Xiel P.o.v. Nakatulala lang ako dito dito sa may terrace namin. Nakamasid sa mga taong naglalakad sa kalsada. "Dre!" Rinig kong sigaw mula sa ibaba. Tiningnan ko agad kung sino 'yong gunggong na sumisigaw sa may labas ng gate namin. Si Patricia pala. "Hoy! ba't nag-eeskandalo ka d'yan? umakyat ka nga dito." Utos ko sa abnoy. Tatawa-tawa naman siya at pinakita ang dala niyang pizza na tig 65 pesos sa kanto namin. Masarap kaya 'yon. May iba't ibang flavor. Kung conyo ka, 'di mo alam 'yon. Wala kaming pambili ng Pizza Hut or Shakeys, eh. Pareho lang naman mga lasa niyan. Itatae mo din. Bwahaha! Dumating na si Pat na humihingal-hingal pa. Nagmamadali, Teh? "Oh, anong sumapi sa'yo at naligaw ka dito?" maangas na tanong ko sa kanya. Nagpunas muna siya ng pawis gamit ang T-shirt na suot

