvious naman. "she murmured. Akala naman niya 'di ko narinig.
"Sige, later sa bar," Sabi ko na lang. Kailangan ko huminga. Nasu-suffocate ako eh.
**
Xiel P.o.v
Napakunot noo ako sa newsfeeds ng nakita ko 'yong pictures. Si Jewel, na nasa bar kasama si Jessy. Parang napapanay ung inom niya lately ah? hindi maganda tsk! mababa kaya tolerance niya sa alak. Bahala na nga siya. Malaki na siya para isipin ko pa.
"Dre!" Si Pat, na dire-diretsong pumasok sa kwarto.
"Ano na naman 'yon? uutang ka. Lakumpera." Tabla ko agad. Natawa naman siya tska humilata sa kama.
"Samahan mo ko saglit kela Ellen, hahatid ko lang ung project ni Elmo, tapos libre kita sa tapsihan after," pang-uuto niya pa.
Sinamaan ko siya ng tingin. Duda kasi ako eh. Baka sa'kin pa magpalibre.
"Sige, basta saglit lang tayo do'n, ah?" Paninigurado ko.
"Oo nga. Para ka namang may allergy kapag nagagawi do'n," Pang iinis niya. Hinampas ko nga ng kumot.
Pumunta na kami kela Ellen. Hindi na ako pumasok sa loob, naghintay na lang ako sa labas ng gate nila.. Pasimple pa nga akong sumisilip sa may gate nila......Jewel kaso sarado at parang walang tao.
May humintong taxi sa tapat ng gate nila Jewel. baka si Pau dumating?
Patay malisya lang ako, kunwari busy sa phone kong walang load. Pasimple akong sumulyap sa bumaba ng taxi....Si Jewel kasama si Jessy.. Pareho silang naka-dress, parang galing bar or party eh.
"Goodnight, Beb," sabi ni Jes, bago pumasok si Jewel sa gate.
"Goodnight. you take care. Text me when you got home." Si Jewel ,na halatang nakainom.
At saktong paglingon ko sa kanila.
Smack....
Nag.....Nag-kiss sila sa.....Lips..Napaiwas ako agad ng tingin...Parang may kumirot sa bandang dibdib ko, ah.
Buti na lang lumabas na si Pat, kaya hinila ko na siya agad.
"Oy, wait nga, 'yong damit ko," Reklamo niya habang inaayos ung t-shirt niya. Napatingin naman siya sa dalawang naghaharutan.
"Oh Jew, wala pa ata diyan si Pau. Kunin mo na lang kay Ellen ung susi ng gate niyo ha?" sabi niya.
"Yeah. Thanks," sagot nito. Hindi ko sila tinitingnan.
"Hello, Xiel." Bati ni Jessy.
Tumango lang ako sa kanya. Wala sana akong balak na pansinin silang dalawa kaso nakakahiya naman kung isnabin ko pati si Jes, kahit na gusto ko siyang pektusan.
Nauna na akong maglakad habang si Pat kausap pa si Jewel. Bahala kayo dyan! ewan ko ba bakit ako naiinis. Hayy!
Di ko alam kung nagseselos ba ako oh ano. Naiinis ako sa nakikita ko. Gano'n-gano'n lang 'yon? papahalik siya sa harap ko pa? nasaan ang hustisya. Wala man lang respeto sa presensiya ko. Huhu!
"Hoy, Dre, hintayin mo 'ko. Parang walang kasama, ah?" habol sa'kin ni Pat. Hindi ko naman siya pinansin. Dire-diretso lang akong naglakad.
Inakbayan niya ko tska pumulupot sa braso ko. Hinampas ko naman 'yong kamay niya. Tatawa-tawa pa ang gaga!
Itong bad mood ako naku! baka makasapak ako ng tao. Nagfa-flashback kasi sa'kin 'yong eksena kanina nila Jewel at Jessy. Nahampas ko tuloy si Pat sa braso.
"Aray naman! mapanakit din, eh." reklamo niya habang hinihimas-himas 'yong brasong hinampas ko.
Gusto ko kasing malabas 'yong inis ko, eh. Malas lang ni Pat siya 'yong nandito.
Hay! ayoko na ngang isipin. Lalo akong nababanas.*
*
*
*