“I’m going over to Thiff this coming weekend. I want to tell her personally.” Masayang saad ni Ate Jhibi paghiwalay namin sa pagkayakap. "Ahm, I don’t think it’d be a perfect plan for now. She’s in a little bit of chaos?” alanganin na sagot ko kay Ate Jhibi. “Broken hearted na naman siya?" “Something like that.” “Si Thiffey talaga, pano kasi wala na atang talent kundi ang saktan ang sarili!” “Hayaan na lang muna natin si Ate Thiff. Alam mo naman yon, mamalay tayo, inlove na naman yon. Aahon na ako Ate ha, nilalamig na ako ng sobra,” sabi ko at tumango naman si Ate bago nagsimulang maglakad paalis sa dagat. “Oy! Saan ka na?” tawag ni Liam sakin. “Sorry, aahon na ako at ako ay nilalamig na ng sobra. Mag-enjoy ka,” sagot ko sa kaniya na hindi manlang siya nilingon. Busy na ako lamig

