Chapter 3 This Feeling

2525 Words
Xeng!" Ang boses na 'yon. Mabilis akong napalingon. Isang babae ang yumakap sa'kin. Napayakap din ako sakanya. Si......Diane. "Kamusta?" Halatang masaya siya at excited ng makita ako. "O-okay lang. Wait, i-ikaw na ba 'yan. Grabe, laki mo na, ah?" 'Di makapaniwalang sabi ko. Si Diane, yong kapitbahay nila Jewel na kalaro namin dati. Kaso lumipat sila ng bahay, pero ung lola't lolo niya do'n pa din nakatira. Hinampas naman niya ako habang natatawa. "Oo naman, ako 'to. Medyo tumangkad lang," natatawang sabi niya. Mas gumanda siya ngayon at pumuti. Batang kalye kasi kami dati kaya ang itim namin. hahaha! Laki talaga ng pinagbago niya. "Bumalik na kayo do'n sa Lola mo?" "Ahm, mag-stay muna kami do'n. Dito ko kasi pagpapatuloy ung college," paliwanag pa niya. "Ahhh. Buti alam mo pa dito sa amin?" natuwa kasi talaga akong makita siya. Grabe ang chicks na niya ngayon. "Nagpasama ako kay Pat-patpatin." Sabay naman kaming natawa. 'Yon kasi bansag kay Patricia dati eh. At si Diane ung nagpauso no'n. Ang sama naman ng tingin niya sa amin habang lumalamon ng suman. "So, mas makakapag bonding pala tayo," Sabi ko. Mas lumapad naman ung ngiti niya. Nakahawak siya sa kamay ko. Close ko din kasi 'to si Yan no'ng mga bata pa kami. Friendly siya at hindi pikon, kaya kasundo namin siya nila Paula. Sobrang nalungkot nga ako nung lumipat sila. Pero atleast ngayon bumalik na siya. Oh yeah! * * Jewel P.o.v. "So, bagong boyfriend mo na pala si Raul?" asked Jes, while smirking. Inikutan ko naman siya ng mata. Ayoko kasing pag-usapan. "Yeah." Tipid na sagot ko. Hindi naman nawala ung pagngisi niya habang nakatingin sa'kin. "What?" I hissed. "Nothing, It's just..Do you really like Raul that much?" Tanong niya na parang duda pa. Napabuntong hininga naman ako at hindi agad nakasagot. Well, Raul is a good guy. No'ng nag-break kasi kami ng Ex Boyfriend ko, nakilala ko si Raul. Halos everyday siyang dumadalaw sa bahay. Sobrang kulit din, kaya binigyan ko ng chance. "Kaya ko nga sinagot 'di ba? What kind of question is that?" iritang sabi ko. She just stare at me, "if you say so." kibit balikat niya. "i just notice, hindi ka na ata sinusundo ni Xiel?" When she mention the name of Yeye, nakaramdam ako ng lungkot. Simula kasi nung nalaman niya na kami na ni Raul, napansin kong iniwasan na niya ako. Hindi na rin siya masyadong pumupunta sa bahay. Or maybe busy lang siya. at ano namang pake ko do'n 'di ba? Hindi ko man aminin sa sarili ko but......I miss her. I mean, i miss the Taho. Yeah, that's it. Kung kailan kami nagiging close ulit tska naman siya umiwas. Lagi na kasi kaming sabay umuwi galing school. Sinusundo niya ako tapos food trip bago niya ako ihatid sa bahay. Dinadalhan niya rin ako ng taho sa umaga. * * Pagkababa ko sa sala nakita ko sila Ate Paula, na nagkakagulo habang may kausap na Girl. A new face, huh? Yeye, is here to. It's been a while. Katabi niya ung babae sa upuan at halatang close sila. Who is she? Saglit ko pa siyang pinagmasdan. Parang familiar ung mukha niya. Well, she's cute though. Nagtatawanan sila habang nagkukwentuhan, hindi nga nila ako napansin eh, kasi naka-focus sila do'n sa babae. "Oh Jew, halika dali!" Hablot sa kamay ko ni Ate Pau. Halatang excited. "Si Diane, remember her?" Saglit pa akong nag-isip habang tinititigan siya. Nakatingin din siya sa'kin habang nakangiti. "Hindi mo na siya natatandaan, noh? Siya ung neighbor natin sa tapat," paliwanag pa ni Ate. Oh, if i'm not mistaken, She's the reason why i-----. "Hi. dalaga ka na, ah?" she gladly say while staring at me. She's smiling too. "Err..Yeah," naiilang na sagot ko. 