Nakabuntot sa likuran namin si Liam habang nag-babiyahe pauwi. Ewan ko, mas sigurado kasi akong safe kay Trave. Though, alam kong unfair at masakit kay Liam pero wala eh. Kesa naman lamunin ako ng anxiety ko. Nang makarating sa bahay, dali-dali akong tumakbo para mapatay yong rice cooker, yong mga bata, tulog sa sasakyan. Samantalang dinig ko ang gigil sa pagsara ni Liam ng pinto ng sasakyan ni Papa mula sa garahe kahit nasa kusina ako. “Uwi ka na?” tanong ko kay Liam nang makatakbo na ako pabalik sa terrace kung saan nakaupo si Trave. “Ha? Asa kang iiwan kita rito sa hilaw na half-ensaymada na yan?” Sagot niya habang pinupunasan si Papay---yong sasakyan ni Papa.. Natawa naman ako ng bahagya sa biro niya. Sira-ulo rin eh. Bumaling ako ng tingin kay Trave at bakas sa mata niya ang p

