The next day, as usual, papasok ang Mama sa trabaho at ang anak ko papasok sa school. Maganda na ang panahon ngayon at makakabisita ako sa sementeryo. Death anniversary ng Papa ni Fria ngayon, at noong nakaraan lang nalaman ko na nag-migrate na buong pamilya niya sa ibang bansa kaya kawawa naman baka walang dumalaw. Didiretso na rin ako kay Papa. Binibisita ko ang Papa ni Fria simula nang mamatay ito. Hindi ako iniwan. Ako ang nang-iwan. We were so young back then, and besides, ayokong madamay siya sa kamiserablehan ng pamilya ko. Masayahin siyang tao, ‘yon nga lang masyadong babaero na sabi niya magbabago naman siya kaso, mahirap maniwala at sumugal don kaya inunahan ko na. Lately, nalaman ko na marami na pala siyang panganay. Good riddance! Divah! Namitas na ako ng bulaklak para m

