Katulad ng mga nakaraang araw ganun parin ang nangyayari maaga ako nagigising para paghahanda ng pagkain ang mga magulang ko pagkatapos nun ay mag hahanda na ako para pumunta ng trabaho pagkatapos masigurong maayos ang lahat bago ako umalis ng bahay papunta sa karenderya na pinag tatrabahuan ko.
Wala namang bago bukod sa mas lalong naging makulit si manong Richard kahit pa pinapagalitan sya ng tiyahin nito ay sunod pa rin ito ng sunod saakin.
“Kanina pa ako napipikon sa lalaking yan Dyn,di na ako natutuwa”halatang napipikon na sabi ng kaibigan ko habang nakatingin sa likod ko kaya napitingin din ako sa likod ko kahit na alam ko naman kung sino tinitingnan nito.
Nakangising itong nakatingin saakin tapos kumindat pa.
Bigla ako napangiwi sa ginawa nito kaya binalik ko nalang ang tingin ko sa kaibigan ko at sa kasama nito na nakatingin din kay manong halata sa mga mata nila ang inis sa naturang lalaki at di ko naman sila masisisi yun kasi nararamdaman nila,wala na akong magagawa dun.
“Kumain na kayo,hayaan nyo na si manong”saway ko sa dalawang lalaki saka inayos ang pagkain nila.
“Mag ingat ka sa lalaking yan di ko gusto mga tingin niya sayo”malalim ang boses na sabi ni kuya Archilles saka tinignan ako.
“Tama si kuya, Dyn dapat kang mag doble ingat,parang wala na kasi siyang pakialam sa iisipin ng ibang tao sa kanya.”sabi naman ni Wade saka ito humawak sa kamay ko na ikinangiti ko naman.
Malambing at mabait na kaibigan si Wade kahit kailan ay di ako nito pinabayaan kahit na magkalayo ang estado ng buhay namin nanatili pa rin itong malapit na kaibigan ko ganun din si kuya Archilles kahit pa may palagi itong seryuso alam ko sa loob nito ay nag aalala rin ito saakin. Sa isiping yun na may tao pang nag aalala sa akin ay napangiti nalang ako, gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang sila,katulad ng ginagawa nila sa akin.
“Sige na kumain na kayo,aasikasuhin ko lang yung iba”pagpapaalam ko sa dalawa.
Madali lang naman ang trabaho ko dito,tumutulong lang ako sa pag maghain ng pagkain ng mga bumibili minsan naman ay ako ang taga hugas ng mga pinag kainan pag wala ang tagahugas na si Mang isko,kahit di ganun kataas ang sahod ko dito ay wala namang problema yun saakin ang mahalaga sa akin ay makakatulong ako sa magulang ko.
Kinabukasan ay si kuya Archilles lang ang pumunta sa karinderya, para kumain at katulad ng palagi nitong kinukuhang pagkain, ay puro gulay lang ang gusto nito tyaka kalahating kanin di ko alam paano nabubusog si kuya sa ganitong kaliit na kanin, kabaliktaran kasi sya ni Wade na nakaka ilang kanin at puro karne ay ulam pag dito kumakain. Hinayaan ko lang naman ito ay pinag hain ko na ito sa napiling mesa nito.
“Kumain kana ba?”tanong nito sa akin saka kinuha ang baso nito na may lamang tubig saka uminom habang nakatingin sa akin,inaantay ang sagot ko.
“Mamaya na lang po kuya,pag konti na lang ang tao”magalang ko naman na sagot dito.
Tumango lang naman ito saka tumingin sa may ari ng karinderya na agad naman tumingin sa amin at lumapit ng tinaas ni kuya Archilles ang kamay nito na ikinagulat ko.
“Kuya bakit po?may problema po ba?”nag aalala kung tanong dito pero di ako nito pinansin.
“Bakit hijo anong kailangan mo?”nakangiting tanong ni tiya Lusing dito saka tumingin din sa akin.
Mas lalo ako kinabahan dahil di ko alam bakit gusto nitong makausap si tiya.
“Pwede ba siyang kumain kasama ko?It's already lunch time so it's only right for her to eat already.”sabi nito na parang sya ang masusunod.
“Kuya okey lang di pa naman po ako gutom tyaka—--”pag pigil ko dito habang nag uusap sila.
“Tama siya hija,okey lang naman kung kumain ka na lalo na kailangan mo yun sa liit ng katawan mo,kaya naman nila Richard mag serbi ng pagkain sa mga tao.”pag putol ni tiya sakin habang nakangiting nakatingin sa akin saka ako nito inabot para paupoin sa harap ni kuya Archilles.
“Pero tiya di pa naman ako gutom ei”pag tutol ko dito.
