Xiel P.o.v.
Flashback....
"Bluurrppp!"
"Ayy, ayan kasi, iinom-inom." Sermon ko sa nagsusukang si Jewel. Halos siya ang nakaubos no'ng ininom namin sa bar. Lagi naman ganito 'yong eksena kaya expected ko na.
Halos sumubsob nga siya dito sa lababo ng banyo. Nabasa na din 'yoog suot niyang blouse. Amoy suka na din ako. Hinilamusan ko siya tska pinunasan. Nang mahimasmasan na siya, inupo ko muna sa kama para makakuha ako ng pang palit niyang damit. T-shirt at short na lang para mabilis bihisan.
Tinanggal ko na ang damit niya pero oyy, pumikit ako promise!
"Hey, what are you doing?" tampal niya sa mukha ko.
"'Wag kang magulo." Habang inaabot ung short sa kanya. "Isuot mo na 'yan," sabi ko pa. Kaso tinawan tawanan pa niya ko. Lakas din ng trip, eh. Pero sinuot din naman niya habang nakapikit ako.
"Okay na?" tanong ko, tska ko dinilat ang isa kong mata.
"Yeah. Lika na dito," tawag pa niya sa'kin. Bigla naman bumilis t***k ng puso ko. Anebehh!
Alanganing lumapit ako sa kanya kaso bigla naman kumanto ung hinliliit kong daliri sa gilid ng kama. Shete, ang sakiiit! napahiga ako. At ang mas malala......Magkalapit na kami ni Jewel ngayon.
Magkatitigan kami.
Ung titig na walang kurapan.
Ung tanging dalawa lang kaming nag eexist sa earth.
Gano'n ung feeling.
Rinig ko din ang t***k ng puso naming dalawa.
Kaso 'di ko siya kayang titigan ng matagal kaya ako din ung sumuko.
Patayo na nga sana ako eh, kaso mas hinigpitan niya ang pagkapit sa braso ko. Narinig ko pa 'yong pagsabi niya ng "Stay"'
Ang lambing pa kamo ng pagkakasabi. Parang gusto kong kiligin na ewan.
"You know what, Yeye, i love the scent of your shirt," sabay amoy pa niya dito. Naramdaman ko pa nga ung pagdikit ng ilong niya sa leeg ko. nakikiliti ako. Nemen eh.
"What?" tanong pa niya kasi nakikiliti talaga ako.
"Ano kasi. Haha!" Natawa na ko sa sobrang kiliti. lalo pa niyang inamoy amoy ung damit ko. Ay powtek, parang nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon. Hindi ito maari. Nagtayuan na din ang balahibo ko sa katawan, at ano pang pwedeng tumayo. Charot!
Marahan kong sinuklay ung buhok niya gamit ang diliri ko. Alam kong nakatitig siya sa'kin.
"If you're a guy lang sana," bulong pa niya. Akala niya siguro hindi ko narinig. Halos amoy ko na nga ung hininga niya sa sobrang lapit namin sa isat isa.
"Kung lalaki ako, ano?" diretsang tanong ko sa kanya.
Ano 'to usapang lasing?
Ngumiti lang siya sa'kin. Powtek na ngiti yan, nakakatunaw eh. Grrrr. Mas lalo tuloy siyang gumanda.
Parang lalong umiinit ung paligid kahit nakatutok sa amin 'yong electric fan.
"Crush mo pa din ba ako?" 'yong tanong niyang parang ng te-tease. Bigla naman akong nahiya. hindi ako prepared mga besh. Akala ko naman nakalimutan na niya ung about sa crush na 'yan. Jusmiyo marimar.
"Huh? H-hindi na, ah." syempre deny to death. Bwahaha!
Tumaas naman ung kilay niya."Really, huh? then why are you blushing," nakakalokong ngiti pa niya. halata mong lasing eh kaya ang daldal. Tseh!
Pinilit kong tumayo sa pagkakadagan sa kanya kaso pinigilan na naman niya ko..
"Hindi, noh," iwas ko. Marahan naman siyang tumawa na lalong nakapag pa-sexy sa kanya.
"Bakit kasi 'di mo pa aminin?" pilit pa niya. talagang pino-provoke niya ko.
"Bakit kung oo, may mangyayari ba?". hamon ko din sa kanya. Ako naman ang magte-tease. Tingnan lang natin. Nyahaha!
"Bakit mo 'ko crush?" ayaw talaga niya patinag, parang hindi man lang naapektuhan sa sinabi ko.
Ako naman itong 'di na makasagot. Sasakalin na talaga kita, Jeweeel. Ang galing kasi maka-reverse psycho.
"Matulog na tayo," iwas ko.
"I don't like. Sagutin mo kasi muna," kulit niya pa.. kilala ko pa naman ito si Jewel, hanggat 'di nakukuha ung gusto, hindi titigil. Madaling araw na kaya, noh!
Napahilot pa ko sa sintido ko dahil sa kakulitan nitong lasheng na kausap ko.
"Inaantok na talaga ako," sabay hikab ko para mas kapani-paniwala.
"Duwag ka talaga," sabi pa niya.
Nagpanting tuloy ung tenga ko. Ako duwag? 'di keye.
Hinamon ko siya ng tingin. "halikan kita d'yan, eh," bulong ko.
"Edi gawa."
Nagulat ako sa sagot niya at mukhang ayaw talaga patalo, eh.
Aba't hinahamon talaga ako, ah.
Pero s'yempre, may pag-aalinlangan ako. Hindi ko kayang gawin. Inaasar ko lang naman siya, eh.
"Ano? you can't do it," pang bubuska pa niya.
Inirapan ko na lang siya. Kanina pa din ako naiilang sa pwesto naming dalawa. Nakapatong pa din kasi ako sa kanya.
"K...kaya ko," inis na sabi ko.
"Sus, puro ka lang naman salita," tudyo niya pa habang umiiling-iling.
"Eh kung magawa ko?" parang batang pikon na sabi ko.
"Edi nagawa mo. But I doubt it, you ca------."
At naramdaman ko na lang ang malambot na labi ni Jewel.
Simpleng lapat lang naman talaga ang gagawin ko eh. Hindi ko intensyon na tumagal at lumalim ang halik na 'to. Gusto ko lang patunayan sa kanya na kaya kong gawin.
Nakalapat lang ang mga labi namin ni Wel, mga ilang segundo na din siguro.
Ang heaven ng feeling.
Naramdaman ko ang paghawak ni Jewel sa batok ko kaya mas dumiin ang labi ko sa labi niya.
Bahala na.....
Dahan-dahan ko ng ginalaw ang labi ko. Banayad na galaw.
Nang pareho na kaming kinakapos sa paghinga, naramdaman ko pa ang pagkagat niya sa lower lip ko bago naghiwalay ang mga labi namin. Ouchy!
Umalis na ako sa ibabaw niya. Umayos na din siya ng higa sa kama. Halatang bangag at antok na. Hinayaan ko muna siyang makatulog bago ako tumabi. Umiiwas lang sa tukso.
Napahawak ako sa labi ko. Hindi pa din kasi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Infairness, ang sarap niyang humalik. Napatitig ako kay Jewel na himbing na natutulog. Iba ang halik na 'to eh. Masasabi ko din na.......I like you. Gustong gusto kita.
*
*
Jewel P.o.v.
So we kissed last night. Yeye, confirms it. Sobrang lango ko sa alak kagabi hindi masyadong malinaw sa'kin ung buong nangyari. But I remember the moment no'ng.....Arghhh!
Hindi ko na siya kinausap pa after that. Umuwi na ako dito sa bahay. 'Di na din ako nagpahatid sa kanya. i don't know what to feel. I just can't believe it happend..With Yeye.
But she's a girl....hindi tama.
"Psst, kanina ka pa dumating? nasaan si Xiel?" tanong ni Ate Pau pagdating.
Arghh! narinig ko na naman ang pangalan niya. tsk!
"Hoy, tulala lang girl?" tapik pa niya.
Inirapan ko siya. "I dont know," balewalang sagot ko.
"Anong I don't know ka d'yan?" 'di ba magkasama kayo mula kagabi, do'n ka pa nga natulog," nakapameywang pang sabi niya. Lalong sumasakit ang ulo ko.
"Yeah. I want to rest, Ate." Tumayo na ako para pumunta sa room. Gusto ko munang mapag-isa.
***
"Beb, your spacing out," sita sa'kin ni Jessie.
"Huh? hindi, ah. May iniisip lang ako."
"Hmmm, at ano or sino naman kaya 'yang iniisip mo?" kalabit niya sa tagiliran ko.
Umiling lang ako. I'm m not in the mood.
"How's Raul? he will fetch you ba later?"
"I don't know," walang gana kong sagot.
"Hey, lare you sick?" sabay hipo niya sa noo ko.
"Nuh, i'm fine."
May problema ka? you can tell me anything. OMG!" nanlaki pa 'yong mata niya. Problema nito?
"Don't tell me, your preggy?"'
Napairap naman ako sa sinabi niya. What the heck?! naisip niya talaga yo'n, ah.
"What are you talking about? it's irritating,"
"Ang sungit naman. Red alert ka ba ngayon?" she's teasing.
"Tara sa condo mamaya. Wala akong kasama eh," yaya niya pa.
Hindi naman ako nagdalawang isip sa invitation niya. Tska ayoko muna umuwi sa bahay baka kasi nandon si..........
After class, dumiretso na kami sa condo ni Jessie. Bumili na lang din kami sa drive thru ng makakain. dumaan din kami saglit sa grocery kanina to buy some liquor.
"Okay, Beb, speak up." sabi niya pa habang inaabot ung shot glass na may lamang tequila.
"What do you want to know ba?"' i asked, sabay inom.
"What bothers you?"
Ano nga ba? or sino.
"Nothing." iling ko.
She stare at me na parang hindi siya naniniwala..
"Sure ka d'yan, girl?"
"Yeah. Bakit may nagbago ba sa'kin?"
"Ahm, parang lagi ka kasing lutang this past few weeks. May nangyari ba?" concern na tanong niya.
"Wala naman."
I don't know how to say it to her and how to open up.
Hindi ko namamalayang panay bigay niya sa'kin ng shot glass. Nilalasing ata ako nito, eh.
Medyo umiikot na 'yong paningin ko.
"Kaya pa?" nahalata ata niyang tinamaan na ako.
"Yup. Your not drinking," hampas ko sa kanya. tinawanan naman niya ako.
Napatingin naman ako sa t.v. and it caught my attention kasi sa palabas. Both girls kissing 'yong scene. Naalala ko tuloy si.....Arrghhh!
"Ang cool, noh?" tukoy niya sa palabas.
"Ahm, yeah."
"You know what, when I was in highschool I kiss a girl." Kwento niya habang natatawa.
"Really?" "di kasi ako makapaniwala. She so kikay kasi.
"And then? Girlfriend mo?" interesadong tanong ko.
"Nope. We're not. Gusto ko lang siyang halikan. Game naman siya, kaya ayon."
"Ahh. So, walang feelings gano'n?"
"Yeah. It happens right?"
I just nodded. I don't know how to react.
"Ikaw, did you kiss a girl na ba?"
"What kind of question is that, Beb." Iritang sabi ko. I'm not comfortable.
"Why? its okay, Beb. Hindi naman big deal 'yon," sabi pa niya sabay shot..
"So you're saying that even though walang feelings, pwedeng mag......Kiss?"
Tiningnan niya ako sabay smirk. "S'yempre naman. Wala naman pinagkaiba sa girl and boy kissing, noh." She explained.
Napaisip tuloy ako. Oo nga naman. So yong kiss namin ni Yeye, wala lang 'yon?!
"Beb, shot mo na."
We're both drunk naman no'ng nangyari, eh.
"Hoy!"
Nagulat pa ako ng sundutin niya ung tagiliran ko.
"Ano ba!" hampas ko naman sa kanya habang tinatawanan ako.
"So, may hindi ka ba sinasabi sa'kin, ha?" dudang tanong pa niya.
Bigla akong na-tense. Umiling lang ako at kumuha ng chips.
"Sure ka? your secret is safe with me," convince pa niya.
Ishe-hare ko ba sa kanya? arggh. Nakakahiya. baka ano pang masabi niya. I'm straight, okay? I can't imagine myself na papatol sa girl. My gosh!
"If you giving a chance to kiss a girl, sino "yon at bakit?" she asked again. Ayaw niya talaga akong tantanan.
"W-wala."
Inarkohan naman niya ako ng kilay.
"Weh, wala talaga? ang seryoso mo. Sino nga?" insist niya pa.
I just glared at her para tumigil na siya. Tapos parang she's thinking of something. Hay naku! then she looked at me.
"What?" I hissed..
"Aha! i'm thinking kasi na pwede mong halikan, eh" then she laugh.
"Who?"
"Edi, the one who are closer to you," irip niya pa na parang ang slow ko at 'di ko ma-gets 'yong mini-mean niya.
"Sino nga?" iritang tanong ko. Ayaw pa kasing diretsahin.
"Sino pa ba edi, si Xiel. Duh!"
Hindi naman ako nakapg-react agad. For your info, we already kissed.
"Kasi 'di ba, bi siya? tapos magkakababata naman kayo. I think wala naman sigurong malisya if gawin niyo".. nakakalokong ngiti pa niya. Ang sarap tampalin.
"Pwede ba, Beb, just leave her alone." Sabay bigay ng alak sa kanya.
"Why? feeling ko nga type ka no"n, eh."
Hindi ko na lang pinansin. Hahaba lang ang usapan, eh.
"It's 's obvious kaya."
Hay naku, ayaw talagang tumigil.
"Just please, stop!" pikang sagot ko.
"Why? base on my observation lang naman. The way she looks at you,"
My gosh, at kelan pa siya naging observant?
"Malisyosa ka lang talaga," sabi ko na lang.
"No i'm not, Beb. Do you really want me to prove it to you?" hamon niya pa. Tiningnan ko siya with a confusion. What the hell.
"Ano, pustahan?" then she looked at me while smirking.
"Deal?" she said.
"Okay, deal."
***
Xiel P.o.v.
"Dre, sumama ka na kasi, saglit lang naman tayo kela Pau, eh" pilit pa ni Patricia sa'kin. Ayoko kasi talagang pumunta do'n.
"Hay naku, 'di ka pa din ba makamove-on sa kis-----."
"Heh, tumigil ka!'' lamutak ko sa mukha ni Pat.
Lagi niya kasi ako inaasar no'ng nakita niya kaming muntik ng mag]kiss ni Jewel sa kwarto. Letse talaga. Simula din no'n, hindi na kami nakapag-usap pa ulit ni Wel at mukhang ayaw niya na din akong pansinin pa. Hay!
"Bahala ka nga. Nagtataka na mga 'yon kung bakit 'di ka napasyal do'n," pangongonsensya pa niya..l
"Sabihin mo nagkatigdas hangin ako," dahilan ko pa.
"Nek-nek mo, Dre. Akala mo naman ma-uuto mo mga 'yon sa dahilan mo.' Wag kami, oyy!"
"Basta ikaw na bahala. Chupe. Layas!" taboy ko.
"Oh sige, aalis na ako. Bangungutin ka sana," pahabol pa niya bago ibalibag 'yong pinto. Siraulo.
Ang boring dito walang magawa. Kung sumama lang ako kay Pat, edi kumpleto sana ang barkada. Masaya pa at makakasilay sana ako kay....
Bigla naman akong nalungkot. Nami-miss ko na siya. Pero wala naman akong magawa. For sure ilang na ilang na siya sa'kin dahil sa halik na 'yon. Sinabi ko kasi sa kanya ang nangyari. After nga no'n, parang ayaw na niya akong makita. Base sa reaction ng mukha niya.
I-chat or i-text ko kaya? hindi kasi talaga ako mapakali eh. Kung hindi siya magre-reply, ayos lang naman. Basta kinamusta ko siya.
Dali-dali akong nagbukas ng messenger para tingnan kung online siya. Ayon "active"
Nag-compose na ako nagsasabihin. Ano nga ba? Shete , ba't ba ako kinakabahan?
"Hi." Chat ko.
Pero s'yempre, asa naman akong magre-reply agad siya 'di ba? pa-chicks 'yon, eh.
Tumingin muna ako sa newsfeed sa f*******:.
Scroll..
Scroll..
Like..
Like..
Napakunot noo naman ako sa picture na nakita ko.
"With my Beb." Ang caption. Si Jewel at si Jessie. magka-hug sila habang ngiting-ngiti. Mga hayp! hindi ko alam bakit ako naiinis. Naki tsismis na din ako sa comments.
"Miss you, Beb." Jessie.
"Miss you too, Beb." Jewel.
Bakit may pa-miss you pa? mag-jowa ang peg?
"Sleep over ulit tom? haha!" Jessie.
"Sure, Beb. I'll be there. Mwah!" Jewel.
Napasimangot ako sa mga convo nila. Sa comment pa talaga naglandian?! ang haharot! samantalang 'di nga pinansin ung chat ko sa kanya. Nakakaselo-----.
Pabagsak akong humiga sa kama at tulalang nakatingin sa kisame.
Gusto kitang makita.
Tiningnan ko ulit ung phone ko, wala pa din reply si Jewel. Asa ka pa, Xiel. Hindi ka papansinin no'n.
**
Ilang araw din akong nagbalak puntahan si Jewel sa school niya kaso wala akong lakas ng loob..l pero ito ngayon nandito sa tapat ng gate Hinihintay siyang lumabas. Buti nga halfday lang ung klase ko kanina.
Nakita kong naglabasan na mga estudyante. Bumibilis din ung kabog ng dibdib ko. Relax, Xiel.
Mga ilang minuto din bago ko nakita 'yong pamilyar na pigura. Kasama niya si...Jessie. Masaya pa silang nag-uusap habang nakapulupot ung braso ni Jes kay Wel. Edi wow!
Hindi na ang ako magpapakita. Parang nahiya ako bigla eh. 'Di ko din naman alam kung kakausapin ako ni Jewel. Parang wala naman siyang paki. Mag tatatlong linggo na kaming hindi nagkikita. Hindi nga din nag-reply sa chat ko. Tumalikod na ako.
"Hey, Xiel!"
Rinig kong sigaw sa likuran ko. Powtek!dahan-dahan akong lumingon.
"Oyy," sabi ko pa.
"Nandito ka pala. What's up?" aabi ni Jessie.. napasulyap naman ako sa babaeng nami-miss ko. kaso poker face lang naman siya. Parang 'di nga natuwa nung makita ako.
"Ah..Eh..Ano kasi..Napadaan lang," dahilan ko pa. Mukhang "di nga sila naniwala.
"Ahh. Really, huh?" sabi ni Jes habang nakangisi at sumulyap kay Jewel. Ang awkward, Shete!
"Sige, alis na ko." Nagmamadaling paalam ko.
"Wait, why don't you come with us. Right, Beb?" baling pa niya dito. Tumango lang ito bilang tugon.
"Saan ba kayo pupunta?"' tanong ko. 'Di ko kasi feel sumama.
"Sa condo."
Wala kaming imikan ni Jewel habang nasa byahe. sila lang nag-uusap ni Jes. para nga akong masamang hangin na kasama nila. Naiilang talaga ako. Kung pwede nga lang bumaba ng sasakyan.
"We're here."
Bumaba na kami ng sasakyan at umakyat na sa unit ni Jessie.
"What do you like to drink, Xiel?" tanong sa'kin ni Jes.
"Kahit ano, okay lang sa'kin."
"Sige, prepare ko muna iinumin natin."
Naiwan naman kaming dalawa ni Jewel dito sa sala. Hindi kami nagkikibuan.
"Anong ginagawa mo kanina sa school?" cold na tanong niya.
"Ahm, ano..."
Lumingon naman siya sa'kin habang walang kaemo-emosyon. Hinihintay ung isasagot ko.
"You don't have to do that," sabi pa niya. Ang taray pa nga.
Hindi naman ako nakakilos at nakasagot pa. Makatakwil naman sa'kin wagas. Parang ang bigat-bigat ng kasalanan ko sa kanya.
"Okay, Girls, lets drink," si Jes habang hawak 'yong bote ng Antonov vodka may kasamang chaser na juice.
Ang bilis pa nga ng tagay eh. 'Di naman sila nagmamadali eh, noh? si Jes lang ang kumakausap sa'kin. Siya lang din ang kinakusap ni Jewel. Ang sweet pa nga nila eh. Akala mo walang kasama, Amfuta.
"Let's s play ng spin the bottle,"sabi pa ni Jes habang nakangiti. Hindi naman kami nakapalag pa.
"Truth or dare, ha? 'yong hindi sasagot, may consequence."' Paliwanag pa nito.
Nag umpisa ng ikutin ung bote. Tumapat agad kay Jewel 'yong bote
"Truth or dare, Beb?"
Nag-isip pa saglit siya, "Truth."
"Ahm. who is your first love?" tanong ni Jes.
Nakikinig lang ako at hindi nagpapahalatang interesado sa isasagot ni Wel.
Nakita ko pa nga 'yong pag irap niya, mukhang ayaw pang sumagot.
"Love talaga? hindi ko alam," paismid na tugon nito.
"Ang corny mo, Beb. Sagutin mo na lang or ida-dare kita,"
Nagkasalubong naman 'yong mga mata namin ni Wel, pero sabay din kaming nag-iwas ng tingin.
"Dare na nga lang."
Pilyang ngumiti si Jes. "Okay, kiss mo nose ko." Utos pa nito.
Bigla naman akong nakaramdam ng inis. Ba't may gano'n?
Ginawa naman agad ni Jewel. Kainis, ah. Dami- daming pwedeng ipagawa, 'yon pa talaga? nawalan na ko sa mood. Gusto ko ng umuwi.
"It's ts your turn, Xiel. Truth or dare?" tanong ni Jes.
Saglit naman akong nag-isip. "Ahm, dare."
Napangisi naman si Jes. Kyompyangin kita d'yan eh.
"Hawakan mo ang kamay ni Jewel, for 5 minute." Utos pa nito.
Nag-aalangan naman akong gawin. Ang sama na din kasi ng tingin niya sa'kin. Katakoot.
"Do it, Xiel" Sabay senyas pa ni Jes para lapitan si Wel. Tumayo na ako para lumapit. Parang nanlamig pa ung kamay ko. Pasmado pa ata.
Tumabi na ako sa kanya at nag-aalangang hawakan u'ang kamay niya na parang napilitan pang ipahawak. Nakita ko naman na nakatingin sa amin si Jes habang naka-smirk.
"Thats better. Ay wait, kukuha muna ako ng pulutan," sabay tayo naman niya at naiwan na naman kami ni Jewel.
As usual, hindi pa din niya ako kinikibo. Medyo niluwagan ko din 'yong paghawak ko sa kamay niya.
Lumipas na ata ung sampung minuto, 'di pa din tapos sa kusina si Jes. Nagluto pa ata ng spagetti, ang tagal eh!
Namamawis na din 'yong kamay ko. Saglit akong sumulyap sa katabi ko na kanina pa din salubong ung kilay at nakasimangot.
"Matagal pa ba?" inis na sabi pa niya kay Jes.
Maya-maya din bumalik na si Jes na may hawak na plato na may hotdog.
"Opps, sorry matagal ba?" nakakalokong tanong pa niya.
Ay hindi teh, tagalan mo pa. Tseh!
Nakita ko pa 'yong pagsulyap niya sa kamay namin ni Jewel, sabay ngisi na naman.
"Okay na. Pwede na kayong magbitaw. Pero if gusto niyo pa, okay lang din naman," mapang-asar pang sabi niya.
Hinablot naman ni Jewel 'yong kamay niya. Bbumalik na din ako sa pwesto ko.
Nakailang ikot din kay Jes at Wel. Puro dare ang ginawa nila. Nando'n 'yong uminom ng isang basong suka at kumain ng sili.
Natapat naman sa'kin 'ang bote. Si Jes ulit 'yong nagtanong.
"Truth or dare?"
"Truth na lang."
Nakatingin sa'kin si Jes, at bumaling ng tingin kay Jewel..
"Nagka-crush ka ba kay Jewel, before?"
Hala ka! dyahe naman, oh. Tumingin din sa'kin si Wel habang hinihintay ung sagot ko.
"Ahm," Tumatagaktak ung pawis ko kahit may aircon.
"Pwedeng dare na lang?" sabi ko pa.
Natawa naman si Jes, habang umiiling-iling.
"Pwede naman."
"S-sige," sabi ko para mas safe na din. Nakakahiya kasi kay Jes kung aamin ako 'di ba?
"I dare you na sabihin kay Jewel na I like you." Utos pa nito.
Literal naman na nanlaki 'yong mata ko. Nakita ko ding nagulat si Jewel sa dare.
Parang wala na akong choice kundi gawin. Para matapos na din.
Tumingin pa ko kay Jes, nag-thumbs up naman siya pangpalakas ng loob..
'Di naman ako makatingin ng diretso kay Jewel, na ang seryoso ng mukha na parang may laser beam ung mata sa talas ng tingin sa'kin.
Bumuntong hininga muna ako at dahang-dahang lumapit kay Wel.
Magkatapat na kami ngayon at grabe din ang nerbyos ko. Nakakahiya kasi talaga.
"Go, Xiel." Rinig ko pang cheer ni Jes.
Oo i, ito na nga eh, noh.
"Wel.........I......like.....you"..
*
*
*