Chapter 5

1265 Words
Days after Christmas and New Year, back to normal na ulit. May pasok na ulit and my brothers went back to their lives at the city, at ako, as usual, kinukuwestiyon ko na naman kung bakit ba ginising na naman ako pero dahil may bagong buhay, bakit hindi isipin kung paano at saan ito sasayangin para maging mabilang ang araw. Tumayo ako para mag-stretch at tumingin sa phone ko. May pasok na rin kaya kailangan ko na mag-ready para kina Mama at sa anak ko. Teacher si Mama at nag-aaral naman sa grade-1 ang anak ko. Matapos magluto ay madali kong inihanda ng lunchbox nina Mama at Fria. Kumain sila at umalis ng bahay sa ganap na alas-siyete y media ng umaga at iyon ay karaniwan sa araw-araw. So, mag-isa na naman ako. Nakaka-stress pagmasdan ang landscape ng Mama. Nalimutan na niya ata na ito ang kanyang first love. Sobrang tataas na ng mga d**o. Haay! Swerte talaga dahil kahit papano, hindi pa na-coconsider ng mga ahas na gawing tahanan itong bunsuran namin. Ok, since halos kalahati naman na ang nasulat ko para sa update nong story ko, mag-aalis na lang muna ko ng mga d**o para naman makahinga ng konti tong bermuda grass namin. Nagpatugtog ako sa speaker ng bahay namin at dinig ko agad ang mga bwisit na buntong-hininga ng mga kapit-bahayan ko dahil sa sobrang lungkot ng mga kantang pianpatugtog ko. Di ko namalayan ang paglipas ng oras habang nag-aalis ako ng mga d**o nang maagaw ang atensiyon ko ng isang drone na nakasabit sa sanga ng mangga namin. " What the? Seriously. Sino namang abnormal ang nagpapalipad ng drone ngayon at dito pa talaga sa lugar namin ha?" bwisit kong tanong sa sarili. Lumingon ako sa paligid at wala naman akong nakita na abnormal na sumugod para kunin ang drone na ito. Peste. Bahala yang drone na yan. Dineretso ko na lang ang ginagawa ko pero kahit anong pagtuon ko sa pag-aalis ng d**o eh mas naririnig ko pa rin ang drone na hirap na hirap sa sanga. Tumayo ako at itinusok sa lupa ang kutsilyong pinang-aalis ko sa d**o saka naglakad papalayo para makahanap ng mahabang pang-sungkit kasi di naman ako marunong umakyat. May fear of heights ako. Nakabalik agad ako dala-dala ang panungkit at sinubukang alisin ang drone. “Ay putek, ano, makisama kang drone ka kasi kung hindi, wala kang magiging pakinabang kapag nagalit ako.“ Iyamot na sabi ko habang pawis na pawis na sa pagdiskarte kung saan ba ang mas magandang pwesto para makuha tong drone na. “Asan ba amo mo?“ sigaw ako ng sigaw. Panigurado, tatawanan na naman ako ng lola pagkatumambay ako mamayang hapon. “Takte, ang hirap mong pakiusapan. Nako, pag-ako namatay, sinasabi ko sayo, ikaw ang sasagot sa lahat ng maiiwanan ko,” sigaw ko ulit sa drone habang sinisipat yong puno ng mangga kung saan magandang umapak para makaakyat. Lalo ng lumala ang pag-pawis ko kasi never sa buong buhay ko ang tangkain na umakyat sa puno. Tapos ngayon, may sakit pa ako. O, san ka pa. Nang sa wakas ay makuha ko ang drone at makababa sa puno na di naman kataasan talaga, pero nga sa mga taong nagsa-suffer ng mga fear of heights, grabe ang dulot nitong stress, daig ko pa ang nanalo sa lotto. Sobra ang pagka-proud ko sa sarili ko. “Shet! Did you see it? I saved your drone and you owe me one.“ Tuwang-tuwang sabi ko sa drone. Inalis ko lang yong mga nakasabit na mga dahon ang mga maliliit na sanga sa drone para makalipad na siya. Ibinaba ko siya sa ground namin at naglakad na ako pabalik sa ginagawa ko kaso, nakakailang minuto na ako sa pag-gagamas eh hindi pa rin ito lumilipad. Hinayaan ko lang ulit hanggang sa umakyat na ako para magpahinga eh hindi pa rin ito lumilipad. Nakapagligo na rin ako at lahat kaso wala. Low-bat na ata? Kaso baka naman mamali ako sumabog pa ako rito. “Teka! Siguro hindi ka legit ano?