Nanghihina man ang katawan dahil sa mga nakita ko kagabi, kailangan ko bumangon at mag-asikaso para sa pagpasok nina Mama at Fria. Nanatili lang akong tahimik at nakatungo sa buong oras nang pagluluto hanggang sa makapasok sila. Di ko magawang makatingin kay Mama dahil pa rin sa nakita ko kagabi. Nang makasakay si Fria, umuwi na ako at nagsimulang maglinis sa bahay. Wala talaga akong kagana-gana, tapos konti na lang talaga, maiiyak na naman ako. Hanggang sa magulat ako. “Hello!” Pagharap ko, napakalaki ng ngiti ni Liam. Sana all talaga, hindi masyado naaambunan ng stress. “Hello.” Sagot ko pabalik habang pilit na ngumingiti. “Ready ka na?” “Ay oo nga pala no?” “Ako na ang magtutuloy nitong nililinis mo.” “Ok na. Hindi naman siguro tayo aabutin ng maghapon sa pag-apply di ba?”

