Maaga akong nagigising tuwing umaga. Pagkatapos ko mag-ayos ng kama, naghahanda na ako ng umagahan.
Habang nagluluto, in-exercise ko na ang brain ko sa pagsusulat. Siyempre, kahit ilan lang naman ang viewers at taga-panood sa online channel ko, gusto ko pa rin ibigay ang 100 percent dahil ito talaga ang gusto ko, ang magsulat ng mga kwento at ibahagi sa mundo.
Magsisimba ang pamilya ko ngayon. Nakagawian naman na kinabukasan ng pasko ay nagsisimba.
Matagal-tagal rin bago ako nakapagdesisiyon na magsimba ulit kasi ang hirap ko talaga mag-biyahe. Lagi akong nahihilo. Sobrang sakit pati ng ulo ko pagka masyadong malakas ang tunog.
“Hoy! 'Yong niluluto mo baka masunog. Sinasabi ko sayo ha, 'yang mga walang kwentang ginagawa mo, ilugar mo. Sobrang tagal mo bumangon para magluto, baka mahuli tayo sa misa.“ Napaka-sweet na bati ng Mama ko.
Dati, baka nasira na mood ko kaso, for 20 years, simula nang maunawaan ko ang mundo, ganyan na siya. So immune na ako. Wala ng bago. Besides, nag-gaganyan lang naman siya pag may away sila ng bagong jowa niya.
O, diba? Daig pa ko ng Mama ko.
Isinara ko na agad ang notebook na pinagsusulatan ko para wala ng away. Paskong-pasko naman eh di, pagbigyan na natin siya.
Dinali-dali ko na magluto at inihanda muna ang mga kailangan nila saka ng anak ko para sa pag-simba.
Nagpahuli na ako. Nauna na sila sa simbahan kasi pag nagpaintay pa ako, marami na siyang naging kasalanan bago pa man makapag-simba. And I don't want that to happen. I am saving her energy.
Sa labas na ako pumwesto sa simbahan. Medyo light lang naman ang dating ng tunog ron na dulot ng mga choir na nakapwesto sa second floor ng simbahan.
After an hour and few minutes, natapos rin ang misa. Sa dami ng tao, sa sasakyan na lang namin ako nag-intay. Kaso, fifteen minutes na eh, wala pa sila.
“Pa, as always,” bulong ko mag-isa sa sasakyan.
Priniserve namin ang sasakyan ng Papa, bilang alaala niya. Maganda pa rin naman. Sabi nga niya, basta tumatakbo, ayos pa yan.
Nakakatulog na nga sana ko nang maulinigan ko ang boses ni Mama.
" Si Athena? Nako, wala na ata akong pag-asa sa anak kong yon. Nakasumpa ata talaga ang buhay ko na maghirap habang-buhay. Tingnan mo naman itsura ko, di na ako magkanda-ugaga sa pag-intindi sa bahay, may trabaho pa. Di na nga makatulog.“ Daing niya.
Ok!
Wooh!
Hinga!
Woooh!
Inhale!
Exhale!
Luha, mamaya ka na sa bahay ok?
Nako, nanginginig na ang kamay ko, sumasakit na ang dibdib ko.
Athena, wag dito. May pangarap ka pa. Fria still needs you. Mag-jojowa ka pa ng pogi. May abs. Maganda ang ngiti.
“Aray!“ biglang ungot ko nang mabaling ang pag-iisip ko sa tumamang sapatos sakin.
Sapatos ng batang babae.
Lumingon ako sa paligid pagkatapos kong pulutin ang sapatos.
Inilibot ko ang tingin ko hanggang sa tumigil ito sa isang bata na nakatitig ng masama sakin.
Nag-mwestra ako sa pamamagitan nang pagturo sa sarili ko, kung ako ba yong tintitigan niya ng masama. At kita ko naman na tumango siya.
Bumaba ako sa sasakyan at naglakad papalapit sa kanya na nakatayo lang sa concrete bench ng kumbento.
Angas nitong batang to. Kung pagbabasehan ang itsura niya, mga six or five to. Halos ka-edad lang ng anak ko.
“You!“ bungad niya. “You look stupid a while ago inside that old, trashy car, so I decided you help me find my Daddy.“ Sabi niya pagkatapos ko maiabot ang sapatos niya.
WHATTTT?
Di manlang nagpasalamat to.
Ok, kalma. Bata lang yan. Sabi ko na nga ba, kahit mga bata ngayon eh, marunong nang manakit ng damdamin.
Kung alam lang niya.
“Me? Stupid? And you're asking me to help you after insulting me?“ Buong pagtitimpi ko.
“Yes. My uncle told me, that in times of need, ask help to somebody who looks the most stupid. He said they are most likely to be the good persons.“
Aba! Marunong bumawi.
“Well, your uncle is wrong. You happen to ask someone who takes children inside that old, trashy car, and sell their organs.“ Nagloloko kong sabi.
Pwes. Sira-ulo rin ako. Kung meron man akong hilig gawin eh, magpaiyak ng bata. Hahaha. Anak ko nga eh. Pero, siyempre, nang-aasar lang ako. Makabawi manlang.
“Really? You don't look like one.“
Wow. Wala? Di manlang siya natinag.
“Yeah, I am.“
“Whatever. So, will you help me?“
Wala talaga. Naiinsulto ako ah. Di to pwede.
“No. I just returned your shoes. Ask your Mommy for help. Oh, what a shame, she doesn't even know your lost.“ Medyo over-the line na sabi ko.
At kita ko ang pagbago ng expression ng mukha niya.
Sumama na ang mukha niya.
At ayon na nga, umiyak na siya. Pero, iyak na di tulad ng mga usual na pag-iyak ng mga batang kasing edad niya. Na sobrang eskandalo na ng dating.
“Oh my. Sorry! Sorry! Nako, sorry na! Ano gusto mo?“ aligaga kong sagot kasi yari ako pag nakita ako ni Mama na pumatol sa bata.
“Just leave.“ Talagang napakalungkot na sabi niya.
Shet. Di ako ready. Sobrang mali ako ron.
“I'll help you! Let me help you. I promise that I will return you to your Daddy.“ Sabi ko saka unti-unti siyang tumahan.
“Promise? Just make sure to never break it.“
Takte, ang bata pa niya para maging sobrang lalim na ng hugot sa buhay.
“Stay here! Saglit lang. Kukunin ko lang phone ko.“
Dali-dali akong bumalik sa sasakyan at kinuha ang phone ko saka dumiretso kay Mama at sa anak ko. Nagpaalam lang ako.
Free ako ngayon kasi, pwede naman nila i-reheat na lang ang mga pagkain na inihanda nong noche buena.
Tumingin lang si Mama kasi di naman siya makakapag-comment sa harap ng mga friends niya.
Pagbalik ko don sa bata, binuhat ko na siya saka nagsimulang maghanap.
Kaso, paunti ng paunti ang mga tao, maging ng mga sasakyan sa simbahan kaso di pa rin namin makita yong Daddy niya.
Halos magtatanghali na ng mapagdesisyunan ko na yayain muna siya kumain.
Pero, dahil nga ibang klase ang utak nitong batang 'to, sa conveneience store, ilang metro lang ang layo sa simbahan kami nagpunta. Mas sigurado raw ang foods roon.
Pagkatapos namin kumain, nagsubok kaming maghanap sa may park na malapit sa tabing dagat, katapat ng simabahan, ilang metro na lakarin lang.
Wala rin don sabi nong bata.
Takte ang pagod.
Bumalik kami sa simbahan at nagtanong-tanong na sa mga sakristan ron at mga nagsi-serve sa simbahan, kaso wala rin.
Sa bilis ng oras, di ko namalayan na maghahapon na.
“Hey! Promise me, you'll be brave. Di kita papabayaan, ok?“ sabi ko sa bata at tumango lang ito pero kita ko na ang pagod sa mga mata niya.
“I'm sleepy!“ mahinang bulong niya.
“Sige. Sleep ka na muna.“
Habang naka-upo ako at naka-higa sa hita ko itong bata na ito, di ko maiwasang maiyamot. Anong klase mga magulang nito. Mag-gagabi na. O kaya, baka nahihirapan na. Kadalasan pa naman, pag hindi sa ampunan, sa mga simbahan madalas iniiwan.
