THIRD PERSON’S POV
Habang nasa trabaho ito ay pilit naman bumabagabag sa isip nito ang away ng magulang na naabutan nya di na bago dito ang mag away ang magulang ni Dynrylle pero parang may iba talaga na di nya matukoy kung ano, nakita kasi nito kung paano umiyak at nagmamakaawa ang ina nito habang nakaluhod sa tatay nya.
“Parang awa mo na,pakawalan mo na ako”
Pagmamakaawa nito sa kinakasama
“At para saan?para makahanap ka ng ibang lalaki?para bumalik ka sa dati mong trabaho?”
“Wala namang papa tungohan ang pagsasama natin ei,puro away at sakitan lang ang nangyayari bakit di mo pa ako hayaang umalis nalang”
Di nya alam ang rason bakit nasabi yun ng ina dahil ba pagod na ito sa tatay nya?pagod na ba sya pakisamahan kami?nagsasawa na ba ito sa buhay na meron sila?Di nya alam bakit ganun na lang ang pagmamakaawa ng ina at dahil nga nag away ang mga magulang niya ay nahuli nanaman sya pag pasok sa karinderyang pinag tatrabahoan niya dahil kaylangan nyang linisin ang mga basag na mga bote ng alak at mga baso mabuti nalang at sanay narin ang may ari at naiintindihan nito ang sitwasyon na meron ito.
“Bakit kasi ayaw mong lumipat sa bahay namin?dun mas maalagaan ka pa”
pangungulit ng binatang si Richard habang sumusunod sa kanya habang nag bibigay sya ng mga pagkain sa mga estudyante,kanina pa nagpupumilit ang binata na sa kanila nalang tumira dahil nga magulo ang pamilya na meron sya pero di nya yun kayang tanggapin lalo na di maganda yun tingnan ang makitira sa bahay ng iba at isa pa pinagsabihan na sya ng kaibigan na umiwas sa binata dahil sa mga kinikilos nito pag mag kasama sila.
“Manong di nga pwede”Pag tanggi nya dito saka nakangiting nilagay sa lamesa ang pagkain ng isang estudyante saka tumalikod para asikasuhin ang iba pang bumibili sa kanila.
“Bakit hindi?satingin mo ba di kita kayang alagaan?tyaka sa bahay di mo na kailangan gumising ng maaga para maghain ng pagkain dahil ako mismo gagawa nun para sayo”
“Aalagaan kita kasi yun ang nararapat,yun ang dapat sa katulad mo Dynrylle”
“Kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon patunayan ang sarili ko sayo,pangako di mo pagsisisihan ang desisyon na yun,alam mo kung gaano kita kamahal Dynrylle”
Mahabang giit ng binata saka hinawakan ang braso nya para makuha ang atensyon nya, malakas ang loob nito na gulohin ito dahil wala ang tiyahin at umalis muna ito saglit para bumili ng mga kailangan dito sa karinderya.
‘Ano ba yan ang tanda nya naman na para sa babae,di ba sya nandidiri sa mga sinasabi nya?’
‘Nako di na nahiya ang bata bata pa nga ng babae ay nilalandi nya na’
‘Grabe kakaiba din ang trip ni kuya ei bata pa talaga ang target nya’
Yun ang ilan na maririnig na bulong-bulongan ng mga tao na nakarinig sa mga sinabi ng binata di nya tuloy maiwasang mahiya para dito at kaya agad na inalis ang kamay nito sa pag kakahawak sa kanya di nya alam pero pakiramdam nya ay nandidiri sya dito lalo na sa mga sinabi nito,hindi na normal ang nararamdaman nito para sa kanya akala niya ay turing nito sa kanya ay isang nakababatang kapatid pero mukhang nag kamali sya.
“Nahihiya kaba?Kinakahiya mo ba ako ha?!”Tanong nito na mahahalatang may panggigil sa boses.“Ano ngayon kung mas matanda ako sayo?wala na ba akong karapatan para gustuhin ka dahil mas bata ka at mas matanda ako sayo?”
“Yes,and your acting like a predator to a child, you should be ashamed on how you act”
Biglang singit ng isang boses mula sa likuran ko at ng tingnan ko ang may ari ng boses ay nagulat ako dahil nandito ito.
Si Archilles Vargaz.
Ang nakakatandang kapatid ni Wade na kaibigan ko,seryoso ang mukha nito at wala kang makikitang kahit anong emosyon sa mata nito,dapat akong kabahan dahil sa pag titig nito pero bakit ganun?ang bilis ng t***k ng puso ko lalo nang mapunta sa akin ang tingin nito at sandaling biglang nag ka emosyon ang mga mata nito.
‘Sya yung anak ni Mayor Vargaz diba?’
‘Oo siya yung panganay na anak ni mayor, nako mukhang magkakagulo dito ah’
At mukhang narinig yun ng binata dahil biglang nagbago ang ekspresyon nito,kilala ang mga Vargaz sa Majayjay at nirerespeto ng lahat lalo’t maraming magagandang proyekto ang ama nila Wade isa pa alam ng lahat na pag kinalaban mo ang anak ni Mayor ay siguradong mananagot lalo na kung inapi api mo ang mga ito kaya nga siguro maraming gusto mag pabagsak sa pamilya nila mapa politika man yan o sa mundo ng negosyo pero lahat sila ay di nag tagumpay.
“From now on she will not work here anymore”
Seryoso nitong pahayag saka lumakad papasok sa karinderya at agad na lumapit sa akin.
“Lets go,ill take you home”
Sabi nito saka kinuha ang kamay ko at hinila ito paalis doon pero bago paman sila makalayo ay bigla naman may humawak sa kabilang braso ni Dynrylle para pigilan ito sa pag alis.
“A-at sino ka para mag desisyon para sa kanya?boyfriend ka ba nya?”
Tanong ni Richard saka pilit hinihila palapit dito
“Let go old man,i'm not like you, di ako katulad mo na nang aabuso ng mga batang babae dahil lang sa tawag ng laman,by the way how is your rape case?How come your out in public?alam mo bang kaya kita ipa dampot matapos mong pumunta sa bahay nila kahapon”
“A-Anong pinagsasabi mo?W-Wala akong alam sa pinagsasabi mo”
Nauutal na sabi nito saka tumingin sa paligid nito kung saan maraming nag bubulongan dahil sa mga narinig.
“Anong nangyayari dito?Dynrylle bakit nasa labas kayo?”
Pag singit ng tiyahin nito na kakarating lang at mukhang nagugulohan sa nangyayare at sa mga taong nagbubulungan
“Richard,ano nanaman ang ginawa mo?”
“Tiya, di totoo ang sinasabi nila wala akong ginagawa”Pagpapaliwanag nito sa tiyahin
“Your nephew is harassing my brother’s friend,and for a few days now he keeps stalking her and go to her house, like a crazy bastard”
Sabi nito saka inayos ang salamin nito sa mata at doon simulang magulat ang mga taong nakarinig
“Yes,pinasundan kita,wanna know why?because i don't trust bastards like you,at tama ako, dapat di ka nga pagkatiwalaan”
“Sorry hijo, pero mabait ang mapagkakatiwalaan ang pamangkin ko,wala syang ginagawang masama kay Dynrylle”Pagtatanggol ng tiyahin nito kay Richard.
“Dapat bang hintayin ko pa yun?sinusundan nya si Dynrylle sa bahay nila na parang sira ulo tapos mag mamasid na parang gago, yan ba ang dapat pagkatiwalaan?mabait?i don't think so maam”
Nagulat naman na tumingin ang tiyahin kay Richard at si Dynrylle parehong nagulat sa nalamang impormasyon
“Ikaw yung lalaking—-sinusundan mo ako manong?”
Di makapaniwala na tanong ni Dynrylle sa binata.
“Richard,akala ko ba nag bago kana?akala ko ba napag usapan na natin to”
“Tiya,mahal ko si Dynrylle,alam kung pinag sabihan mo na ako pero tiya—-maniwala ka sa akin ,Dynrylle maniwala ka ginawa ko lang to dahil mahal kita at gusto kita protektahan wala ako—-
Di na nito natapos ang sasabihin dahil bigla siyang sinapak ni Archilles na dahilan para mapasigaw ang lahat sa gulat
“You crazy bastard!You think you can get away this time?sinasabi ko sayo pag babayaran mo itong ginawa mo,mabubulok ka sa kulungan.”
Puno ng galit na sabi nito.
Di naman makagalaw sa kinatatayuan si Dynrylle at nakatingin lang sa mga nangyayari sa harap nya.Agad naman lumapit ang tiyahin ni Richard sa pamangkin ito at agad na dinaluhan ito at maluha-luhang tumingin kay Archilles.
“Hijo maawa ka sa pamangkin ko ,wala naman syang ginawang masama ei hayaan mo pag sasabihan ko sya”
“That’s not enough,kailangan n’ya na managot sa batas”
Saad nito saka lumingon sa kumpol na mga tao, doon lumabas ang mga lalaking naka uniporme at agad na sinabi dito kung ano ang kakaharapin nitong kaso, sinabi dito ang mga karapatan nito saka ito pinusasan at agad na inalalayan ng mga pulis papunta sa patrol car.
“Lets go,ill take you home”
“Dynrylle maawa ka sa pamangkin ko wag mo siya ipakulong ,wala naman syang ginawang masama sayo diba?hinawakan kaba niya sa maselang parte mo?may ginawa ba syang….
“Dapat ba hintayin pa namin na gawin niya yun sa kanya bago sya makulong?di pa ba sapat ang ilang araw nyang pag sunod at pag manman nito that's already invading of someone's privacy”
Sabi ni Archilles na seryoso na hinarap ang ginang na umiiyak na nagmamakaawa kay Dynrylle.
“Isa pa po,yung pamimilit nya kay Dyn na sa bahay nya na lang ito manirahan is already considered harassment kahit pa paulit ulit na syang tinatanggihan ,di habang buhay ay maipag tatanggol nyo ang pamangkin nyo sa mga mali niyang nagawa kailangan nya po managot—-Lets go”
At katulad ng sinabi nito ay hinatid ako nito pauwi at pinaliwanag sa nanay ni Dynrylle kung bakit maaga ito umuwi na ikinakunot ng noo nito at tumingin sa anak.
“Sige salamat hijo”
“Salamat kuya Archilles”
Tumango lang naman ito saka tumalikod at lumabas sa barong barong namin.
Bago pa man makapag salita si Dynrylle ay isang malakas na sampal na ang natanggap nya sa ina na ikinatumba nya,inaasahan na ito ng dalaga dahil alam nyang ikakagalit yun ng ina lalo na at wala na siyang trabaho.
“Napaka landi mo,wala kang kwenta,siguro inakit mo yung lalaking yun no?Wala ka talagang pakinabang ei!”
“Kung ganyan ka pala at lalandi ka lang sana pala talaga bininta nalang kita ng mapag kakitaan kita”Masasakit na salita na sabi ng ina, nito na parang hindi siya nito anak kung pag salitaan ng ganun wala itong pakialam kung nabastos sya ang mahalaga dito ay ang pera na binigay niya sa pamilya,kung may pamilya pa nga ba syang maituturing.
“Subukan mo gawin yan at ako mismo ang papatay sayo”
Walang kaabog-abog na sabi ng ama nito na kakarating lang galing trabaho at agad na lumapit sa ina
“Bakit?alam mo ba ang nangyari?wala nang trabaho yang magaling na batang yan dahil sa kalandian nya at mukhang pati ang anak ni mayor ay balak nya pang akitin”
“Kung ibebenta ko sya sa mayaman na lalaki mapapak—-
Bago pa nito matapos ang sasabihin ay nasampal na ito ng malakas ng kinakasama na ikinatumba nito agad rin binunot nito ang baril at walang kaabog abog na itinutok dito ang baril nito.
“Subukan mo at di ako magdadalawang isip na iputok itong baril ko sayo,anong klaseng ina ka ha?”
“Bakit ikaw anong klase kang ama?kung makapagsalita ka parang ang buti mong ama ah”
Agad na tumayo at tumalikod si Dynrylle para umalis sa bahay nila ayaw niyang marinig ang pag aaway ng mga magulang kahit pa sanay na sya sa mga ito.Lumaki na ito na ganun ang mga magulang away bati at laging nag sasakitan walang pagmamahal na makikita sa mga magulang nya tanging galit at puot lang na kahit sya na anak nila ay di kayang bigyan ng pag mamahal.
“Sinaktan ka nanaman ng nanay mo no?----halika pasok ka sa loob para magamot natin yang pasa mo”
Mahinahon na sabi ni Wade ang nag iisa nyang kaibigan saka marahan syang hinawakan sa kamay na parang babasaging bagay.
“Wag na dito nalang tayo,nahihiya ako ang dugyot ko oh”
“May pinag bago ba?”
“Gago ka talaga alam mo yun?dito na lang tayo mag usap”
Pamimilit nito sa kaibigan saka nag lakad papunta sa maliit na parke ng subdivision at umupo sa isang upuan na nakita nya agad naman sumunod ang kaibigan at umupo sa tabi nya,tahimik lang pinagmasdan ang paglubog ng araw at mga batang naglalaro sa parke.
“You know I can help you, right?pwede ka dito sa bahay,alam mo kung gaano ko kaayaw sa pamilya na meron ka,dito makakapag aral ka at maaalagan”Giit nito saka tumingin sa kanya at hinawakan ang kamay pinagmasdan ang mga pasa sa braso at mga nag hilom na mga sugat.
“Di mo kailangan magtiis,mag sabi ka lang at kukunin kita”
Napayuko nalang ito at pinilit ang sarili na ngumiti kahit pa gustong gusto nya ng umalis matimbang pa rin sa kanya ang pagmamahal sa magulang.