Jewel P.o.v. "Beb, bakit 'di ka papasok sa last subject natin?" takang tanong ni Jessy. Sinabi ko kasi sa kanya na 'di ako a-attend ng huling subject namin dahil gusto kong humabol sa laro ni Yeye. Nagmamadali na akong iligpit ang mga gamit ko para makaalis na bago dumating ang Prof. namin. "I need to go now, Beb. Pupunta pa ako sa school ni Xiel." paalam ko pa. She smirked at me, 'yong signature look niya kapag nang aasar. Inikutan ko naman siya ng mata. Wala akong panahon sa kanya. "Okay, you take care. Kumusta mo na lang ako sa Bebe mo." Kindat pa niya sabay palo sa pwet ko. Punyemas! hinampas ko naman siya sa braso bago tuluyan umalis. Patakbo na nga ang ginagawa ko para makalabas ng campus. Baka wala na akong abutan, eh. Sabi pa naman ni Ate, malapit na daw matapos ang laro nila