Tsk! Ang sarap manakit! Sabi nga ng mga pinsan ko, mabangasan man lang kahit sa nguso.
Tumingin ako sa phone ko at mag-five na.
Tsk!
Binuhat ko muna yong bata papasok ngkumbento saka ibinilin sa pari roon na bibili lang ako saglit ng hahapunanin ng bata para pagkagising ay makakain na siya.
Dali-dali akong naglakad para makabili ng makakain. Kaso, kapag gabi na talaga mas rumarami ang tao sa convenience store.
Natagalan ako sa pagpila sa dami ng tao. Halos mga kalahating oras ako roon kaya halos matisod-tisod na ako sa pagmamadali ko pabalik sa simbahan.
Pagdating ko ron, wala na yong bata.
“Father! Yong bata po?“ buong takot na tanong ko baka kasi nalingatan.
“Athena, buti narito kana. Ilang minuto lang nang umalis ka, may lalaki na dumating at sumundo sa bata. Hindi ko agad ibinigay ang bata kasi baka mamaya eh masamang tao lang pero nang magising ang bata ay agad nayumakap ito at pinagalitan ang Daddy niya.“ Paliwanag ng pari.
Nakahinga naman ako kasi matalino naman yong batang yon. Kaya kumalma na siya na baka ok na nga ang lahat.
Nagpasya na akong umuwi at nagpunta sa sakayan ng jeep. Gabi na at di makakabuti kung magtatagal pa ako.
Nang makarating ako sa hintayan ng jeep, naupo ako sa isang bench na nakapwesto sa tabi ng street light. Kaso, di pa man naglalaon ako sa pagkakaupo ay nagsimula nang umulan.
"Malas talaga," saad ko dahil mabilis na lumakas ang ulan.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.
Patay! Si Ate Stella!
Kinakabahan kong sinagot ang tawag habang nakatingin sa malayo, pinagmamasdan ang mga nagsisidaanang mga sasakyan at dinarama ang malamig na hangin na umiihip kasabay ng malakas na ulan.
“Hm? What's up?“
“What's up? What did you do? Why did you leave again? Is your v****a still even working?“ rinig ng rinig ang dismaya sa boses ni Ate Stella sa kabilang linya.
“Sorry." Pabulong kong sabi nang biglang kumulog ng malakas.
“Whatever!“ inis na pagtatapos ni Ate ng tawag.
Ibinaba ko ang tingin ko sa phone ko habang napupuno ng mga patak ng ulan ang buong screen nito.
"Baka ako ang hindi na gumagana!" Malungkot akong ngumiti habang nakatitig sa malabong repleksyon ko sa screen ng phone ko.
Pero napansin ko na tumigil ang pagpatak ng ulan.
Kita ko sa screen ng phone ko ang isang payong.
Tumingin ako sa taas at sa gilid ko...
“Sayo na lang! Binigay mo kasi sa matandang babae yong sayo eh,“ sabi ng isang lalaki with all the smiles on his face. Isang binata.
Umupo siya sa tabi ko, sa bench sa jeepney station, inabot ang payong at walang pakialam na basang-basa siya ng ulan.
Hindi ko siya makita ng malinaw. Lumabo na kasi ang salamin ko sa patak ng ulan. Pero naaninag ko naman ang suot niyang polo na naka tucked-in sa itim na slacks. At di pa rin nawawala ang ngiti niya. Sa kauna-unahang pagkakataon, di ako naramdam ng pagka-insecure. Para bang okay lang na magmukhang walang-kwenta at mahina.
I know it's awkward that I am staring at him but that's only because I wanted to see him a little bit.
Ilang saglit na katahimikan iyon, at pagkatapos, pareho kaming nagtawanan.
"Ok lang! Malapit lang naman ang bahay ko!" magalang na pagtanggi ko sa kaniya at di nga naglaon ay may tumigil nang jeep at sumakay na ako.
Pagdating ko sa bahay ay walang tao, Siguro na kina lola na naman sila.
Nagbabad ako sa bathtub ng kwarto ko at halos doon na nakatulog pero naudlot ito nang may mag-text.
[ How are you today? - Unknown number]
Nagulat pa ako nang makitang yong unknown number na naman kahapon.
[Today…I am…happy!]