'Di ko naman kasi siya close ever since. Or let say, kay Yeye lang talaga ako malapit no'ng mga bata pa kami. It doesn't mean na i don't like her. Sa pagkakatanda ko, lagi namin siyang kalaro dati, then she suddenly dissapear. "Dito na siya ulit mag-stay," sabi ni Ate. Napataas naman ako ng kilay. So, she's back. ** Xiel P.o.v. Nandito kami ngayon kela Paula, kasama namin si Yan-Yan. Gusto din kasi siya maka-bonding nila Ellen eh. Tuwang-tuwa naman sila ng makita ito, except lang ata kay Jewel. Or baka naninibago lang. Hindi naman kasi sila close dati. Bata pa lang si Wel, aloof na 'yan sa mga tao. Sa'kin lang 'siya lumalapit. Pansin ko 'yong pananahimik ni Jewel. Nagce-cellphone lang habang kami nagtatawanan at nagkukwentuhan. Well, ano pa nga ba? Suplada naman talaga 'yan. Tseh! "Xeng, sa bahay ka matulog mamaya, okay lang ba?" Kurot sa hita ko ni Diane. "Ahmm, sige ba." Nahihiya pa ako, powtek! Ngayon ko na lang siya ulit makakatabi. Ngayon na malalaki na kami. Hormones behave. "Ehem. Beks, 'wag mong manyakin si Yan, ah?" Singit naman nito ni Paulina. Binato ko siya ng kropek, "Hoy! siraulo ka talaga. Mamaya anong isipin niyan ni Diane, eh." Palag ko. Natatawa lang naman sila habang nag-aasaran kami, pero itong si Jewel, akala mo may laser beam ung mata sa sobrang sama ng tingin niya sa amin. May dalaw na naman ba siya? Hindi ko na talaga alam. ** "Nak, may bisita ka." Tawag ni Mama. Dali-dali naman akong bumaba sa sala para tingnan kung sino 'yong bisita ko daw. Napahinto naman ako ng makita ko ang mukha ni Diane, na nakangiti sa akin. Ang....Ganda niya ngayon. "Hi, may dala akong Buko pie galing Laguna, pinabibigay nila Lolo." Agad ko naman itong kinuha, "Salamat, ah? Nag-abala ka pa. Paki sabi kela Lolo, thank you." Ang lapad ng pagkakangiti ko. Ang aga ng dalaw ko eh, tas chicks pa. "Ahm, gusto mo pa lang sumama? nagyaya sila pumunta ng Echanted," sabi ko. "Sure! sige ba. Kailan?" halatang na-excite siya. Mabilis talaga siyang yayain sa mga ganitong gala. Hindi tulad ni Maldita, pabebe tapos pa-importante lagi. Hays! Wohh, kunwari ka pa, miss mo naman. Singit ng utak ko. ** Enchanted kingdom "Oy beks, tara sakay na tayo ng rides." Hila pa sa amin ni Paulina. Atat na atat 'yan kanina pa. Ang haba-haba kaya ng pila. Hays! Nakahawak sa braso ko si Yan, habang naglalakad kami, ang dami din kasing tao. "Xeng, nagugutom na ako." Bulong niya sa'kin. "Gusto mo ng hotdog? bibili kita," sabi ko naman. Hindi pa kasi kami nag-lunch. Tumango naman siya habang ngiting-ngiti. Pinisil ko ung chin niya. Ang cute-cute niya kasi. "Excuse me, nakaharang kayo sa daraanan." Hawi ni Jewel sa braso ko. Umirap pa bago tuluyang naglakad. Ang sungit na naman niya, ah? Bumili ako ng pagkain namin ni Diane, at umupo muna kami sa may bench. Nauna ng sumakay sa rides sila paulina. Kasama niya pala si Jackie. Si Ellen at Patricia naman, ayon nagmo-moment habang nakasakay sa Ferris wheel. 'Di na nagsawa sa isa't-isa. "Ang sarap nitong Chicken hotdog, tikman mo." Bigla naman akong sinubuan ni Diane. Napakagat tuloy ako sa hotdog niya. Napatingin pa nga sa amin ung mag-jowa sa harapan namin eh. May pagka clingy kasi 'to si 'Yan. "Sakay tayo mamaya sa bump car, Xeng." "Sure!" Ngumiti naman siya sa'kin tska sumandal sa balikat ko. Para tuloy kaming mag-girlfriend. Pero parang wala lang naman kay Diane 'yon. Sadyang touchy lang talaga siya. Siguro na-miss din niya ako. Ayiieeee. Charot lang! Pagkatapos naming kumain, nag-ikot na kami para pumili ng sasakyang rides. Nakita ko pa nga si Jewel at Raul na magka...Ehem, holding hands habang masayang nagtatawanan. Para na naman may tumusok sa may dibdib ko. Tsk! bakit ko pa ba sila iniisip? Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napalingon ako kay Diane, na nakatitig sa'kin habang nakangiti. "Tara?" sabi pa niya. "S-sige, tara." Hinigpitan ko pa ung pagkakahawak sa kamay niya.. ** Jewel P.o.v. I saw Yeye and Diane, sa may hotdog stand. They're so sweet together. May pa pisil-pisil pa 'tong si Yeye, sa chin ni Diane. Like, duh! Parang sobrang close naman ata nilang dalawa? Hindi naman kami ganyan ni Yeye. We're not that sweet. "Baby?" naramdaman ko ung paghawak ni Raul sa kamay ko.. "Yes, Babe---Baby." Shocks! Natawag ko pang Babe si Raul. Actually hindi ko talaga siya tinatawag na "Baby" Parang na-awkwardan pa kasi ako. I don't know why. "Gusto mo din ba ng Hotdog sandwich?" nahalata ata ni Raul, na nakatingin ako dito. On that particular person. That exactly it is.. "No, i'm still full." Pagdadahilan ko na lang. "Okay. So, let's go?" yaya niya para makapili na kami ng rides. "Alright." Naubos ung oras namin kakasakay sa iba't ibang rides. Nahilo pa nga ako kasi hindi ako kumain ng lunch eh, anong oras na! Hindi man lang nga ako niyaya nito ni Raul kumain or even asked me if i'm hungry na. Siguro kung si Ye----Hayss! Bakit ko ba kino-compare si Yeye kay Raul? They're exactly different person. Napatingin ako kela Yeye at Diane, masaya silang nag-uusap at enjoy na enjoy sa isa't isa. Dumating lang si Diane, nakalimutan mo na ako. Kainis ka! Hindi naman sa nagde-demand ako ng oras ni.....Hay.. Sino pa nga ba? "Baby?" Napahinto ako sa pag-iisip at napalingon kay Raul. "What?" iritabling tanong ko. Ewan ko ba, ang init ng ulo ko ngayon. "Ang sabi ko, if gusto mo pang mag-ikot?" Inikutan ko naman siya ng mata. Seriously? Ang sakit na nga ng paa ko. Parang siya nga lang ata nag-enjoy. Puro gustong rides lang niya ung sinakyan namin. He never asked me, if gusto ko din 'yon. Pero pinagbigyan ko na lang.. I'm bored anyway. "Masakit na ung paa ko," reklamo ko pa. "Oww, Okay. Just stay here na lang muna. Sasakyan ko lang 'yong isa pang rides," sabi pa niya. What the Hell?! I thought he's going to massage my feet, like what Ye---- oh shocks! Siya na naman?! Hindi ko naman kasing maitatanggi na caring talaga siya at over protective pagdating sa'kin pero i guess, may bago na siyang friend na pinagtutuunan ng pansin at oras katulad ngayon.. Hindi ko naman mapigilan na sulyapan si Yeye at Diane. Nakita ko pang minamasahe niya ung kamay ni Diane. Na dati sa'kin niya, Oh my gosh. Stop it, Jewel! Mukha ka ng tanga. Hayaan mo na nga. It's quarter to nine na ng matapos kami. I'm so tired and hungry pero nalipasan na ata ako ng gutom. "Guys, mag-stay na lang tayo sa rest house nila Jackie tonight. Nakakapagod ng bumyahe pa manila, eh." Suggest ni Ate Paula. Sumangayon naman ang lahat. It's so tiring naman na talaga.. All i want is a warm bath at matulog. I think mga one hour din ung binyahe namin papuntang rest house dito sa Laguna.bPagkababa namin, dumiretso kami sa room kung saan kami matutulog. "Ahm, Guys, may two rooms dito na pwede nating tulugan," sabi ni Jackie. "Sama-sama na lang tayo sa kwarto, kasya naman ata tayo," sabi naman ni Ate Pau. "Ikaw Raul, you can sleep sa kabilang room." Dagdag pa ni Ate. Parang umasim pa nga ung mukha ni Raul, sa narinig niya. We're not allowed to sleep together. Like, No way. Kumain muna kami bago magpasyahang matulog. Naligo muna ako bago humiga. Katabi ko sa kama si Ate Pau and Jackie. Nasa lapag naman si Ate Ellen at Pat.  Nasa kabilang bed si Yeye at Diane. Magkatabi sila. Magkadikit at----- at anong paki ko? Bakit ko naman sila binabantayan. Tsk! Napabalikwas ako tska tumayo. I need some fresh air. Mukhang tulog na sila Ate Pau. Baka napagod kanina. I'm tired too, kaso 'di naman ako dalawin ng antok. Tumayo na ako tska lumabas ng room. Tumambay muna ako sa may terrace. Malamig ung simoy ng hangin. Malapit na kasi mag-christmas. "Bakit gising ka pa?" narinig ko ung pamilyar na boses na 'yon. Agad naman akong napalingon. It's Yeye. "Y-yeah. I can't sleep," napansin ko naman ung hawak niyang sandwich tska fresh milk. It's that for me? "Ahh. Malamig d'yan," concern na sabi pa niya. She knows na lamigin ako. Wala kasi akong suot na jacket. "I'm fine." I'm waiting for her to come closer. Like she always do kapag nilalamig ako. Pinapahiram niya sa'kin 'yong jacket niya, or anything para 'di ako lamigin. But.... "Sige, pasok muna ako sa room. Hinihintay kasi ni Diane, 'tong food." Paalam pa niya. Bigla naman ako na-dissapoint. So, it's for Diane pala at hindi para sa'kin. Fine! Well, Raul can also do that for me, kaso tulog na ata ung mokong. Parang wala ngang paki. Hayss! Bumaling na lang ako ulit sa view dito sa terrace. Did i felt jealous because Yeye, giving much attention to diane? Bakit kailangan ko mag-selos? Hindi naman kasi dapat. I don't care kung mas maging close sila. Ilang taon nga kaming hindi nagpansinan 'di ba? Naramdaman kong may nagsuot sa'kin ng Jacket. "Suotin mo muna 'yan mahamog na," sabi ni Yeye. And that the cue. I want to hug her..... And when i'm about to.... "Xeng?" Pareho pa kaming napalingon. It's Diane. Istorbo. Hindi ko na nalapitan pa si Yeye. "Tulog na tayo," sabi pa nito. Talagang sinundo pa niya si Yeye, ah?  I can't help it but... "We're still talking!" Sabat ko naman sabay taas ng kilay. Napatingin naman sa'kin si Xiel, na parang nagulat sa sinabi ko. "Ay, sorry. S-sige una----" "Susunod na ako." Pahabol ni Yeye. Para siyang napagitnaan sa amin ni Diane. "Okay." Bumalik na siya sa room at naiwan kaming dalawa. Silence...... " Ahm.. Hindi ka pa ba matutu----" "You can leave me here," medyo mataray ko pang sabi. Narinig ko naman ung pagbuntong hininga niya. Do'n ka na sa Diane mo! Tinalikuran ko na siya at binaling ung atensyon ko sa natatanaw kong kabahayan. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.. Alam ko naman kung sino. Pinakiramdaman ko lang. Pareho kaming tahimik. Walang gustong magsalita. We're holding each other's hand. My heart is beating so fast. Whats happening? Kailangan ba talagang gano'n. "Ang lamig ng kamay mo. Tara na sa loob." Mahinang pisil pa niya dito. Gustong kong ngumiti pero pinigilan ko. "Can we stay for a while?" mahinang sabi ko. "Hmmm." Pareho kaming nakatanaw sa kalangitan habang dinadama ung simoy ng hangin. "Baby?" Napabitaw ako sa kamay ni Yeye, at nakita kong nakatingin sa amin si Raul. Napa-atras din si Yeye sa gulat. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Lumapit na siya sa'kin at hinaplos ung buhok ko. It's so awkward. Napatingin naman ako kay Yeye, na tahimik lang. "I'm about to sleep na rin. Bumalik ka na sa room mo." "Okay. Hatid na kita sa kwarto niyo." Sabay akbay sa'kin ni Raul. Nakita ko namang nauna ng naglakad si Yeye, papunta sa kwarto. "Goodnight, Baby." Sabi ni Raul, bago ako pumasok sa room. "Goonight." Ng aktong hahalikan ako ni Raul, i stop him. "Not to fast." Nakita ko ung pagkadismaya ng mukha niya. Napahiya eh, pero ngumiti siya sa'kin sabay tango. Pumasok na ako sa kwarto at dahan-dahang sumampa sa kama. Baka kasi magising sila Ate. Napatingin din ako sa kabilang kama. Nakahiga na din si Yeye, Katabi si Diane. Nakaramdam na naman ako ng inis.. Relax Jewel.. Xiel is so friendly. Masanay ka na. I need to accept the fact that I don't own her. * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD