Xiel P.o.v. Alis singko na ng hapon at hinihintay ko na lang 'yong partner ko. Wala nga ako sa mood ngayon eh, kaso kailangan ng puspusang practice. Ilang araw na lang kasi Sports fest na dito sa school namin. Ang sakit lagi ng katawan ko. Buti nga may taga massage sa'kin. S'yempre sino pa ba, edi si Jewel ko. Ayieeee! Pero may kasamang gigil minsan eh at may bonus pang kurot. 'Di ko alam kung nanggigil lang siya sa'kin, oh may lihim na galit. Pero ayos lang. "Xiel!" Rinig kong sigaw sa likuran ko kaya napalingon ako dito. Si Mia pala, ka-partner ko sa badminton. Nakangiti siya habang papalapit at medyo hinihingal pa. "Oh, okay ka lang?" alalay ko sa backpack na bitbit niya. Mukhang ang layo kasi ng nilakad niya eh. "Oo, ayos lang ako. Thanks," nakangiting sagot nito. Nagpahinga lan

