Chapter 2 Bonding

2443 Words
Xiel P.ov. "Wow! ganda naman niyan, saan mo nadekwat?" Pansin ni Paula sa suot kong bracelet. Mabilis ko naman itong hinatak bago pa niya maarbor. May balak pa atang kagatin para malaman kung totoo itong gold. Nandito kami ngayon sa mall, nagyaya ang Paulang emotera eh. Kundi ko daw siya sasamahan baka maglaslas na daw siya. Kundi ba naman may sayad sa utak. "Bigay ng Chicks ko." Mayabang at mahangin kong sagot. "Sus! maghihiwalay rin kayo." Mapait pa niyang kumento. "Bakit ampalaya ka na naman? nag-break ba kayo ni Jackie?" Napasimangot naman siya. Tama nga ako. Kaya pala nagmamaasim. "Cool off lang. Masyado daw kasi siyang nasasakal sa'kin, eh." Malungkot niyang pahayag. "Eh, grabe ka naman kasi atang makabakod?" "Anong grabe makabakod? hindi ah, tinitingnan ko lang naman kung sino ung mga nag-chat sa messenger niya, tapos pinagbo-block ko ung mga lalaking nanliligaw at nagpapansin sakanya." Sabay flip niya ng hair. Wow, 'di nga mahigpit ano? Siraulo din eh. "Kaya naman pala nasasakal sa'yo eh, wag gano'n." sabi ko pa sakanya. Isang malalim na buntong-hininga naman ang sinagot niya sa'kin. "Alam  mo, pwede ng sabitan ng hanger 'yang nguso mo." sita ko, habang duro-duro ito. "Hayy! Grabe lang kasi. Nami-miss ko na siya. Hindi ko nga muna siya kinukulit eh." Sabi niya, habang ginugulo ung mga nakatuping damit. Kaya nga ang sama na din ng tingin sakanya nung Sales Lady. Hiniklas ko na ung braso niya bago pa kami palabasin ng Guard. Huminto naman kami sa tapat ng Uniqlo. "Oh bakit, nay hinihintay ka ba?" Takang tanong ko. "Oo, Wait lang. Nand'yan sa loob si Jewel eh. Nagpapahintay." Oww! Nandito pala siya. Mayamaya rin, natanaw na namin siya palabas at may kasamang lalaki at babae. Lumapit naman sila sa amin. Tropa niya siguro. "Ate, my friends pala, si Will and Jessie," Pakilala naman nito. Nag-Hi and Hello naman sila. infairness, ang cute no'ng Jessie. Habang naglalakad kami, pansin ko ang kakaibang hawak nito kay Jewel. Parang 'di naman aware si Jewel, kasi wala siyang pakialam .Mukhang kumportable naman siya. Baka gano'n lang talaga sila ka-close? Nagyaya silang mag-ics cream sa DQ. Um-order na kami. Salted caramel cheesecake 'yong flavor na napili ko. "Jew, tikman mo ang sarap nito." Rinig kong offer nung Jessie. Sinubuan niya si Jewel. Sus! may gano'n pa? Tumingin naman ung Jessie sa'kin. Parang may meaning ung tingin niya eh. Parang nang-iinggit. Oh, baka napa-paranoid lang ako. Ay ewan! "Masarap 'yan?" biglang tikim ni Pau, sa ice cream ko.  "Wow ang sarap , ah. Tikman mo 'yong sa'kin." Offer din nito sa ice cream niya. Strawberry banana naman  ang kanya. Nakita ko ng subuan ulit ni Jessie si Jewel at 'di din nakaligtas sa'kin ung makahulugang tingin nito. Problema niya? After naming mag ice cream , nagkayayaan na ding umuwi. 'Di ko nga nalasahan ung ice cream na kinain ko sa kakasubuan ni Jessie at ni Jewel, sabayan pa nang pag tikim-tikim ni Paulang emotera sa ice cream ko. 'Di ko namalayang naubos na niya. Nahiya pa nga at nagtira pa eh. Nakita ko pa ung paghalik ni Jessie kay Jewel sa pisngi at sabay sulyap na naman sa'kin bago sila umalis. Kanina ka pa, ah! "Mag-jeep na lang tayo ang hirap mag -taxi." suggest ni Paula. Mukhang uulan kasi. Panay kulog na din. Nakita ko naman ung pagkunot ng noo ni Wel, halatang ayaw mag-jeep. Wala kang choice, Bebe. May humintong jeep sa tapat namin, naglakad na kami ni Paula pero si Jewel, nakatayo pa din at ung itsura niyang "seryoso? sasakay tayo d'yan look." Hinila naman siya ni Paula, paakyat sa jeep kaya wala na din siyang nagawa. Bleh! Arte pa kasi. Nasa kaliwa ko si Jewel, at panay na din ung simangot niya sa katabi niyang lalaki. Paano naman kasi, parang amoy paksiw. Punuan at ma-traffic pa rin dahil naabutan kami ng rush hour. Tuluyan ng bumuhos 'yong ulan. 15 minutes na ata ung lumipas, pero 'di pa din nausad ung jeep namin. jusko, anong petsa na! Sumulyap ako sa malditang katabi ko na salubong pa din ung kilay at nakasimangot na. Nagtakip na din siya ng ilong. Naamoy ko na din kasi ung halimuyak ng kili-kili no'ng katabi ni Jewel na si Kuya. Ligo-ligo din po pag may time. Ang bantot. Shocks! Parang namumutla na din ung itsura ni Jewel, kaya naawa naman ako. 'Di talaga siya sanay sa public transportation. Kinuha ko sa bulsa ung panyo ko at isang Max cherry candy. Inabot ko ito sakanya at agad din naman niyang kinuha. Akala ko aarte pa siya, eh. Ginamit niyang pangtakip sa ilong 'yong panyo ko at kinain na din niya ung candy. Lihim naman akong napangiti. Umusad na 'yong jeep namin at ramdam ko ung paglikot ni Jewel, kaya napatingin ako sakanya. Ang sama na po ng tingin niya kay Kuya na katabi niya. "Anong problema?" tanong ko kay Jewel. 'Di kasi siya mapakali. "Nanghihipo 'tong katabi ko." Naiinis niyang sagot. Kunot noo akong tumingin kay Kuya na nakasandal nga. Ang hype, Lakas ng loob ah?! "Kuya, pwedeng umusod ka ng konte? Nasisiksik mo na kasi tong kasama ko, eh." Sa medyo siga kong sabi. Naiirita kasi ako sa face ni Kuya. Mukha kasing taga ibang planeta. "Masikip 'di ba? paano ako uusod?" siga din niyang sagot. Aba't sumasagot ka pa ah?! Nakita kong masikip naman talaga. "Lipat ka dito. Palit tayo ng upuan," bulong ko kay Jewel. Kahit ayokong katabi si Kuya, na may putok sa kili-kili, pero sige na lang. Kesa maka-chansing siya kay Jewel. Sinuswerte siya! Mabilis kaming nagpalit ng pwesto at kita ko ung pagkadismaya ng mukha nito. Akala mo, ah. Ano ka ngayon? Sinamaan ko na din siya ng tingin. Habang nasa byahe, ramdam ko ung pagsandal sa'kin ni Jewel. Nakapatong na din ung siko niya sa may binti ko. Siguro na-trauma kay kuya, na may putok. Hinayaan ko na lang, para safe din siya sa mga mana-nanching sakanya. Halos lahat kasi ng pasahero napapatingin kahit nga babae, eh. Oh well, pretty naman kasi talaga. Head turner baga. Sobrang lakas pa din ng ulan no'ng nakarating kami sa subdivision nila. Walang tricycle na dumadating. Medyo baha na din kasi 'yong kalsada. Naglabas ako ng payong na pinahiram ni Jewel sa'kin. Ito naman din si Paula, Kababaing tao wala man lang dalang payong. 'Di kami kakasya sa payong kaya sila ni Jewel na lang ung pinag-share ko. Pinang pandong ko na lang ung jacket ko. Nabasa pa din kami ng makauwi sakanila. "Xiel, pasok ka muna. Basang-basa ka na, oh." Sabi ni Paula. Half kasi ng suot ko nabasa na. Pumasok na kami sa loob ng bahay nila."Kukuha muna kita ng towel tska pang palit,"sabi pa ni Pau, tska umakyat sa taas. Naiwan kami ni Jewel at nagkatinginan. Mayamaya rin, umakyat na siya sa kwarto niya. Naiwan ako sa sala habang nilalamig na. Ang tagal naman ni Pau! Magkaka-pulmonya ako nito eh. Biglang may bumato sa'kin ng damit galing sa hagdan. "Maligo ka muna tska magpalit ng damit. Do'n sa kwarto ni Jewel ka makiligo ah? barado 'yong banyo sa kwarto ko eh," Sabi nito habang naka dukwang sa hagdan. Luh! Ano ba yan! 'Di ko feel makiligo do'n eh. "'Di na. Magpapalit na lang ako ng dam----achoo!" sabay bahing ko. Mukhang sisipunin pa ata ako nito. "Bilis na, ang arte mo pa nga. Katukin mo lang si Wel. 'Di ka naman kakagatin no'n, eh." pang-aasar pa niya habang nakangisi. Inismiran ko lang si Paula, habang paakyat ako sa hagdan. Kailangan ko na kasing iligo 'to bago pa 'ko sipunin. Nag-aalangang kumatok ako sa room ni Jewel. Narinig ko naman ung pagbukas niya ng pinto.. Mukhang kakaligo niya lang may towel pa kasi siya sa ulo at naka bathrobe. "Makiki lig---" "Pasok." Sagot naman niya agad. 'Di man lang ako pinatapos sa sasabihin ko at tinalukuran na naman ako. Dahan-dahan naman akong pumasok. Ginala ko agad ung mata ko sa paligid. Grabe, sobrang tagal ko ng 'di nakakapasok dito. Bago na 'yong wallpapers niya. Napaka feminine. Ang bango din ng kwarto, infairness. Parang ang sarap matulog dito. Lalo naman akong nilamig dahil nakabukas pala 'yong lintik na aircon niya. Ang lamig-lamig na kaya! "Are you going to take a bath or what?" Rinig ko naman ung pagsusungit niya. Napatingin tuloy ako sakanya na parang hinihintay lang akong makapasok sa banyo para makapag bihis siya. Parang nag-iinit tuloy ung katawan, este paligid ko. Makaligo na nga. Dali-dali akong pumasok sa banyo para makapag-shower na din. Kanina pa ako giniginaw eh. Panay na rin ang bahing ko. After kong maligo, nagbihis na 'ko. Ang kaso, bitin sa'kin ung damit ni Paula. Punyemas! Maliit kasi siya, eh. Nasa 5'2 lang 'yong height niya. i-compare naman sa height kong 5'6. Mukha tuloy akong bonjing! Bitin na bitin kasi 'yong t-shirt at pajamang pinahiram niya. Tsk! sa madaling salita, mukha akong timang sa suot ko. 'Di tuloy ako makalabas. Nakakahiya kasi. 'Di na 'ko mapakali. Tok tok tok.. "Are you done? Nakatulog ka na ba," halatang naiirita na 'yong boses ni Jewel. "Ahm, p-palabas na. Wait lang." Na-tense tuloy ako lalo. Shocks! Paano ba 'to? Bumuntong-hininga muna ako at kumuha ng lakas ng loob bago lumabas ng banyo. Nakita ko si Wel na nakasandal sa gilid ng pinto. Bored na naman ung itsura niya habang naka-crossed arm.. Nakita ko din ung tingin niya sa'kin mula ulo hanggang paa at parang natatawa pa. Oo na, powtek! Mukha na kong tanga. "You look like---" sabay halakhak niya. Impaktita talaga! Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumigil siya sa pagtawa. Ang kaso.... "Hahahah! Ano ba yang pinasuot sa'yo ni Ate. Just like, it doesn't fit you," nang-aasar pa niyang sabi habang nakataas ung kilay. "Ewan ko sa Ate mong praning." Irap ko pa sakanya. Napipikon na kasi ako eh. Siya naman kasi 'yong nang-aasar sa'kin ngayon. Marunong na pala siyang mang asar? Dati kasi, ako lagi 'yong  ng iinis sakanya. "There," nguso niya sa kama. 'Di ko pa nga agad na gets, eh. "Tss!  Ayon ung t-shirt at short," maarte pa niyang sabi sabay pasok sa banyo. "Arte mo!" Bulong ko naman pagkapasok niya sa loob. Naglakad na ko papunta sa kama at kinuha ung damit niya at sinipat-sipat ito. Alam niyang 'di magkakasya sa'kin 'yong damit ni Pau. Galing ah? Mukhang kasya naman sa'kin ung damit, kasi 'di nagkakalayo ung height namin ngayon. Biglang tangkad nga niya eh. Dati siya ung pinakamaliit sa amin at pinakabata din kasi. Mabilis akong nagbihis bago pa siya makalabas ng banyo. Mahirap na baka masilipan pa ko ng dyosa. 'Di pwede, noh. Dapat ako lang! joke. Nakapag bihis na 'ko at hinihintay ko na lang siyang makalabas ng banyo para makapag pasalamat na din sa pagpapaligo at pagpapahiram sa'kin ng damit. Inamoy-amoy ko pa nga tong suot ko. Parang naghalong fabric conditioner na may halong perfume niya. Ang bango, nakaka-adik. Ginala ko muna ung mata ko sa kwarto niya, malamang kasi matatagalan ulit bago ako makapasok dito. napansin ko ung picture na nakapatong sa cabinet. Luh! Picture naming apat no'ng mga bata pa kami. Hahahah! Si Pat, Paula, ako at si Jewel. Naka-akbay pa nga ako sakanya do'n sa picture eh, at ang dungis pa ng mukha ko. May chocolate sa gilid ng pisngi ko habang nakangisi. Naka-ngiti din si Jewel sa picture. Ito ung time na close pa kami. Natuwa naman ako dahil meron pa pala siyang picture no'ng panahong mga gusgusin pa kami at naglalaro sa kalye..l Nakaka-miss. Narinig ko ung pagbukas ng pinto sa banyo kaya bigla akong napa diretso ng tayo. Nakita ko na din ung paglabas niya. Parang slow mo nga eh, kasi ang ganda-ganda niya at parang ang bango-bango. Napatingin din ako sa manipis na short niyang suot at sandong puti. Nagkakasala na naman ung mata ko nito. Gosh! "Ahm, T-thanks pala sa dito sa damit. Lalabhan ko na lang bago ko ibabalik sa'yo," sabi ko. "Okay," tipid niyang sagot. "S-sige, labas na 'ko." Paalam ko. Palabas na 'ko ng pinto ng biglang mag-brown out. Anak ng patola. Rinig ko din pagkulog at kidlat sa labas ng bintana. Lalo pa atang lumakas ung ulan. 'Di na talaga ako makaka-uwi nito. Napatili din si Jewel. Takot kasi siya sa kidlat, kahit nung mga bata pa kami, nagtatago 'yan agad sa ilalim ng lamesa kapag kumikidlat na. Ako din ung nakakapag pakalma sakanya nun kapag takot na takot siya at paiyak na. Naramdaman ko 'yong pagkapit niya sa braso ko. Halatang takot na takot. Marahan ko namang hinawakan 'yong kamay niya para lang kumalma siya. Nagkatitigan pa kami. "Oy, okay lang kayo dito?" Biglang pasok ni Paula, kaya napabitaw si Jewel sa braso ko. "Ahm, Oo." Sagot ko naman. "Sige. Magsisindi lang ako ng kandila sa baba. Samahan mo muna si Wel, takot pa naman 'yan. Dito ka na din matulog," sabi pa ni Pau. "H-ha?" Halaka. Dito ako matutulog. Seryoso? Ang tanong, gusto kaya ni Wel na matulog ako sa kwarto niya. "Ha ka d'yan. Wel, pasama ka na sakanya. Nando'n lang ako sa kwarto. 'Di kasi tayo kakasya sa kama mo," Nagkatinginan muna kami ni Jewel. Bumuntong-hininga muna siya tska tumango. So, payag siya? 'Di ko alam kung matutuwa ako eh. Pagkalabas ni Paula parang ang awkward na ng ambience. Ang tahimik at ang lamig pa. "Okay lang ba talagang matulog ako d-dito?" Alanganing tanong ko. Tumingin muna siya sa'kin. "You know that i'm afraid of thunder, right?" Seryosong sagot niya. Tumango lang ako. Naglakad naman siya papuntang kama niya tska humiga. Samantalang ako na-stroke na ata sa kinatatayuan ko. "So, tatayo ka lang d'yan magdamag?" Mataray na sabi niya. Napakamot naman ako sa ulo tska dahang-dahang lumapit sa kama. "Pwede naman ako sa sofa matulog," sabi ko pa habang tinutukoy ung sofa sa gilid.. Inirapan naman niya ako. "Tumabi ka na dito. Ang arte mo din, eh." Ismid pa niya. Nahihiyang sumampa ako sa may gilid ng kama tska nahiga. Ayokong tumabi sakanya ng husto baka masipa pa 'ko ng 'di oras eh. Bumalikwas naman siya ng higa sabay talukbong. Samantalang ako, naka-diretso lang habang nakatitig sa kisame. Lumipas ang ilang minuto, mukhang tulog na itong katabi ko. 'Di pa ako makatulog, sobrang lamig din ng hangin na nagmumula sa labas ng bintana. Dahan-dahan akong tumayo para isara ito. "Where are you going? don't leave." Halos pabulong niyang sabi at ramdam ko ung Mahigpit na hawak niya sa kamay ko. Akala ko ba tulog na siya? Nakita kong nakapikit siya. "Isasara ko lang ung bintana." Paliwanag ko. Tska lang niya binitawan ung kamay ko. Lihim naman akong napangiti. Oo, aaminin kong masaya ako dahil nakasama ko si jewel ngayong gabi ng 'di kami nagbabangayan, at matutulog akong payapa at hindi badtrip. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD