Xiel P.o.v.
Maaga akong nagising para pumasok. Lunes ngayon kaya malamang sa alamang mahirap sumakay at matrafic. May bago pa ba doon?
Nag ala the flash na ako. Mabilisang ligo at bihis Kaya trenta minutos lang tapos na ako.
"Tahooooo." Narinig ko ng sigaw sa labas.
Napangiti na ako. Alam ko na kasi ung oras ng daan ni Manong sa umaga. Walang palya 'yan. Kaya ka pala nagmamadali Xiel? Singit na naman ng mahadera kong konsensya.
Bumaba na ako para makabili na ng taho. Suki na ako niyan ni Manong. Binibigay na lang niya minsan kay Mama ung order ko. Ahaha. Pinapalagay ko sa aluminum tumbler ko para hindi agad lumamig para pagkabigay ko kay Jewel mainit-init pa. Wow naman special.
"Salamat po, Manong. Bukas ulit," sabi ko. Tumango at ngumiti lang din siya.
"Ma, alis na po ako." Paalam ko dito.
"Oh, 'di ka pa nag-aalmusal." Alalang tanong ni Mother dear.
"Ahm, sa school na lang po. Mala-late na kasi ako," Pagdadahilan ko pa.
Ang totoo kasi dumadaan pa ako kela Jewel araw-araw para sa taho niya. Gusto kasi ng babaeng'yon ako mismo magbibigay para sure daw na walang s**o at madaming syrup. Minsan talaga may saltik eh.
"Oh sige, mag-iingat ka sa byahe. Magdasal ka." Paalala ni Mama.
"Opo Ma, bye," humalik na ako sa pisngi niya.
Sumakay na ako ng jeep papunta sa subdivision nila Jewel. Ma-trafic pa naman do'n kapag umaga. Hawak ko ung tumbler ng starbucks na may lamang taho. Halos 20 mins din ung binyahe ko buti na lang mabilis ung jeep na nasakyan ko at magaling sumingit.
Pagkababa ko sa tapat ng subd. nila, mabilis akong naglakad papasok. Tiningnan ko din 'yong oras 6:05 na. Mas binilisan ko pa ung paglalakad.
Pagkatapat ko sa gate nila Jewel, nagpunas muna ako ng pawis at tiningnan ung mukha ko sa salamin. Ayon mukha pa namang tao. Hehe.
Padoor bell pa lang ako ng may nagbukas ng gate.
Si Jewel agad ung nakita ko. Naka-uniform na siya at fresh na fresh tingnan. Tumingin siya sa oras tska tumingin sa'kin.
"Your late," sabi pa niya.
"Ha? Late ba," napakamot pa ako sa ulo. Ang trafic kasi papunta dito. Amp!
"Ito na taho mo," abot ko sa tumbler. Kinuha naman niya ito at sumenyas na pasok kami sa loob.
Pagkapasok namin sakanila kinuha lang ung bag niya tska ilang books at lumabas din kami ulit.. Kala ko pa naman papakainin ako ng breakfast.. Mukhang sabay na kaming papasok..
Nag-abang na kami ng taxi sa kanto nila pero madalang ung dumaan na walang sakay. May dumaan naman na aircon bus ulit pero mukhang maluwag. Tiningnan ko muna si Jewel at mukhang na-gets naman niya at tumango siya. Mamaya kasi sisihin na naman niya ko katulad dati nung sumakay kami tas siksikan. Halos sumpain na niyang sumakay ng bus noon eh.
Pagkaakyat namin nakaupo naman kami. Kinuha ko ung books na hawak niya para makakain siya ng maayos ng taho. Kinuha naman niya sa bag ung baon niyang spoon. Mukhang hindi pa din kasi siya nagbe-breakfast.
"Gutom pa ako," sabi niya after niyang maubos ung taho na nasa tumbler. Ang dami kaya no'n.
Tumingin naman ako sa bintana kung nasaan na kami. Parang hindi pa naman kami nausad masyado dahil sa sobrang trafic.
"Mamaya kain na lang tayo," sabi ko na lang. Alanganin kasi kung baba----.
"Tara baba tayo. May fastfood do'n, oh." Turo niya dito.
Laglag balikat naman ako, kakasabi ko lang na alanganin dito tska kakabayad ko lang sa kundoktor eh. Huhu. Forty pesos din yo'n.
Wala akong nagawa ng tumayo na siya para bumaba ng bus. Nakasunod lang ako sa kanya. Bitbit ko pa din ung libro niya. Nangangalay na nga ako eh ang bibigat pala. Ba't kasi hindi niya ito ilagay sa bag?
Kailangan naming tumawid para mapuntahan 'yong fastfood na may malaking pagmumukha ng pulang bubuyog.
Hinawakan ko ung kamay niya, halata kasing hindi siya marunong tumawid. Sumabay kami sa mga ibang taong papatawid din.
Pagkapasok namin sa loob fastfood, dalawa kaming pumila para makapili din siya kung ano ung gusto niya.
"May i take your order, Mam?" Tanong sakanya no'ng lalaking crew. Mukhang nagpapa-cute pa nga sa kanya eh. Wagas kasi kung makangiti.
"Ahm, i want corned beef with rice, spagetti, fries and hot choco."
Wow hindi naman siya gutom, noh? Kababaeng tao ang lakas kumain pero 'di naman tumataba. Sa buto ata lahat napupunta. Hindi ko tuloy alam kung kasama na ako do'n sa in-order niya or para lang sa kanya 'yon? ibuhh!
Hot choco din'yong in-order ko. Sa canteen na lang ako kakain mamaya.
Pagka-order namin pumwesto na kami sa isang bakanteng lamesa. Medyo puno din ngayon, madaming nag-aalmusal na estudyante at mga papasok sa opisina.
Nag-umpisa na siyang kumain samantalang ako umiinom ng hot choco habang pinagmamasdan siya.
"Bakit hindi ka kumakain?" takang tanong niya.
"Ahmm, sige lang."
Kinuha niya ung spagetti tska binigay sa'kin. "Kumain ka," Pilit niya pa.
Sumunod na lang ako, masyado siyang mapilit eh.Oh, edi lamon. Sa totoo lang talaga gutom jones na ako.
"Kakain din naman pala," bulong pa niya.
"May sinasabi ka?"
"Nothing. Ubusin mo 'to, ayoko na." Sabay bigay niya no'ng corned beef with rice na parang naka dalawang subo lang ata siya. Wala pang masyadong bawas. Tingnan mo itong babaeng 'to. Ang daming in-order hindi naman pala uubusin. Haysss.
Kinain na lang niya ung fries. Pansin ko na madaming napapatingin sakanya. Sa ganda ba baman ng kasama ko eh. Artistahin, pwedeng pang KPOP. Mukha siyang koreanang amerikana.
"Tinititigan mo na naman ako," sabi niya habang nakatingin sa labas ng bintana.Sabi na may mata 'to sa noo eh.
Binilisan ko na lang ung pagkain kasi feeling ko mala-late na talaga kami. Lalo na rush hour at lunes pa.
Hindi pa bumababa ung kinain ko ng haltakin na niya ko palabas ng fastfood.
Nag-taxi na kami at una ko na siyang dinaan sa school nila mas maaga kasing mag-start 'yong klase niya.
*
*
Jewel P.o.v.
"Your late, Beb."Jessie said, pagkapasok ko ng classroom. Buti na lang lumabas ung prof namin saglit at hindi pa nag-aattendance. Thank god.
Umupo na ako sa tabi niya tska inayos ung buhok ko. Hindi na kasi nakapagsuklay kanina sa pagmamadali.
"Bakit ka ba na-late?"
"We eat pa kasi kanina."
"We? so who's with you, si Raul?"
Napataas naman ung kilay ko, "Nope."
"Oww, so may iba ka pa lang kasama?" Dudang tanong pa niya.
"Yeah." Diretsang sagot ko.
"Hmmm, i think it's your....Kababata? That cutie tall girl. What's s her name again?" She asked while smirking.
"It's Xiel." Tipid na sagot ko.
"Ahh. So she's with you pala. Mukhang napapadalas, ah."
"Shut up, Beb." I told her. Para kasing iba'yong dating ng pagtatanong ni Jessie everytime we talked about Yeye.
She just laughed at me. At anong nakakatawa?
"Whats funny?" I told her with annoying look.
"Nothing. You're just like pikon kapag napapag-usap-----"
"Can you please stop?" seryosong sabi ko. She knows that i'm dead serious.
"Okay, Beb. I was just kidding. Napaka seryoso mo," Hands up niya.
Dumating na ung prof kaya nanahimik na kami. Para hindi narin ako asar asarin nitong si Jessie. Ewan ko ba napaka-sensitive ko when it comes to Yeye. I'm not comfortable everytime they tease me to her. She's my childhood friend for freaking sake and nothing more nothing less. I can't imagine na mag level-up ung friendship namin sa relatio----oh! No way! No f*cking way. She's just a friend. Ngayon pa lang nga kami ulit nagiging close diba? After ilang years na 'di kami nag-uusap at nagpapansinan. Oh well, ako naman talaga yong umiwas. Dahil sa nangyari before na 'di ko talaga makalimutan. Sobrang sama ng loob ko sakanya noon. Since then i really hate her kaya lumayo ung loob ko sakanya.
But now she's trying her best to reach out and i think there is nothing wrong with that. So i'm giving her a second chance para ma-save naman ung friendship namin. Hindi man katulad ng dati pero atleast okay na kami. Sana.
*
*
"D2 ako sa labas ng campus nyo".. Text ni yeye..
"Ahm beb, please tell Will, bukas na lang ako sasama sa inyo," sabi ko kay Jessie bago ako lumabas ng classroom.
"But wait, usapan na natin 'to, ah? sinundo pa tayo dito ni Bading, oh," maktol naman niya.
"Sorry. I just can't. Bawi ako bukas, promise. Bye,"
Nagmamadali na akong naglakad palabas ng campus baka kasi maabutan ako ni Jessie at makita din ako ni Will.
Pagkalabas ko ng campus natanaw ko na agad si Yeye......Na may kasamang babae....and who's that bitc------..That girl? Mukhang hindi pa nga nila ako napapansin kasi busy sila sa kakatawa.
"Ehem."
Sabay naman silang napalingon sa'kin. Halatang nagulat pa nga no'ng nakita ako. Tinitigan naman ako ng girl. Naka-uniform pa nga eh. Siguro sinundo muna ni Yeye bago ako dinaanan. Aba magaling!
"Oh Wel, si ano pala------"
"Let's s go, mahihirapan na naman tayong sumakay," sabi ko at nauna na akong naglakad sa kanila.
"Okay lang ba if dumaan muna tayong megamall?" Tanong ni Yeye.
Tumango lang ako. Pumara na sila ng taxi. Sa harap ako umupo at silang dalawa sa likod. Tahimik lang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Pasimple akong sumusulyap sa salamin para tingnan sila sa likod. They talked about things. Kung ano-ano lang. Nagtatawanan. Ung girl kinakausap din ako para siguro hindi ako ma-out of place. Pero wala ako sa mood makipag kwentuhan sa kanila. Mukhang nahalata naman nila 'yon kaya di na nila ako kinulit pa. Much better.
*
*
Xiel P.o.v
Pansin ko ung pananahimik ni Jewel. May sumpong na naman siguro. Hayy.. Napaka-moody niya talaga.
Pagdating namin sa mall dumaan kami sa department store may bibilhin lang na gift.
"Gutom ka na ba?" tanong ko kay Jewel. Nakaupo lang kasi siya sa sulok. Kanina pa siya tahimik. Ni hindi nga ako pinapansin.
"Can we just go home now?" halatang inis 'yong tono ng boses niya. Wala nga sa mood.
"Ahmm, sige after bumili ni---"
"Okay fine! I'm going home alone," sabay tayo niya. Mag wwalk-out pa ata.
"Saglit lang." Habol ko sakanya. Lalo naman niyang binilisan ung paglakad. Eksena na kami dito sa mall.
Dire-diretso pa rin siya parang walang naririnig. Naiinis na ako, ah. Hinawakan ko ung braso niya kaya napahinto siya.
"Saglit lang naman. Ano bang problema?" Tanong ko. 'Di ko kasi alam kung anong pinaglalaban niya eh. Kanina pa siya ganyan.
"Wala. Gusto ko lang umuwi," madiin niyang sagot.
"Sige, ihahatid kita. Pero please, balikan lang natin si Des? nakakahiya kasi do'n sa tao. Baka hinahanap na tayo,"
Ang sama na ng tingin niya sa'kin. Beast mode na po ang Lola niyo.
"Why you didn't tell me na may kasama ka pa lang babae mo? edi sana hindi mo na lang ako dinaanan pa sa school kanina. Nakaistorbo pa ako sa date niyo," Dire-diretsong pahayag niya. Parang nilabas niya lahat ng kinikimkim niya eh. 'Di ko alam kung matutuwa ako sa inaasta niya ngayon. Para kasing may hint ng "selos" Pero a sa pa ako di'ba? 'yan magseselos? Imposible! Puputi na lang ung uwak hindi mangyayari 'yon.
"Wait, hindi ko siya babae. Nililigawan 'yon ni Kuya.. Nagpasama lang sa'kin para bumili ng gift kasi malapit na birthday ni Kuya." Paliwanag ko.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi siya agad nakapag-react.. Ayan kasi, hindi muna nagtatanong.
"Dont assume unless it is stated," sabi ko pa. Binalik ko lang 'yong sinabi niya sa'kin ng linyang 'yan dati. Medyo napahiya kaya ako d'yan. Ano ka ngayon?
Sinamaan naman niya ako ng tingin tapos nag-peace sign ako sakanya. Naglakad na siya pabalik sa department store. Hindi pa din niya ako pinapansin. Sanay na ako kapag ganyan siya.. Hinahayaan ko lang. Ayokong sabayan 'yong magmamarokolyo niya. Pagkain lang naman katapat niyan eh.
After bumili ng gift ni Des, kumain muna kami saglit gutom na kasi ung alaga ko eh. Pero hindi na siya nagsusungit katulad kanina. Kinakausap na din niya si Des. Sabi sa inyo pagkain lang katapat niyan.
*
*
"Dre, pansin ko nagiging close na kayo ni Jew, ah? Hindi ka na sinusungitan? Tanong ni Pat.
"Sinusungitan pa din s'yempre. Pero hindi na katulad ng dati na deadma lang siya sa'kin,"
"Ahhh. Okay 'yan. Ba't ang aga mo laging umaalis dito sa bahay niyo? Hindi na kita naabutan," takang tanong pa niya.
"Ha? Ahm..Kasi...Naiwas lang ako sa trafic. ALam mo na, mahigpit prof natin sa late,"Pagdadahilan ko. Hindi naman kasi alam ni Pat na dumaan pa ako kela Jewel sa umaga para dalhan siya ng taho. Panigurado kasing mang-aasar lang 'to.
"Talaga ba? Eh ba't nauuna pa din ako sa'yo sa school dumating?" dudang tirada niya pa.
"Eh kasi, k-kumakain pa ako sa canteen,"
Tiningnan niya muna ako na parang sinisugurado na totoo ba ung mga alibi ko.
"Ahhh. Bakit 'di mo man lang ako hinihintay? ganyan ka sa'kin, Dre." Nagtatampo pa siya.
"Wag mo nga akong dramahan. 'Di bagay sa'yo," buska ko sa kanya. Natatawa kasi ako sa mukha niya.
Natawa na din siya. Ganyan lang naman kami niyan ni Pat. Hindi kami nag-aaway niyan. Bihira din kaming magkatampuhan.
*
*
Almost 2 weeks na rin ung gano'ng routine namin ni Jewel. Hahatiran ko siya ng taho sa umaga tapos minsan sabay kaming papasok at dadaanan ko siya sa school nila kapag umuwian niya. Nararamdaman ko na din na nagiging kumportable na siya sa'kin. Bihira na din niya akong sungitan.
Sana lang talaga magtuloy-tuloy.
Friend request accepted.
Nanlaki ung mata ko. Literal! Ina-accept na ako ni Jewel. Yahooo! Oh yeah oh yeah.
Nakita kong naka "active" siya. Hmmm.. I-chat ko kaya?
"Hi, Wewel."
Mga ilang minuto din bago niya sineen.
Typing........
Jusko napakahaba naman ata no'ng reply niya?
"Hmm?"
Sa haba ng typing niya, 'yon lang reply? Gravy lang.
"Ahm, Thank u sa pag-accept." Reply ko.
"Np."
Grabe ang tipid naman niyang mag-reply. Ayoko na nga. Parang napipilitan lang ka-chat ako. Tseh!
Tiningnan ko na lang 'yong mga post niya sa fb.. Medyo na-excite ako.
Scroll down.....Scroll down...
"Thank u for d flowers," latest post niya sa sss tapos may picture no'ng bulaklak.
Malamang bigay 'yon ni Raul. Bakit hindi niya tinag? Baka iba nagbigay. Hay ewan!
Nabwisit lang ako kaya mag-out na sana ako ng sss ng biglang nag pop-up na may message ako sa messenger.
Si Jewel...
"Happy birthday sa Kuya mo,"
Nakita niya pala ung post ko Tinag ko kasi si Kuya..m
"Ahmm, Thanks. Punta ka bukas sa bahay. Pupunta sila Pau."
Nakita kong sineen niya lang. Bigla naman akong nalungkot. Malamang kasi hindi 'yan sasama. Hindi yan mahilig makihalubilo sa madaming tao lalo na't hindi niya kilala. Asa ka pa Xiel! Makapag out na nga.
"Tom at 6pm," reply niya.
Ano daw? 'di ko kasi ma-gets.
"Ha? ano?"
"Kung hindi mo na-gets bahala ka. Nyt."
Hindi na ako nakapag-reply hindi na siya active. kainis naman 'yon. Tsk!
*
*
*