“ natatawang sabi ko ulit sa drone habang nagsusuklay ako ng buhok at siniyasat ko pa ng mabuti itong drone. “Ba, may brand name ka naman. Sige, hanapin kita sa online. Pag di ka legit, benta ta na lang sa nagbobote-bakal, pero kung legit ba, may pakinabang ka ng bongga.“ Diretso pa ang salita ko habang nag-scroll sa phone. “Haha! Ang lungkot ko na ata talagna tao pati drone, pinagtyagaan ko ng kausapin.“ Bulong ko ulit. Hanggang sa matigil ako sa pag-scroll at napalaki talaga ang mata ko. Itong-ito yong drone. Mahigit kalahating milyon? Seryoso ba to? Nanindig ang balahibo ko sa nababasa ko. “Shet! Kailangan kita maisauli sa amo mo. Baka mawala sa katinuan yon pagka hindi ka nahanap. Takte, ang mahal mo.“ Sabi ko saka dali-daling kumain ng pananghalian at saka nagsimula nang maglakad hawak-hawak ang drone. Nakakatakot magtanong kasi madami na ang oporunista ngayon mahirap na. Sabi naman sa specs ng drone, in case nga na mawala, trying to walk until ma-reach ang certain dsitance na maka-connect na ulit ang drone sa control nito, ok na. Pero dahil nga medyo natagalan ako bago nakalabas ulit, nawala sa isip ko na may hinahanap nga pala ako. Napasarap ang tambay ko sa ihawan, tapos naglakad-lakad na rin ako sa park hanggang naapg-pasyahan ko na maglakad na sa tabing dagat. “Waaaah! Ang sarap ng buhaaay!“ sigaw ko habang pinagtitripan yong drone na parang nagva-vlog ako. May nakita akong ice-cream vendor sa labasan nitong park at kumain na naman ako. Halos, magkanda-amos na ako sa sobrang saya ko talaga. “Hello sa may-ari nitong drone. Hahaha. Tapos pogi may-ari nong' drone no? Yieeeee. Pwede akin ka na lang?“ tawang-tawa pa ako sa pag-kausap sa drone. Yeah, I'm a weird person but I like that about me. Lowbat naman to so, yeah. Para naman di isipin nitong mga tao na nababaliw na ako. Nakita ko yong hanging bridge na may mga magagandang memories non, di ko talaga napigilan na puntahan. “Waaah! Grabe, kahit ang tagal na, andito at andito pa rin. Atleast, good memories.“ Nakangiting sabi ko kahit medyo bumabasag na ang boses ko. Nagulat na lang ako nang may tumunog rito sa drone saka nagsimula nang umikot yong elisi. “Yesss! Go, fly away!“ masaya kong sigaw kasi makakauwi na yong drone kaso dahil may kaakibat talaga akong kamalasan, sa sobrang lakas ng hangin dito sa hanging bridge, eh napasabit ang ilang strand ng buhok ko sa drone kaya talagang napasigaw ako sa sakit. “AY ANG SAKIT! SAGLIT!“ Pilit kong inaabot yong drone, na siguro nagkakaproblema rin dahil sa lakas ng hangin. Umabot na kami sa may dulo ng bridge bago tuluyang nawala sa pagkakasabit itong buhok ko at tuluyan nang nakalipad ang drone. “Ge, salamat ha!“ sabi ko pa pagkatapos na ma-stress sa nangyari. Pag-uwi ko, sakto palang uwian na nina Fria kaya inintay ko na siya makababa mula sa service. Pag-uwi, tinapos lang namin ang mga assignments niya, nagprepare para sa hapunan, at ayon malaya na ulit ako. Nag-sulat na lang ako hanggang lumalim ang gabi kasi update na ulit bukas. [phone vibrating] [How are you today?-Unknown number] Aba, di pumapalya si Uknown. [Today, I am…happy. I decided to get lost for a while.] Sent. Matutulog na ako nang mag-message ang kapatid ko na sikat na nga raw ako. May kasama pang link na agad ko namang binuksan. “WHAAAAAAT?!“ halos mangisay ako sa gulat. Ako nga. At nasa-vlog ako nitong vlogger na ito. SHIIIIIT!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD