Kinabukasan, maaga akong nag-ikot sa kwarto para i-prepare ang mga lalabhan. Tapos nagluto lang para makakain at nang makaalis sila papasok sa school, naglinis lang ako ng konti, sapat lang kasi nakapaglinis naman kahapon, ehe! Hinakot ko na sa likod ang mga lalabhan. Nagpatugtog ako, syempre, pampagana. Dapat magsusulat ako ngayon kaso wala talaga ako sa wisyo. Di ko alam kung saan huhugot ng lakas para sundan ang chapter. Though, kung iisipin eh mas dapat mas inspired ako sa mga nangyayari sa buhay ko kaso bakit mas na-stress ako. Abnormal! Nagsimula na akong magbanlaw para maisalang na sa washing machine pero chineck ko muna kung malinis. Ibinaba ko ang hose ng washing machine para maalis ang lamang tubig at nilinis ko muna. Maarte kasi ako talaga sa paglalaba. Todo effort ako sa

