" Hi Mam. Good evening. Kamusta po? Yung usual po ba? Meron pa po ng favorite part niyo." Bungad sakin ng cashier na kakilala ko na dahil simula college ay lagi niya akong sinasaway dahil sa katatambay ko bilang kawatan ng libreng yelo.
Nasa convenience store ako, ilang metro lang ang layo mula sa pinanggalingan kong hotel. Sa wakas nakalanghap rin ng maayos na hangin. Di talaga ako tatagal sa ganong klase ng environment.
" Ah. Sorry pass muna ko. Binubuni na ako kakamanok."
" Ahahaha. Mam talaga" Natawang saad ng cashier. Sanay na siya sa mga banat at pag-uugali ko pero lagi pa rin siyang natatawa sa tuwing magkakausap kami.
"I feel like eating CS foods." Sabi ko saka inilibot ang tingin sa buong convenience store.
"Ah ok sige po Mam."
"Pero bayaran ko na rin yong chicken tapos iuwi mo na. Ok na yon."
"Nako salamat po Mam."
Ok. Good deed.
Naglibot ako at makalipas ang matinding pagsasayang ng isang oras ng buhay ko … syempre uwian na ulit.
Naglakad na ako para ipa-counter ang mga pinamili ko nang maramdaman kong mag-vibrate ang phone ko.
[phone vibrating]
1 message
[phone vibrating]
2 messages
[phone vibrating]
3 messages
[phone vibrating]
4 messages
Psssh. Di ko mapigilang mapailing habang nag-iiscroll ako sa cellphone ko.
[ Uwi na. Malalate ako sa lakad ko. - Ma]
As expected, si Mama. Nalimutan ko na may lakad nga pala siya.
Mabilis kong pinacounter ang mga pinamili ko at yong isang bucket ng chicken saka nagmamadaling lumabas para maglakad na pauwi. Kung matatagalan pa ako ay paniguradong matinding gulo na naman ang hahapunanin ko.
Hindi alam ni Mama na pumunta ako sa reunion, kasi panigurado, manggagalaiti lang yon at di na ako papupuntahin dahil ipangangalandakan ko pa ang kamalasang nangyari sa buhay ko.
"Aray!" Reklamo ko nang may makabunggo ako sa paglabas ng pinto nitong convenience store.
" Sorry. Sorry." Kabadong salita nong nakabangga ko.
Napailing na lang ako dahil bakas sa boses niya ang pagiging mahinang tao. Nilagpasan ko na lang iyong lalaki at di na ako tumingin kasi ayaw kong nakakakita ng kagaya ko. Sa panahon ngayon, ang mga mahihinang kagaya ko ang nagsasabi ng sorry. Mga kagaya kong madaking abusuhin dahil naniniwala pa rin sa kabutihan ng tao. Kaya, kahit labag sa loob ko, mas mabuti pang magpanggap na masama at mag tigas-tigasan. Kunwari, malakas at matapang.
Pero sa kabila naman ng lahat na ito, lahat ng pagpapanggap ko, may isang totoo sa buhay ko. Lakad at kilay pa lang niya, ewan ko na lang. Nakakatawa na malayo pa lang siya.
"Hooy ano, balak mo ba magpakamatay? Anong oras na? Di ka pa kumakain. Aanuhin mo yang sobrang daming junks na yan? Bawal yan sayo. Ta..."
" Oooh. Galit na naman kilay mo. Relax ka lang. Baka hindi ka tanggapin sa simabahan niyan." Biro ko pa nang pigilan agad ang nagbabadyang sermon niya.
" Siraulo. Nag-alala lang. Tara sakay na. Iuwi na kita."
" Yes mam. Selemet."
" Ge."
" Ooooh ang sweet mo talaga."
" Tigil."
At nagtawanan na lang kaming dalawa saka sabay na sumakay ng kotse na minamaneho ng kaaptid niya.
Bestfriend ko. Si Jali. For me. Pero sabi nga niya, simula college, wag ko raw iisiping magkaibigan kami.
6 years ago, I met her. Third year college. I can't remember how it began pero siya yung babaeng walang alam na kasweetan sa katawan pero if you get to know her, she' s crazy.
And since then, she's my only truth at ngayong papasok na siya sa pagmamadre, ewan ko ba. I am happy but at the same time, ewan, diko alam nararamdaman ko.
Nang makarating sa bahay ay hindi rin sila nag-stay dahil mag-gagabi na kaya yon, back to my old shitty life. Nagpaalaman lang kami at nagbigayan ng malalim na tinginan.
"Ang tagal mo." Si Mama na kanina pa naghihintay. One of the great reasons bakit napakalungkot akong tao.
"Sorry, nagpahangin lang po,"
"Nagpahangin! Aalis na ako. Mag-ayos ka na at darating ang mga kapatid mo!" maiksing saad ni Mama saka ay nagmamdaling lumabas ng bahay.
Ngumisi na lang ako at nagtungo sa kwarto para magpalit. Ramdam ang kakaibang pagod. Napangiti na lang ako ng mapait dahil sanay naman na ako sa mahina kong katawan pero bakit naaasar pa rin ako na malabo nang maging normal ang buhay ko.
Three years ago, muntik na akong mamatay. Di naman na ako nagpacheck up dahil alam kong isusumbat na naman sakin ang gastos.
" Waaaah. Ang saya namang pas..."
[phone vibrating]
Natigil ako sa pagda-drama nang makita kong may nagpop-up na message sa cellphone ko.
Shoot! Si Ate. Patay. Masasabon ako ng sobra pagka nalaman niyang di natuloy ang Christmas S*x na pinlano niya para sakin, na ginastusan pa niya ng sobra.
Well, may rason naman ako. At reasonable naman yon. May batas naman kami na walang tatalunin na kapwa babae dahil alam naman namin ang pakiramdam ng niloko. Alam namin ang sakit at nangako kami na hindi namin yon gagawin sa ibang babae.
But it's not her. Number lang.
[ How are you today? - Unknown number ]
Huwaaat?
Sino to?
Me pinagbigyan ba si Jali ng number ko?
8 persons lang sa contacts ko.
Psssh...
Pero sabagay wala naman ako ginagawa.
At diko naman siya kilala...
[ Well. Today I am... lost! Ang hirap pala i-reset ng priorities mo kapag di nag work-out. Di ko na alam kung san magsisimula ulit. Papano pa sisimulan ulit. Shet. - Me] Sent.
Oh ha. Ewan ko na lang kung magreply pa siya. No one now dares to care about other's drama in life.
Pagkasend ay natulog muna ako para magpahinga.
I woke up almost 7 pm and di na nagtext back yung unknown number. Haaay mang-iiscam siguro. Tsk.
Nakita kong tulog rin ang Mama sa kwarto niya. Maaga siyang nakauwi ngayon. At halatang pagod na naman siya. Sana all pinapagod!
Nagtungo ako sa kusina para magpakana ng hapunan nang pag dumating ang mga kapatid ko ay kakain na lang. At para di masabon ni Mama dahil imbes na maglinis ay natulog ako.
Sa bahay ng mga lola matutulog ang anak ko. Pinagpaalam na nila si Fria kaninang umaga pa.
Habang nagpapainit ng kawali ay nagbukas ako ng tv, saka binuksan ang laptop ko para macheck ng stock market at mga bali-balita sa maraming mga bagay habang nagrerelpy sa mga chat ni Jali at mga comments ng viewers ko.
Ito ang normal na buhay ko.
Dali-dali akong bumalik ng kusina para magluto. Nagpasya na rin akong magluto ng kahit anong pwedeng pagsaluhan mamayang noche buena.
Simula nang mawala si Papa at nagsialisan na rin ang mga kapatid ko para magtrabaho sa lungsod, ako na ang namamahala sa lahat ng gawaing bahay, lalo na ang pagluluto. Sabagay, di naman marunong magluto si Mama kaya no-choice.
Dadalhin ang kani-kaniyang handa sa bahay ng mga lola para doon magsalo-salo ang lahat. Iyon na ang nakagawian. Pero ang di ko lang lubusang matanggap ay taon-taon na lang ay ganon ang ginagawa ng pamilya pero hindi para magsalo-salo at magkasiyahan kundi ipaalam sa buong baryo kung gaano karangya at makapangyarihan ang pamilya namin. Nakakaumay na magyayabangan na naman lang roon ang mga tita at ibang mga kakilalana imbetado sa kung gaano sila kaswerte sa kani-kanilag mga anak.
Kaso, nang iluluto ko na ang huling putahe ay nakarmdama ako ng matinding pagkahilo.
Siguro sa init at pagod.
Mabilis kong pinatay ang kalan at gas sabay nagtungo pabalik sa kwarto ko.
Pinilit kong makatulog at nagising na lang ako ng alas-dos ng mdaling araw. Nabalikwas ako sa pagkakahiga at nang makita na tulog na tulog na sila, napangisi na lang ako. Nakakatawa ang pasko namin. Panigurado, masaya pa sila na nakatulog ako! Na wala ako kanina sa noche buena.
Lumabas ako para kumain at natulala na lang sa labas ng bintana habang kumakain ako sa sala namin. Malakas at malamig ang simoy ng hanging pasko. Tulog na ang lahat, lalo at probinsya to.
Di ko maiwasang mapangiti kahit mag-isa ako. Nagising na naman ako. Kala ko ay hindi na ako magigising sa tindi ng hilo na naramadaman ko kanina. Kala ko ending na.
Grabeng bubble thoughts to, ang encouraging.
[phone vibrating]
1 message
Wow. Gising pa si Jali? Imposible yon.
Miss siguro ako. Aba, baka babati!
Tiningnan ko at yong unknown number kanina na nag-text sakin.
[ It's okay to get lost. While being lost, sometimes you get to see new things. New things perfect for revisions. So you don't have to worry where to start again. Goodnight. - Unknown Number]
What?
Napangiti ako.
Ramdam ko ang pagrahan ng simoy ang malamig na hangin mula sa bintana namin. Nakakagaan lang ng pakiramdam ang ganitong mga panahon. Nakaka-relax ng sobra-sobra.
Kahit paano ay napawi ang lungkot na, mukhang malabo nang dumating ang isang pasko na magdiriwnag kami nang payak at masaya lang. Nag-uusap-usap, nagtatawanan. Hindi status sa buhay ang usapan kundi mga nakaktuwang mga bagay. Tuwing pasko na lang kami kasi nabubuo pero parang wala rin.
Pero salamat sa kung sino mang to na namaling mag-text sa akin ngayong pasko. He's the second nicest thing that happened to me.
[ Merry Christmas! ] Reply ko saka nagtungo na pabalik sa kwarto ko para magpahinga na ulit.