Chapter 4

1633 Words
DYNRYLLE’S POV Dahil nga wala na akong trabaho ay nanatili nalang ako sa bahay,dahil yun din ang gusto ng mag kapatid, at katulad ng inaasahan ko ay palagi na akong sinasaktan ni nanay lalo na pag lasing ito,napag bubuhatan nya ako ng kamay at pinag sasalitaan ng kung anong masakit na salita na ngayon ko lang narinig, dahil nga wala na akong pera na ibinigay sa kanila. Si tatay naman ay di na ako pinapansin, panaka-panakang tinititigan lang ako nito pag pinapagalitan ako ni nanay pero maliban doon ay wala na itong ginagawa. Pagkatapos ko mag linis ng bahay at mapakain ang mga alaga naming hayop ay agad na ako umalis ng bahay para pumunta kay Wade, sabi kasi nito kahapon ay gusto nya daw mag usap kami,tulog naman na si nanay kaya malaya akong makakalabas ng bahay. Nang makarating ako sa daan nandoon na nag hihintay ang sasakyan ng mga Vargaz,nakatayo sa labas si Wade at nakangiti pero nang makita ang sugat ko sa labi at bagong pasa sa braso ay naglaho ang ngiti nito at napa buntong hininga. “Anong pag uusapan natin?”tanong ko dito. “That b***h”galit na ani nito habang nakatingin sa katawan ko na napuno na halos ng pasa. “I told you kaya kita protektahan,bakit ba paulit-ulit mo parin silang pinipili tingnan mo nga ang ginagawa nila sayo” Galit ito, nakikita ko yun sa mga mata nya. “Alam mo ang sagot ko dyan Wade”maikli kung sagot dito at pilit na ngumiti dito. Lumapit naman ito saakin at agad ako kinulong sa bisig nito. Habang nasa sasakyan ay ginagamot ni Wade ang mga sugat ko sa kalmot ni nanay,sa bawat dampi ng gamot na nilalagay dito at napapangiwi ako ay kasabay naman nun ang mahinang pag mumura nito.Nang sa wakas ay matapos ito ay sinabi nito sa driver nito na tumigil na ito sa pagmamaneho,nang makalabas ng sasakyan nila kaming dalawa ay nakita kong nasa isang parke kami, agad ako nito inalalayan mag lakad papunta sa isang malaking puno,agad kami umupo na dalawa habang nakatingin sa nagtatakbuhan na mga bata na katulad lang din namin pero ang pagkakaiba ko lang sa kanila ay malaya silang nakapag laro,walang problema,di sinasaktan ng magulang at nakakapag aral. “Sinabi ko na kina dad na gusto ko pag aralin ka nila”panimula nito na ikinagulat ko. Napatingin ako dito at nag tatakang hinihintay ang susunod nya pang sasabihin,bakit niya yun ginawa?masyadong nakakahiya yun di naman nila ako responsibilidad. “Kuya also agreed to my decision nag offer pa nga sya tutulong sya sa pag tutor sayo para makapasa ka sa entrance exam, he also want you to live with us para makapag aral ka ng mabuti, tyaka kana bumalik sa inyo pag tapos kana mag aral”mahaba nito sabi habang nakatingin sa malayo. Kunti lang naiintindihan ko dito pero mukhang gusto nitong sakanila ako manirahan pansamantala habang nag aaral ako na mukhang gusto ko tanggihan lalo’t nahihiya ako sa pamilya nito,ayokong isipin ng mga magulang nito na sinasamantala ko ang kabutihan ng anak nila sa akin. “Pero di tama yun Wade di nyo naman ako responsibilidad,di mo kailangan gawin yun nakakahiya naman sa mga magulang mo.”sabi ko dito habang nakahawak sa braso nito. “My mom agreed to it,and I just want the best for you”sabi nito saka tumingin sa akin. “Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sakin,magkaibigan na tayo simula ng mag trabaho ang nanay mo sa amin, kaya bakit ka mahihiya?isa pa mahal ka ng mga magulang ko” Napayuko nalang ako at di makapaniwala sa mga sinasabi nito, anong ginawa ko para magkaroon ako ng ganitong kaibigan. “Dyn,please live with us, doon walang mananakit sayo”masuyo nitong pangungumbinsi saakin. “Paano sina nanay?sinong mag aalaga sa kanila?di marunong mag luto sina nanay at tatay,laging wala si tatay sa bahay kaya sino ang makakasama ni nanay pag wala ito sa bahay”nag aalala kung sabi dito. “Bakit ikaw ba inaalagaan nila?naisip man lang ba nila yun?” “Pero Wade magulang ko sila,sila ang bumuhay sa akin dito sa mundo,ang alagaan sila ang tanging magagawa ko para sa kanila.” Napabuntong hininga naman ito sa katigasan ng ulo ko na napapailing pa. “Di mo hiniling na mabuhay sa mundong ito,may choice sila tandaan mo yan,Oo magulang natin sila at dapat alagaan pero di naman sila naging mabuti sayo”pag papaintindi nito saakin. “Di ka nila minahal,di ka nila makuhang alagaan kaya bakit mo sila aalagaan at minamahal kung di nila yun ginawa yun sayo?” “Dyn hindi ka santo,alam kong mabait kang anak pero ang lahat ay may hangganan isipin mo naman ang sarili,maawa ka naman sa sarili mo.” Matapos ang usapang yun namin ni Wade ay ito ako iniisip ang lahat ng sinabi nito,alam ko namang ginagawa lang nya ito dahil mahal ako nito, bilang kaibigan pero ewan ko ba ang hirap nun para saakin intindihin at tanggapin di ko alam kung nararapat lang ba yun saakin. Kinaumagahan ay pumunta ang tatay nila Wade sa bahay na ikinagulat namin ni tatay may ediya na ako kung bakit andito si Mayor Fredirico Vargaz pero di parin ako nakakasiguro kung yun nga dahilan ayokong umasa. “Magandang umaga sa inyo hija”bati nito saamin. Agad naman sumaludo si tatay dito na agad naman nito tinanggap at ngumiti kay tatay. “Kamusta kana Angelo?”pangangamusta nito kay tatay na nakangiti. Seryoso naman sumagot si tatay kay mayor na ikinatuwa nito. “Mabuti naman kung ganun,di na ako mag papaligoy-ligoy pa at nandito ako para pag usapan ang anak mong si Dynrylle”panimula nitong sabi kay tatay na ikinatingin ng aking ama saakin. “Tungkol po saan mayor?” Agad ko naman inaya ang mayor at si tatay na maupo muna dahil ikukuha ko sila ng inumin na pina unlakan naman ng mayor.Agad ko naman sila iniwan para pumunta sa kusina at kumuha ng inumin nila at ng makabalik ako ay nag uusap parin sila. “Katulad ng sabi ko Angelo malaki ang maitutulong ng anak mo sainyo pag nakapag aral sya”sabi nito. “Kaya na pag desisyunan naming mag asawa na pag-aralin ito at kung papayag kayo ay sa amin muna s’ya titira para makapag aral s’ya ng maayos.” Matagal na katahimikan ang namayani at alam ko na pagkakataong yun alam kung di papayag si tatay sa sinabi ng mayor. At di nga ako nagkamali. “Naiintindihan ko po na mabuti po ang hangarin nyo sa anak ko,pero responsibilidad ko po sya at ayokong mapalayo siya sa amin ng ina nya.”sabi nito na ikinatango naman ng Mayor. “Naiintindihan kita Angelo, mahirap malayo sa anak pero kung para naman sa ikabubuti nito at para sa kinabukasan nya ay—- “Di po ako payag sa gusto nyong sainyo sya manirahan dahil masyado na po yung nakakahiya at ayokong abusuhin ang kabaitan ng pamilya ninyo,pero pinasasalamatan ko po ang kagustuhan nyong mapabuti ang anak ko”mahaba nitong pahayag. Napatango nalang ang mayor pero andun parin sa mata nito ang kagustuhan na mapag bigyan siya ng aking amain. “Di nyo kaylangang mahiya saamin Angelo lalo’t matalik na kaibigan ng bunso kung anak ang iyong anak at napalapit narin ito saaming mag asawa kaya sana kahit man lang ang kagustuhan naming pag aralin siya ay tanggapin ninyo”sabi naman nito saka tinignan ako at ngumiti saakin. At sa huli ay pumayag din ang aking ama sa kagustuhan ni mayor at kita sa mata nito ang saya na masaya ito na napag bigyan ito sa kagustuhan nito na ikinatuwa naman ni tatay, ng makaalis ito ay agad ako nito kinausap. “Narinig mo naman siguro ang gustong mangyari ng mayor natin” “Opo tay”sagot ko “Simula ngayon gusto kong mag aral ka ng mabuti para naman masuklian mo ang kabutihan nila sa pamilya natin”sabi nito ng seryoso sa akin. “Opo tay gagawin ko po ang lahat para makapagtapos ako ng pag aaral at makatulong sa inyo ni nanay”masaya kung sagot dito na tinanguan nya lang naman. Agad naman lumabas ng kwarto nila si nanay at nakakunot ang noo itong nakatingin sa amin ni tatay. “At talagang pumayag kang pag aralin nila ang pabigat na babae na yan—-ikaw na babae ka wala ka nang ginawang tama talaga no?”galit nitong sabi sabay tapon saakin ng nahawakan nitong bote ng gin na agad na tumama sa balikat ko Agad naman ako napahawak kung saan ako natamaan, masakit yun pero di naman ako nasugatan. “Ano ba?!Ano bang problema kung tinanggap ko ang alok ni mayor?bakit galit na galit ka?”bulyaw ni tatay kay nanay na halatang galit narin dahil sa ginawa ni nanay. Napasinghap naman si nanay tila di makapaniwala na ipinagtanggol ako ni tatay,dahil madalas ay tahimik lang ito at di nakikialam pero ngayon ay—- “At talagang pinagtatanggol mo ang babaeng yan?para saan pa ang pag aaral nyan kung sa huli mag aasawa lang din s’ya huli”mataas ang boses nitong sabi habang dinuduro ako. “Wag mo itulad ang anak natin sayo,kung ikaw wala kang pangarap sa anak natin,”sabi nito saka tinignan ako bago ulit nag salita. “ibahin mo ako gusto ko mapag tapos ang anak natin” Nang matapos yun sabihin ni itay ay agad ito umalis kaya galit na naman ang inay dahil kinampihan ako nito dahilan para saktan nya nanaman ako pero sanay na ako dun inaasahan ko na yun sa kabila ng lahat ng sakit isang sumisibol na pag asa ang nabuo sa puso ko,mahal ako ng tatay,mahalaga ako sa kanya,mali si Wade.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD