Xiel P.o.v.
Gusto kita na mapasakin kahit na mali katabi ka ng matagal 'di lang ngayong gabi, hiling ko sanay matupad ako'y di na mapakali, gawin nating lagi nakaw nating sandali.
Rinig kong tugtog dito sa jeep na sinasakyan ko. Napatingin din ako sa kaharap kong magjowa na ang haharot. get a room! napaismid na lang ako at tumingin sa labas ng bintana.
Schedule dapat namin ni ehem. Jewel ngayon. Oh 'di'ba may gano'n na kami. Lagi kasi kaming nagfo-foodtrip after school, dinadaanan ko siya at sabay na din kaming umuuwi. Kaso nag-text siya na 'wag na daw akong dumaan sa school nila kasi may gagawin pa daw siya. Nalungkot tuloy ako. Hay, miss ko na 'yong masungit na 'yon eh.. Lakas nga ng trip namin minsan, kasi lalabas kami ng alas onse or alas dose ng hating gabi para lang mag 7/11 at kumain ng mami or balut sa daan. Ewan ko ba sa alagang sawa ni Jewel sa tiyan at laging late nagugutom. Pero s'yempre, gusto ko naman 'yon. Nyahahha.. landiiii! pucha 'di ko napapansin napapangiti na pala ako. Mukha akong tanga. Haha!
Saan kaya lakad niya ngayon? Hmmm. Baka kasama si Jessy? lagi na nga silang magkasama sa school tapos pati ba naman pag-uwian magkasama pa din. grabe! or baka si Raul? hay, ewan. At ano naman itong pinaglalaban ko? tumigil ka na, Xiel may ibang kasama 'yon ngayon.
Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Kuya sa sala habang nakataas ung paa at nakatutok sa t.v. May malaki din siyang boy bawang na hawak at redhorse.
"Oh Sis, aga mo ah. Walang gala?" tanong niya.
Tumabi naman ako sa kanya at inagaw 'yong redhorse na hawak niya. Napatingin tuloy siya sa'kin.
"Wala." Sagot ko sabay inom. Ang sarap. Malamig eh.
"Trip mo atang uminom? lagot ka kay Mama kapag nakita ka," banta niya pa.
"Nyeh, nyeh." Irap ko sakanya. Natawa lang tuloy siya at umiling-iling.
"Ba't wala ka pang boyfriend?" tsismosong tanong niya ulit.
Napakunot noo naman ako at sinamaan siya ng tingin. "Paki mo!"
"Haha. Ayan, kaya wala kang jowa kasi ang suplada mo. Tsk tsk"."
Hinampas ko naman siya sa braso sabay kurot na din. Kiniliti naman niya ako at nagharutan na kami. Ganito kami dati ni Kuya kahit no'ng mga bata pa kami. Playful kasi siya, pero he make sure naman na 'di ako nasasaktan. Mas may pasa at kalmot pa nga siya after namin mag-wrestling.
Pagkatapos naming magbugbugan, hingal kaming napaupo at nagpahinga. Kinuha ko 'yong alak at ininom ulit.
"Oy, hinay-hinay lang. ginawa mong tubig'yang alak, eh." sita pa niya. Bihira kasi kaming mag-inuman ni Kuya. Lalo na kapag na'ndito si Mama, paniguradong may sermon kami at kurot sa singit.
Nagpabili pa ako ng dalawang bote sakanya, bitin kasi dahil naghati kami sa isang bote. Boring na boring kasi ako. Dapat kasi kasama ko siya ngayon. Hayyy!
Naka-apat na bote din ako ng redhorse na maliit medyo nahilo ako, wala pa kasi akong kain kanina nung uminom kami ni Kuya.
"Tibay mo, Sis ah. Wala ka pang amats?"
"Sakto lang. Bitin pa nga eh," pagmamayabang ko pa. Namumula na kasi si Kuya, halatang may tama na.
Humiga na siya sa sofa. Naku, tutulugan ako nito. weak. Nasa mood akong uminom ngayon parang gusto ko pang mag alak kaso wala, knock down na itong kainuman ko. Tsk tsk.
Nakauwi na kaya si Wewel? text ko kaya.
"San ka?" text ko sa kanya.
Siguro mga 15mins din bago nag-reply si Jewel. excited pa nga akong tingnan kung anong reply, ang kaso.......
"Y?" sagot niya. Wow ah, ang haba ng reply. 'Di ko tuloy alam kong ano pang isasagot ko. Hindi ko na lang ite-text baka nakaka-istorbo lang ako.
Nanood na lang akong t.v. at nilapag na 'yong celfon ko mesa. Ayoko na ngang replayan baka busy si Teh girl.
Pumunta ako ng kusina para magluto ng pancit canton, nagutom ako eh. After 20mins bumalik na din ako sa sala bitbit ung niluto ko.
Pag-check ko naman ng phone ko may 3 messages.
Jewel_sunget
"I'm here at the resto with Raul." Reply niya. ah, kasama naman pala si SIRAulo..
"Wer u at?"
"Fetch me"."
Ano daw? sunduin ko siya? eh, kasama na niya si Raul di'ba. Tsss! bakit hindi siya do'n magpahatid. Magpapagod lang ako. No way!
Pero ewan ko bakit nagbibihis ako ngayon at palabas na ng bahay. Tongonoo, ang rupok!
Nag-taxi na ako papuntang resto kung nasaan si Jewel, kahit ayokong makita ung pagmumukha ni Raul. Masisira na naman ang gabi ko.
30mins din 'yong byahe ko, ng makarating ako sa thai resto. tinext ko na lang siya na nandito ako sa labas. Nag-ayos muna ako ng buhok at inamoy ung hininga ko. Powtek, amoy alak ako. Nag-toothbrush naman ako, mabilisan nga lang.
"What time is it?" rinig kong may nagsalita sa likuran ko. Kilala ko ung boses na mataray na 'yon.
Paglingon ko, naka-awra ung kilay niya at supladang nakatitig sa'kin. Luh!
"Nasaan si Raul?".. tanong ko. Hindi niya kasi kasama.
"Dont mind him. Lets go".. balewalang sagot niya tska naglakad. Nakasunod lang ako sakanya. Di ko din alam saan kami pupunta..
"Uwi na ba tayo?" alanganin na tanong ko.
"Somewhere. Ayoko pang umuwi,"
Dinala ko na lang siya sa MOA, may matatambayan naman do'n, eh tska maraming makakainan. Hindi ko kasi naubos ung pancit canton kanina dahil biglang nag-text itong magandang babaeng kasama ko ngayon.
Bumili ako ng Milktea, popcorn at chicharong bulaklak na napakamahal kainis, puro betsin naman! Umupo kami sa damuhan. Konte na lang din ang tao dahil gabi na.
"Amoy kabayo ka," rinig kong sabi niya. Nagulat pa nga ako eh. kabayo talaga? napaamoy tuloy ako sa damit ko. Hindi naman, ah. grabe siya!
"Hindi kaya." Kontra ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Oo, noh. Amoy redhorse ka " sabi niya, sabay bato ng popcorn sa mukha ko. Abay, maldita!
Akala ko naman kung anong kabayo, yo'n pala amoy Redhorse na alak hhmmmpp!
"Bilisan mo d'yan, sakay tayo ng ferris wheel." utos niya pa. 'Di ko pa nauubos ung pagkaing binili ko. susubo pa nga ako ng hilahin niya ako patayo at pakaladkad na naglakad papuntang ferris wheel. Nagkatapon tapon pa ung popcorn. Nagkalat na ako.
Pagsakay namin, bigla akong nahilo kaya napahawak ako kay Jewel. Nagulat naman siya tska ako inalalayan. May kasama pa ngang pitik sa tenga. Asar!
Habang pataas kami ng pataas, lalo naman akong nalulula. Takot ako sa heights kaya ayokong sumasakay sa ganito eh. Nahihilo pa ako.
"Just open your eyes, it's not that scary naman eh. Duwag mo," bully niya pa.
Bumulong-bulong naman ako. Edi siya na hindi takot. Tseehh!
Tumingin ako sa paligid, nasa tuktok na pala kami, grabe ang ganda ng view. Kitang kita 'yong mga ilaw, buildings at mga taong parang langgam sa dami.
"See, i told you. Hindi naman nakakatakot," convince niya pa. Tumango naman ako at ngumiti. Napansin ko din na magka....Holding hands pala kami ni Jewel. Hindi ko kasi napansin kanina dahil sa hilo at takot ko.
After namin sumakay, naglakad naman kami para humanap pa ng ibang rides. Hindi pa kasi kuntento itong kasama ko.
Nang mapagod kami, napag-pasyahan naming tumambay sa Pier one. Isang bar dito sa Moa. May live band kasing tumutugtog. Mukhang wala pa din namang balak umuwi itong chix na 'to. Nakahawak pa din ako sa kamay niya. Patay malisya nga lang ata siya. Hindi ko nga alam kung ramdam niya ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dito kami sa may labas pumwesto para kita namin ung bandang tumutugtog.
Um-order na siya ng isang tower tska platter na pulutan. Ang dami nga eh, dalawa lang naman kaming uubos. Hindi na ko kumontra baka magsunget na naman itong katabi ko na seryosong-seryoso habang sumasabay sa kanta. Ako naman hilo na dahil nakainom na ako kanina sa bahay tapos kung ano-ano pang rides ang sinakyan namin. Konteng-konte na lang talaga susuka na ko kanina eh. Hay!
Nilagyan na ako ng alak ni Jewel sa baso. Umiinom na din siya. Ako alalay lang dahil ang sakit na ng tiyan ko sa kabusugan.
Hindi naman nakaligtas sa'kin ung grupo sa kabilang table na panay ang sulyap kay Jewel. Lalo na 'yong isang lalaking panay ngiti kapag napapatingin si Wel sa kanila. Abat! mukha naman tipaklong.
Habang nakikinig kami sa banda, nagulat na lang ako na may lumapit na lalaki kay Jewel.
"Hi."
Napa-angat naman ng tingin si Wel dito at tumango.
"Ahm, i'm Paolo." Nakangiti pa ding sabi nito. Ang sama na nga ng tingin ko sa kanya eh.
"Hi'. sagot ni Jewel.
"Is it okay if we can join you, girls? i'm with my friends over there," turo niya pa sa table ng ka-grupo niya.
Grabe ang kapal, ah! over confident ka, Pre?! nagtitimpi lang talaga ako, eh.
Tumingin naman sa'kin si Jewel, hinawakan ko ung kamay niya at pinisil 'yon. Pansin niya siguro ung pagmamaasim ko.
"Ahmm, I'm with her eh. Next time na lang. Sorry," sweet na sagot ni Jewel sa guy na mukhang napahiya. Bwahaha. Natuwa naman ako sa inasal ni Wel. Pinakita ko pa nga sa lalaki na magka-holding hands kami habang nakakalokong ngumiti sa kanya. Bleh! umalis na din siya at lulugo-lugong bumalik sa table nila.
Nakalahati na namin ung tower at pareho na kaming tipsy ni Jewel. ang pula-pula na kasi ng mukha niya, lumabas ung pagiging mestiza. Ang red pa ng lips parang ang sarap hali----- Ano ba Xiel, behave!
"Uwi na tayo," yaya ko. Nahihilo na kasi talaga ako eh. baka pareho kaming humandusay dito sa kalsada pagnagkataon.
Nagbayad na kami ng bill para makaalis na. Nag-aabang na kami ng taxi habang naka-alalay ako kay Jewel dahil hindi na siya makalakad at makatayo ng maayos. Iinom-inom kasi ang hina naman sa alak. Tsk!
Tiningnan ko 'yong oras mag-aalas dos na ng madaling araw. Lagot kami kay Paulina nito.
"Nasa bahay ba Ate mo?" tanong ko kay Wel na busy sa pagpitik ng tenga ko. Lakas lang ng trip.
"Nuh, she's with Jackie." Lasing na sagot niya.
"May susi kang dala?"
"Wala. I forgot," sabay tawa niya. Luh! lasing na nga. Matawagan na nga lang si Paulang echosera. Ilang ring din bago sinagot.
"Hello, bakit?" antok na sabi ni Pau. Mukhang naalimpungatan ata.
"Pau, nasa bahay ka na ba?"
"Wala. nandito ako kela Jackie, bakit? wait, alam mo ba nasaan si Jewel? kanina pa ko tawag ng tawag sa gagang 'yon 'di sinasagot!" dakdak niya. ang sakit sa tenga!
"Kasama ko siya ngayon kaya chill ka lang. GG ka eh,"
"Mabuti naman. Akala ko kasama niya pa si Raul eh, kundi makakatikim talaga ng kurot sa'kin 'yan," sermon pa niya.
"highblood ka kasi agad d'yan."
"Saglit lang, nasaan ba kayo?" dudang tanong pa nito.
"Ah eh, Nandito sa Moa. Hahatid ko sana siya sa inyo kaso, wala ata siyang susi." Explain ko pa.
"Naku, tamad 'yan magdala ng susi. Iniiwan niya kela Ellen."
Patay paano ba 'to? tulog na 'yon si Ellen. nakakahiyang istrobohin.
"Oh sige, Pau, dito na lang kami sa kalsada matutulog," sabay halakhak ko.
"Raulo ka, Xiel ah. Ingatan mo 'yang kapatid ko. iuwi mo ng buo. Mata mo lang walang latay," ang dami pa niyang sinabi bago niya ibaba ung tawag.
May humintong taxi sa tapat namin, sa wakas makakauwi na din.
Kinabukasan...
Tok tok..Tok tok.
Rinig kong pagkatok sa pinto. Hindi ko pinansin. antok pa ko. Balakajan. Sumiksik naman ako sa katabi ko..
"Hoy! Dre, gisi----"
Napamulat ako sa lakas ng sigaw at nabungaran ko si Pat na nakatulala habang nakatingin sa'kin.
"Ang aga-aga, ah! natutulog pa 'yong tao," Sigaw ko kay Pat na nakatulala pa din.
Grabe ang sakit kasi ng ulo ko dahil sa hangover tska sa puyat. Anong oras na din kasi kami nakauwi ni.......Shocks! bigla akong napatingin sa....Katabi ko...Si Jewel na nakayakap sa'kin habang ang himbing ng tulog.
Parang nag-rewind lahat ang mga nangyari. Oo nga pala dito ko siya inuwi kagabi. No choice kasi, kesa mag-check in kami gastos lang, edi dito na lang sa bahay.
Nakita ko si Pat na sumisenyas at takang-taka dahil siguro nandito si Jewel at katabi ko pa. nakayakap pa nga sa'kin 'di'ba? Hehe!
"Sshhh," sagot ko kay Pat habang dahang-dahang inaalis 'yong kamay ni Wel sa bewang ko. Tumayo na din ako sa kama. Naghilamos muna ako tska ng toothbrush bago bumaba sa sala.
"Ano 'yon, dre?" kalabit sa'kin ni Pat.
"Ang alin?"
"Sus. Bakit nandito si Jewel, ha? sinasabi ko na nga ba, may ma---" sinungalngal ko na si Pat.
"Ang daldal mo. ginabi na kasi kami ni Wel, kaya dito ko inuwi."
Nakita ko naman 'yong dudang tingin ni Pat sa'kin. parang 'di pa kuntento sa paliwanag ko.
"Buti napapayag mong umuwi dito? okay na ba kayo? hindi ka na sinusungitan?"natatawang sabi niya.
"Ahm hindi naman. Bati kami ngayon,"
"Sis, sino ung kasama mong babae kagabi?" tanong naman ni Kuya.
Naku, isa pa itong chismoso. Siya kasi ang nagbukas ng pinto kagabi. Madilim na sa sala kaya 'di na niya namukhaan si Jewel.
"Secret." Pang-aasar ko sa kanya.
Lumabas kami ng bahay ni Pat para bumili ng almusal. Maaga pa naman baka may taho pa sa daan.
Jewel P.o.v.
Ang init ng sinag ng araw. What time is it? ang sakit ng ulo ko. Shocks! hangover strikes. It's 9:00am. parang nasa ibang room ata ako? wait, Where am I? then I saw a picture of.....Yeye.. i'm Xiel's room? I can't remember the whole details. I'm soo drunk. Last night.
Tiningnan ko 'yong buong room. Infairness, malinis at maayos si Yeye sa kwarto. Not bad. May mga pictures din sa wall with her friends and classmates, at kasama sila Ate Pau and the whole barkada. Then I saw the picture of me when I was 10yrs old I think. I'm with Yeye. natawa pa nga ako kasi ang itim niya sa pic. Paano, she loves to play outside kahit ang init-init.
Gusto ko maligo ang init...But wait, napansin ko 'yong damit na suot ko. It's Yeye's shirt and short. OMG! dinamitan niya ba ko kagabi?! damn. So nakita niya?
Lumabas na ako ng room para makibanyo. Gusto ko mag-wash up. Pagkababa ko, nakita ko sila yeye kasama si Pat sa kusina nagpe-prepare ng food. I think, Mom niya 'yong nakatalikod. Mga early 40's.
"J-jewel?" I heard a man's voice.
"Hello". I think it's her Kuya. Yeah, I know him. nakita ko siya before no'ng naki-birthday kami dito nila Ate.
"Ikaw pala 'yong kasama ni Xiel kagabi. Sorry, 'di kita namukhaan" nakangiting sabi nito
"Ahh, yeah. Thanks, anyway."
"Oh, Jew, gising ka na pala. Tara kain na tayo," si Pat.
I saw Xiel staring at me, kaso bigla ding umiwas ng tingin. Sumunod na ako sa dining. Nakita ko agad ung mga pagkain ang dami. May champorado, pancit, palabok, pandesal at kung ano-ano pa.
"Hello Jewel, kumain ka na, gusto mo ng kape or gatas?" tanong ni Tita.
"Coffee na lang po," i was so shy. Hindi kasi ako sanay nakikitulog at nakikikain sa ibang bahay, pero infairness naman dito sa kanila mafe-feel mong welcome ka.
"Xeng, kape daw. Pagtimpla mo na agad si Jewel." utos ni tTita. Natawa nga ako eh, kasi napakamot na lang ng ulo si Yeye. Haha!
"Taho mo tska kape," abot sa'kin ni Xiel. She prepare my food sa plate. I saw them staring while Yeye doing it for me.
"Ako na Let's eat," sabi ko. Tinikman ko 'yong champorado, ang sarap. na-miss ko 'to. Wala kasi nito sa subd. na nagbebenta. After naming kumain, nanood muna kami ng t.v. tska kwentuhan na din with Tita.
"Naku, dalagang-dalaga ka na talaga. Dati magkasama kayo nitong uhuging si Xiel, eh. madalas ka pa nga paiyakin 'di'ba? salbahe itong batang 'to," kwento pa ni Tita, sabay sabunot sa buhok ni Yeye. I can't help but laugh. Nakakatuwa silang kasama.
"Balik ka ulit dito sa birthday ko, ha? magluluto ako ng special recipe ko," she genuinely smiling at me. Napangiti din tuloy ako.
"Yes, Tita. I will."
After ng bonding namin sa sala, umakyat ako sa room para mag-shower. Grabe, ang sakit pa din kasi ng ulo ko.
"Maliligo ka? may damit ako sa cabinet, kuha ka na lang," sabi ni Yeye.
"Ahmm, B-binihisan mo ba ako kagabi?"
"Ha? ahm, Oo.Pero 'wag ka mag-alala, nakapikit naman ako no'n kaya wala akong nakita,"
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Pero I believe her. Kampante ako kay Yeye. I know i'm safe with her.
"Sige, baba muna ako." Paalam niya pa.
"Ay wait, may med ka para sa sakit ng ulo?" tanong ko.
"Ay, wala eh. Papabili ako kay Pat. Meron ako katinko d'yan,"
"Okay."
"Mamaya lalagyan kita sa ulo," sabi pa niya, bago isara 'yong pinto.
I just smile....
Xiel P.o.v.
Nandito kami sa kwarto ngayon habang.......Minamasahe ulo ni Jewel. Masakit pa din daw kasi ulo niya kaya nagmabuting loob ako. Nagpabili na din ako ng gamot kay Pat. Ayoko naman kasing umuwi siya na hindi maayos 'yong pakiramdam mamaya. Lagot ako kay Pau. Wala pa naman siyang kasama sa bahay kaya nandito pa siya. Kung pwede nga lang hindi muna siya umuwi.. Landiii mo, Xiel!
"Kailan ka natutong magmasahe?" tanong ni Wel. Hindi nga ako mapakali ngayon eh. Dalawa lang kasi kami ngayon dito sa kwarto tapos ang lapit-lapit namin sa isa't isa.
"Ahmm, hilot-hilot lang. Saktong marunong lang,"
"Ahh. Ano pa lang nangyari kagabi? wala na kasi akong maalala masyado,"
Nangyari? Hmmmm. Ano nga ba?
"Nagsuka ka kagabi sa banyo kaya pinalitan kita ng damit,"
Napansin ko 'yong pagkunot ng noo niya. Tapos tumingin sa'kin.
"Really? shocks. Hindi nga?" hampas niya sa braso ko. Aray, ah!
"Oo nga. Pero pinalaba ko na damit mo, nakasampay na sa labas."
"T-thanks. Wala na bang ibang nangyari?"
"W-wala na."
Tumitig muna siya sa'kin. Tumitig din ako. Pero hindi ko alam bakit palapit ako ng palapit sa mukha ni Jewel.
Bahala na.....
This is it......
Magkalapit na 'yong mukha namin......
"Dre, ito na 'yong gam------ ay sorry," biglang sara ni Pat sa pinto.
Sabay naman kaming naglayo ni Jewel. Pareho kaming nagulat sa nangyari. Muntik.......Ko na siyang.......Halikan.
"So-sorry," napatayo ako sa kama sa sobrang hiya. Nakita ko din si Jewel na hindi makatingin sa'kin.
"Yeye, did we kissed last night?" seryosong tanong ni Jewel sa'kin..
"Yes," sagot ko.
*
*
*