Xiel P.o.v. Maaga akong nagising para mag-prepare ng mga gagamitin ko mamaya sa game. Halos di nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil kakaisip sa Sports fest na 'yan. Kinakabahan ako ng very light. Hehe! Manonood daw ang buong tropang saltik mamaya. S'yempre pati si Jewel present. Wew! kaya lalo akong kinakabahan. ipu-push kong manalo para 'di naman ako.mapahiya sa kanila 'di ba? pero at the same time e-enjoy ko na din. Sana lang talaga maging maayos mamaya ang match. Pagkababa ko ng sala, naghahanda si Mama ng almusalb Lumapit ako sa kanya ay niyakap siya mula sa likuran. 'Ay! bakulaw." gulat niya. May pagkurot pa nga eh. "Aray naman, Ma." Reklamo ko. "Eh, ginulat mo 'kong bata ka. Kumain ka na bago umalis," sabi nito habang nagpapalaman ng tinapay tska binigay sa'kin. "Ma, m

