Chapter 5 Babe

3035 Words
Xiel P.o.v. bboom bboom Tenenenn tentenen tenenenten. Malakas na tugtog ung gumising sa masarap kong tulog.. Ang aga-aga ang iingay! Malamang si Kuya na naman ung nagsa-soundtrip sa sala. Hayss! Pagkababa ko ang daming bata nagsasayawan ng "bboom bboom." Hindi pa ba sila nagsasawa d'yan? Blackpink na uso ngayon. Nakita ko si Mama busy sa paghahanda ng mga lulutuin niya. Birthday kasi ngayon ni Kuya. "Happy birthday, Bro." Bati ko naman sakanya na busy-busyhan sa pag-aayos ng mga mesa at upuan sa labas. Lumingon naman siya sa'kin tska ngumiti. Gwapo din pala siya minsan? Bwahaha..l "Salamat, Sis. Tulungan mo nga akong magbuhat," utos pa niya. Nawala tuloy ung ngiti ko. Langya! Ginawa akong lalaki. Pagbuhatin ba naman ako? Anong ginagawa ng mga tropa niyang maton. "Tseh! Pagbuhatin mo sila, oh. Ang aga pa nag-iinuman na," nguso ko do'n sa mga friends niyang tambay. Pumasok na ako agad sa loob ng bahay, kumakalam na din ung sikmura ko eh. Naamoy ko kasi ung niluluto ni Mudra. "Ma, anong ulam?" tanong ko habang Binubuksan lahat ng mga nakatakip sa mesa. "Psst, wag mong pakialaman. Para mamaya pa 'yan," tapik sa kamay ko. "Eh anong kakainin ko?" maktol ko. Gusto ko pa naman ung pininyahang manok ni Mama kaso di pa daw pwedeng galawin. Ang damot! mamaya sa'kin 'yon. "Ayan may pandesal at kape." Anak ng teteng! Sa dami ng nakahanda ito lang almusal ko! Partida wala pang palaman kahit margarine. Ang lupet din sakin minsan ng nanay ko eh.. Pinagtyagaan ko na lang isawsaw sa kape 'yong tinapay na matigas pa sa bumbunan nung kalbo naming kapitbahay. Saklap beshywap. * * "Happy birthay to you, sana ay malasing mo kami." Kanta sakanya ng mga tropa niyang abnoy. Nag-umpisa na ung partey ni kuya. Ang daming bwisita este bisita na dumating. Classmates niya, kapitbahay namin. Para nga kaming may feeding program eh. Kulang na lang libreng lugaw. Dejoke lang. "Bekssssss!" Rining kong tili sa may labas ng gate namin. Alam ko na kung sino 'yon. Dali-dali naman akong lumabas. Sila Pau, Ellen at Pat dumating na. Hindi ko na in-expect si Jewel. Hindi naman pupunta 'yon eh. Asa! Tinginan naman mga bisita kela Paula. S'yempre chix kaya sila.. Walang pangit sa tropa namin.. Nilapitan naman nila si kuya para batiin at ibigay ung regalo.. "Tara pasok kayo. Kain na para mamaya toma na tayo," sabi ko pa. Kanya-kanya naman silang kuha ng pagkain. Magulo din kasi sa labas kaya dito na lang kami sa loob. "Hoy bakla,  hanapan mo nga ako ng pwedeng kantahin. Bibirit ako mamaya." Sabi pa ni Paula. Nakita niya kasi ung videoke. Jusko ayan na naman po siya! Ngangawa na naman ang isang 'to. Baka mabarangay na talaga kami mamaya pagnagkataon. Pagkatapos nilang kumain nagumpisa na si Pau sa pagpili ng kakantahin daw niya. Nagkatinginan na lang kami eh. Wala kasing pwedeng kumontra at dadakdak 'yan. Hiniyaan na lang namin siya sa trip niya. Maingay din naman sa labas. Tiningnan ko 'yong phone ko parang kanina ko pa kasi hindi napapansin eh. 12 (messages) Mga greetings para kay Kuya.. Pero ung 3 text don galing kay.....Jewel. 1 ( r u coming?) 3:30pm 2 (y r u not replying?) 4:14pm 3 (pg wla ka pa d2 ng 6pm, hndi n aq ppnta) 4:50pm Hala!!.. Wrong send ba yon?..dali dali naman akong lumabas para tawagan siya.. Hindi naman ako mapakali.. Anubayan!.. Mga 3 rings pa bago niya sagutin.. "Hello, Wewel?" "Hmm?" "Nasaan ka?" "House." Ang tipid naman sumagot. Kairita! "Ngayon ko lang nabasa ung text mo." "Ok." Pareho naman kaming natahimik. Naubusan na kasi ako ng sasabihin. "Ano pala ung text mo kanina?" Clueless kong tanong. Sa hindi ko naman talaga alam. Narinig kong bumuntong hininga siya. Naiinis na yon. Alam ko na ung mga galawan niyang ganyan eh.. "I thought it's your Kuya's birthday?" "Yup. Birthday niya nga." Bumuntong hininga siya ulit. "You don't get it, don't yah?" Medyo sarcastic na ung pagkakasabi niya. "Ano ba kasi 'yon?" "Tsk! Pag wala ka pa dito ng 6pm sharp, hindi na ako pupunta d'yan." Sabay binabaan ako. Ayos din ano? Pero wait....tama ba 'yong pagkakarinig ko? Pupunta siya dito? huweeehhh. First time 'yon, ah! Bumalik ako sa loob ng bahay para makapag palit na din ng damit ang pawis ko na eh. Sunduin ko pa ang Senyorita. "Pau, bakit hindi niyo sinabay si Jewel pumunta dito? Takang tanong ko. Nagkatinginan naman sila at sabay-sabay din tumingin sa'kin. "Akala namin hindi sasama eh. May susundo daw kasi sakanya." Kibit balikat na sabi ni Pau. Grabe ang arte talaga ng babaeng 'yon. Gusto sinusundo pa. Pwede naman siyang sumabay nalang kela Ellen. hayysss. Nagpaalam muna ako sakanila mukhang feel at home naman din sila eh. Hindi na nga binibitawan ni paulina ung mic. Tinext ko na lang si Jewel na papunta na ako. Pagkatingin ko sa oras 5:38pm  Anong petsa na! Nag-taxi na lang ako papunta sakanila. Pagkadating ko kela Jewel walang tao sa sala. Nasaan naman kaya 'yong babaeng 'yon? Baka umalis. Pero imposible bukas ang gate. May narinig akong pababa ng hagdan. Napatingin ako sa kanya na naka-faded maong shorts, white adidas stan smith shoes and a plain white T-shirt. Ang simple pero ang ganda ganda pa din niya. Lipstick at blush on nga lang ata ina-apply sa mukha eh. Tumingin siya sa wrist watch niya. "Your late ng 3 minutes," "Hala! Sorry na. Hindi ko naman kasi alam na-----" "Ssshhh. Dami pang sinasabi," pigil niya sa'kin sabay irap. "T-tara?" yaya ko. Nag-taxi na kami papunta sa bahay para mabilis ung byahe namin. Excited na akong ipakilala siya sa mga taga sa amin. Panigurado luluwa mga mata ng tambay do'n tska mga tropa ni Kuya. Maglaway kayo bleh! Pagbaba pa lang namin ng taxi pansin ko na agad ung mga tao na nakatuon sa amin ung atensyon.. Lalo na dito sa kasama ko. Akala mo artista na bagong dating eh. Ang lalagkit ng tingin mapa babae or lalaki.. Ung iba nagbubulungan.. Pagkapasok pa lang namin ng gate ung mata ng classmates ni Kuya na kay Jewel lang. "Kuya, si Jewel." Sabi ko dito na nakatulala din. "Oo nga. H-hi, Jewel. Grabe, dalagang-dalaga ka na." Bati naman sa kanya ni Kuya na ang ganda ng pagkakangiti. "Yeah. Happy birthday," tipid na ngiting sabi nito. "Thank you. Xiel, asikasuhin mo si Jewel, ah. pakainin mo na sa loob." Natatarantang sabi ni Kuya. Parang sira! Nakakita lang ng chix eh. Pero bago pa kami makapasok sa loob ng bahay may pahabol pa ung mga ungas na classmates ni Kuya. "Ay mga classmates ko pala. Gusto ka lang makilala." "Hello, Jewel." Sabay-sabay na bati ng mga ulupong. Tipid na ngumiti naman sa kanila si Wel tska kumaway. Para namang kinilig 'yong mga ungas. Mga lalaki talaga malalandi din. Sumbong ko kayo sa mga jowa niyo eh. Ung isang lalaki parang gusto pang makipagkamay sakanya kaya inunahan ko na. Hinawakan ko sa kamay si Wel at Pasimple kong hinatak papasok ng bahay. Nagulat naman sila Paula ng makita kami ni Jewel. "Oh sis, i thought your not coming?" takang tanong ni Pau. "I'm here na nga, oh." irap nito. "Tara kain kana." Yaya ko sakanya. Kinuhanan ko siya ng plato at ako na din 'yong pinag-decide niya ng kakainin niya. "Bakit ang dami?" Reklamo na naman ng senyorita. "Barbeque, pasta, shanghai, chicken at cake lang 'yan." sagot ko naman. Pinaningkitan naman niya ako ng mata. Hinamon ko din siya ng tingin. Akala niya ah. 'Di ako masisindak. "Ubusin mo ung matitira ko," sabi pa niya bago nag-umpisang kumain. Abat! Maldita talaga. ** "Shot, Dre." Abot sa'kin ng shot glass ni Pat na may lamang tequila. Agad ko naman itong ininom. "Xiel, may bisita ka," tawag sa'kin ni Kuya. Bisita? Sino naman kaya 'yon. Pagkatingin ko si Ian lang pala. Akala ko naman kung sino. "Hi, Xiel. Para pala sa'yo," inaabot niya 'yong tatlong pirasong red flowers. Sus, lumang style na 'yan.. Tska ngayon pa talaga siya umeksena kung kailan madami tao ano? Sakto pang nandito si Je-----.. Wala pala. Wala akong sinabi. "Ayieeeeeeee!" kantiyaw ng mga mapang-asar kong kaibigan. "Naks, 'yong dalaga namin, oh may suitor," Dagdag pa ni Paulina. Bwisit! "May pabulaklak pa. Ang sweet naman." Tudyo pa ni Ellen adarna. Pinandilatan ko na ng mata si Patricia kasi sunod na sana siyang mang-aasar eh. Buti nakuha sa tingin. Kaso tumawa naman ng malakas. Mga letsee! Nakita ko din si Jewel na tumawa din. Isa ka pa! "Salamat. Sige, mamaya na lang tayo mag-usap." Pasimpleng taboy ko kay Ian na parang natutuwa pa no'ng tinutukso kami. Duh! "Bakit mo naman pinaalis ung manliligaw mo?" tanong ni Wel. Nang-aasar talaga. Hmp! "Busy pa 'ko eh." baliwalang sagot ko. "I think his a nice guy. Why don't you try?" Pinaningkitan ko naman siya. "'Di ko feel," ismid ko sa kanya. "Xiel." Napaangat naman ako ng tingin sa tumawag sa'kin. Si Gelai. Siya ung ka-barangay namin. Nakatira malapit kela Patricia. Feeling ko crush ako no'n. Lagi kasing lumalapit sa'kin pag nando'n ako kela Pat.. Mabait 'yan tska napaka cute. "Oy, lika pasok. Kain ka," nilapitan ko siya tska inasikaso. "Guys, si Gelai pala friend namin ni Pat." Pakilala ko pa dito.. Binati naman siya nila Paula. Pero pansin ko ung pagiging snob ni Jewel. Ano pa nga ba? "Hindi ka na nabibisita kela Pat?" Tanong nito. "Oo eh. Medyo busy lang din kasi. Kamusta ka na?" "Okay lang naman. Ahm, Xiel." sabay pisil niya sa kamay ko. "Ano 'yon?" Halatang nahihiya pa siyang sabihin at parang naiilang din siya kay Jewel na nakasimangot na naman. "Yeye, give me the shot glass." singit naman ni Wel. Inabot ko naman sa kanya ung alak na may lamang tequila. "Xiel, kasi gusto sana kitang i-invite-----" "Yeye, kuha mo ako ng ice cream,." Interrupt na naman ni Jewel. "Ahm, wait lang Gelai, ah?" excuse ko para bigyan ng ice cream itong maldita. Kung kailan nag-uusap kami ni Gelai, tska siya utos ng utos tsk! Pagkabalik ko nakita kong may tatlong lalaking umaaligid kay Jewel. Nalingat lang ako saglit may mga ugok na agad na naglapitan. "Ang ganda mo po," rinig kong sabi no'ng isang maliit na lalaki. "May kamukha kang artista. May boyfriend ka na ba?" Banat pa ni Uling. Isa sa mga tropa ni Kuya. "Pwede ko bang makuha numb----" "Hep-hep! taken na 'yan kaya tigil-tigilan niyo," singit ko sa kanila tska hinablot papasok si Wel. "Bakit ba?" angil niya. "Binobola ka lang ng mga ungas na 'yon." "Eh ano naman sa'yo?" Mataray na sabi pa niya with matching taas ng kilay. "B-basta lang." "At bakit mo sinabing taken na ako, ha?" nakapamewang pa siya. Pinagtitinginan na din kami ng mga dumadaan. "K-kasi. Para hindi ka lang kulitin," dahilan ko pa. At bakit ang dami niyang tanong?! "Bumalik ka na sa friend mo. Mukhang hinihintay ka na do'n, oh" nguso niya kay Gelai na tahimik lang na nagmamasid sa amin. Nag-aalangan naman akong iwan siya kasi for sure 'di siya titigilan ng mga boys dito. Humahanap lang nga ng tyempo eh. "Oh siya tara." Hawak ko sa braso niya pero tinanggal niya ito. "You go ahead. Dito lang ako," giit pa niya..Ang tigas talaga ng ulo! "Bahala ka nga," inis na sabi ko at naglakad na ako sa pwesto ni Gelai. Nakita ko namang lumabas siya. Hinayaan ko na. Malaki na siya.  Ano naman kung pag piyestahan siya do'n sa labas. Wala namang babastos sa kanya do'n. Takot lang nila. "Ahm, Xiel. siya ba 'yong kababata mo?" tanong ni Gelai tukoy niya kay Wel. "Oo siya nga. Bakit?" "Kasi baka nagagalit siya kapag nag-uusap tayo," Mahinhin na sabi niya. Napakunot noo naman ako.. As if naman at bakit naman siya magagalit?/Pinagtulakan pa nga ako para lapitan si Gelai 'di'ba? Tsss! "Hindi ah. Walang paki 'yon." "Ang ganda-ganda niya, noh? Kaso mukhang mataray."Mahinang sabi nito.. Natawa naman ako. So true naman kasi. Talagang mataray ang isang 'yon. "Gano'n lang talaga 'yon, lalo na kapag hindi niya kilala." Paliwanag ko pa. Hinanap naman siya ng mata ko at ayon siya pinuputakte ng mga lalaki sa labas! "Wait lang Ghe, ah?" paalam ko sa kanya. Lumabas ako para tingnan si Jewel at may dalawang lalaki na nakikipagbiruan sakanya. "Pwede ba kitang yayain------" "Hindi pwede," singit ko. Napatingin naman sila sa'kin. "Wel, lika na." nagtitimping sabi ko sa kanya. "No! i want to go home," matigas niyang sabi. Napabuntong hininga naman ako. "Maya-maya uuwi na sila ate Pau mo. Sumabay ka na lang." "A.yo.ko." Giit pa niya. Grabe, napaka brat talaga nito! Napapahiya na din ako sa mga ungas na nakatingin sa amin. Eksena na naman po kami. "Gusto mo na talagang umuwi?" "Oo, at uuwi akong mag-isa." "Oh edi, umuwi ka," inis na sabi ko. Parang hindi niya expected ung sagot ko sakanya kaya lalo atang nabwisit. Padabog siyang lumabas ng gate at mabilis na naglakad. Balakajan! "Sis, anong nangyari do'n? baka maligaw si Jewel." Sabi sa'kin ni Kuya. Napa-face palm naman ako. naku naman talagang babaeng 'yon! Sakit sa ulo. Kargo de konsensiya ko pa kapag may nangyari sa kanya. 'Di pa naman 'yon marunong umuwi pag galing dito sa amin. Malalagot ako kela Pau pag nalaman umalis mag isa si Wel. Mabilis akong lumabas para habulin siya. Nasaan na? Ang bilis naman! May nakita akong babaeng naglalakad papuntang kanto. Huli ka balbown. "Wel, wait," tawag ko sa kanya.. Kaso 'di naman ako pinanpansin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. "Witwiw. Miss. Miss!" Rinig kong tawag sa kanya no'ng lasing na nakasalubong niya. "Can you please stop calling me," sabi pa nito. "Aba, suplada mo naman. Hatid na kita, taga saan-----" "Kasama ko siya," sabi ko sa manong na lasing.. Tiningnan muna kami ni Manong tska pagewang -gewang na umalis. "Ihahatid na kita." "I can manage, okay?" pasupladang sagot niya. "'Wag ka ng kumontra. Muntik ka na ngang mabastos eh." Inirapan naman niya ako tska nakasimangot na naglakad ulit. "Hindi ka nagpaalam kela Pau. Baka hinahanap ka na nila." "I don't care." Napabuga naman ako ng hangin./Nakakairita! Hinayaan ko lang siyang maglakad habang nakasunod ako sa kanya. "Gusto ko ng soju," sabi pa niya. Nakita kong nakatanaw siya sa maliit na korean resto. Naku po, wala pa naman akong dalang wallet. Pumasok siya sa loob at um-order ng chicken wings, dalawang bote ng Soju at Kimchi. Ang daming pagkain sa bahay gumastos pa siya hayss! Nakalahati niya agad ung bote ng soju.. Ang bilis niya kasing uminom. May lakad ka teh? "Shot!" abot niya sa'kin nung alak. Agad ko naman itong ininom. Grabe humahagod sa lalamunan. "You know what, people don't understand me," sabi pa niya. Mukhang tinamaan na ata. "Bakit naman?" Tanong ko habang tinitikman 'yong kimchi. Nyemas, ang anghang! "Nothing." Naubos na namin ung isang bote kaya binuksan namin ung pangalawang bote. Medyo nahihilo na ako.Kanina pa din kasi kami umiinom sa bahay. Nakita kong tumatawag sa kanya si Raul. Panay vibrate kasi ng phone niya sa mesa. "May tumatawag ata sa'yo." "Hayaan mo siya. Istorbo," walang ganang sagot niya tska uminom ulit. "'Di ko siya gusto para sa'yo" Prangkang sabi ko.. Tumayo naman ung isang kilay niya tska nagsmirk.. "And why is that?" "D-di ko lang siya gusto. Ang yabang kasi," Inis na sabi ko.. "Dahil lang mayabang siya kaya ayaw mo?" "Ahmmm. H-hindi kayo bagay," lalo naman siyang napangiti. Lalo tuloy siyang gumanda.. Namumula na din kasi ung cheeks niya gawa no'ng alak. Tapos ang pungay na ng mga mata niya. Napatingin din ako sa mga labi niya. Sarap ikis---- erase-erase. "Are you done checking me out?" Bigla naman akong bumalik sa ulirat at napaiwas ng tingin. "'Di talaga ako boto sa Boyfriend mo." Pagiiba ko ng usapan. "At sinong gusto mo...Ikaw?" on her sweeet voice. Punyemas! Para siyang nang-aakit. "Oo. Ay hindi. I mean----" "Look at your face, hahaha! i was just kidding, okay?" sabi niya habang tumatawa. Napahiya ako do'n, ah. Lakas trip! May araw ka din sa'kin. Inubos na namin 'yong natitirang alak at pumara na ako ng taxi padiretso sa kanila. Nag-text na lang ako kela Paula. "Manong, sa Villa Montana po," sabi ko sa driver. "Babe, i think i'm drunk." Bulong ni Wel sa'kin habang nakasandal at nakapikit. Wait, Babe?akala niya ata si Raul 'yong kasama niya ah? "Oo, nakainom ka. Matulog ka muna." Sinandal ko ung ulo niya sa balikat ko. "I'm not sleepy, okay? just let me talk," sabi pa nito. Napatingin din sa amin ung driver. Nakakahiya. Tumahimik na lang ako at hinayaan siyang dumaldal. "Yeye." Mahinang bulong niya sa tenga ko. "Hmmm?" "Thank you." "Thank you para saan?" takang tanong ko sa kanya. "For everything." Ang sweet pa ng pagkakasabi niya..Maganda pala 'yong epekto sa kanya ng soju. Nagiging clingy siya eh. "Ahmm, wala 'yon basta ika----" Smack..... Naramdaman ko na lang na lumapat ung labi ni Jewel sa pisngi ko. Oh my gosh! Hinalikan niya ako. Parang tambul ung t***k ng puso ko. Nagwawala sa loob at para namang may paro-paro sa loob ng tiyan ko. Hindi ako mapakali. "Lasing na po ata 'yang girlfriend niyo," sabi pa no'ng driver. Girlfriend? Oh, i wish. Nakita kong nakatulog na si Jewel sa balikat ko kaya hinayaan ko na lang. 'Di ko namang mapigilang 'di mangiti. Shocks! Hinalikan ako ni Jewel........ Para akong maiihi na ewan. Dinadama ko na lang itong moment na 'to. Malamang sa alamang, bukas back to normal na ang lahat. Baka nga 'di na matandaan ni Jewel ang mga nangyari ngayon. Hindi ko din alam kung paano ko sa kanya ikukwento. Siguro E-enjoy ko na lang habang clingy pa siya sa'kin. Bukas kasi magsusungit na naman 'yan. May bago ba do'n? Hehe! Sinulyapan ko pa siya habang mahimbing na natutulog sa balikat ko. Nakahawak din siya sa kamay ko. Napagkamalan pa kaming mag-jowa ni Manong driver. Narinig niya siguro 'yong pagtawag sa'kin ng "Babe" ni Wel. Napangiti naman ako. Mukha na nga ata akong timang. Mas niyakap ko pa si Jewel papalapit sa'kin. Amoy ko 'yong alak at pabango niya. 'Yong amoy na hahanap-hanapin mo. Kinikilig talaga ako. Sana 'di na matapos ang moment na 'to. * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD