“TEKA!” sigaw ko saka pilit na binawi ang kamay ko kay Liam. Akala ko, di na siya babalik simula nong usapan namin kahapon kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko na bumalik siya. “Bakit?” nagtataka pa siya kung bakit binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. “Anong sinasabi mo?” naguguluhang tanong ko. “Mag-apply tayo for examination. Kukuha tayong requirements.” “Nasisiraan ka na ba?” “Hindi!” “Malabo Liam. Gusto ko pang humaba ang buhay ko.” “Sino ba ang may sabi na babiyahe ka?” “Ha?” tanging sabi ko dahil malakas na ang kabog ng dibdib ko. “Athena! Hindi ka ba talaga nagbabasa o nanonood manlang ng balita?” “Hindi. Iwas stress.” At ayon natawa na naman siya. “Athena, ibinalita kagabi na napagkasunduan ng mga nasa taas na magkaroon ng mga espesyal na exams kada probinsiya p

