Sinamahan ko ang grupo nina Liam sa likurang-bahay, sa isang magandang personalized cottage sa tabi ng pool para makapag-review. “Oh, dito na muna kayo. Kakayod pa ang Ate niyo,” paalam ko at nagsitawanan naman ang lahat maliban syempre don sa only girl. Tumalikod na ako at saka nagtungo sa kwarto ni Avery. Nag-aaral na sila sa loob ng munting tent ni Avery. Kahit tumigil na ako sa pagtuturo kay Avery sa online school, nagtuturo pa rin naman ako sa kanila personally at bayad iyon. Tumatanggi na ako pero nag-insist si Trave dahil nagpagod pa rin naman daw ako. “Hello. Start na tayo?” masaya kong sabi pagkatapos kung maupo sa bungad nong tent. “What took you so long anyway?” galit ng sabi ni Avery. “Sorry.” “Whatever. And…next time, learn to give us a heads up when you are going to b