“Hija okey lang,maupo ka lang dyan at kumain—--tamang-tama nagluto ako ng pag paborito mong ulam”naka ngiti paring sabi ni tiya saka hinaplos ang mahaba kung buhok.
“Give her some vegetables her body needs it”mando ni kuya Archilles kay tiya na agad naman ikinatango nito saka tumalikod at kumuha ng pagkain.
“You need to eat for you to grow”seryoso nitong sabi saakin saka inayos ang salamin nito sa mata.
“Po?”nagtataka kung tanong dito. “Kuya pwede naman po na ako na lang kumuha ng pagkain ko ei,nakakahiya po yun kay tiya”
Pero bago pa makasagot si kuya Archilles ay dumating na si tiya dala ang pagkain ko at ulam na mukhang para kay kuya dahil gulay yun agad ko naman tinulongan ito sa pag lagay ng mga pagkain.
“Wag ka na mahiya saakin hija ,para naring anak tingin ko sayo, at tama naman ang kuya mo kailangan mo kumain para lumakas at lumaki ka naman kahit konti ang payat-payat mo hija para sa edad mo”malambing nitong sabi saakin.
Wala na akong nagawa kundi sundin sila aminado naman kasi akong maliit ako para sa edad ko at payat pa di kasi ako nakakain ng maayos pag nasa bahay ako.
“Kainin mo yang gulay,inorder ko yan para sayo”seryoso paring utos nito sa akin, saka nag simula ng punasan ang kutsara nito at tinidor pagkatapos nun ay pinunasan nya rin ang akin,saka nilagay sa plato ko at sumenyas saakin na kumain bago ito nagsimula na kumain.
Napangiti naman ako sa pag aalaga nito sa akin,ang swerte ni Wade at kuya nya si kuya Archilles.
At di lang yun nung araw na yun nangyari, nung mga sumunod na mga araw ay palagi na ako nito pinapaupo sa harap nya para sabay kami kumain na ikinatuwa naman ng kapatid nito.
Nang konti nalang ang mga tao sa karinderya dahil tapos narin naman ang oras ng tanghalian ng mga estudyante at empleyado ng isang opisina na malapit lang dito.
Nag lilinis lang ako ng paligid habang tinitingnan ang mga nag kaka tuwaang mga bata na nasa loob ng eskwelahan,mag sisinungaling ako kung sasabihin kung di ako naiinggit sa kanila, dahil alam ko sa sarili ko gusto ko ring maranasan ang makapag aral at maging malayang gawin ang gusto ko pero alam ko rin na malabong mangyari yun.
Napabuntong hininga nalang ako at pinag patuloy ang paglilinis pero napatigil ako ng may brasong pumatong sa balikat ko at ng tiningnan ko ang may ari nito ay si manong yun.
Si manong Richard na nakangiti na naman saakin.
“Ang lalim ng buntong hininga mo baby,anong problema?”malambing nitong tanong saakin saka hinaplos ang pisngi ko dahilan para pangilabutan ako pero di ko naman makuhang lumayo dito dahil baka magalit ito saakin.
“W-Wala manong,ayos lang po ako”pag sisinungaling ko saka pekeng ngumiti.
“Napagalitan ka ba ng mga magulang mo?”tanong nito sa akin habang hinahaplos ang braso ko. “Sabi ko naman sayo,umalis kana sa inyo at sa akin ka nalang tumira”
“Magulang ko parin sila manong at saka di tamang tingnan na makikitira ako gayung may bahay naman akong tinitirhan”
“Pero sinasaktan ka ng magulang mo,at di tama yun”may pag aalala na sabi nito saka kinuha ang braso niya sa balikat ko.
Tumango naman ako at mahigpit na hinawakan ang walis at yumuko.
“Wala naman pong masama doon lalo na at dinedesiplina lang naman ako nila tatay,karapatan nila yun bilang magulang ko”
“Walang masama sa pag di-disiplina, pero yung saktan ka dahil lang sa simpleng pagkakamali mo yun ang di tama”seryuso nitong pangangaral saakin saka tiningnan ang braso ko na may mga pasa at mga marka ng mga gumaling ng sugat. “Ang bata-bata mo pa para saktan nila ng ganyan Dynrylle”
Di ko alam pero nangilid ang aking mata dahil alam kung tama ito sa mga sinasabi nito.
“Nandito ako para tulungan ka Dynrylle alam mo kung gaano kita kamahal,handa akong gawin ang lahat para sayo sabihin mo lang”
Napatingin naman ako dito at nakita ko kung gaano ito kaseryuso sa sinabi nito pero bago pa ako makasagot ay isang kamay ang humawak sa kamay ko at hinila ako palayo kay manong Richard.
Si Wade.
“Bakit mo naman gagawin yun kung andito naman ako para protektahan sya?”matapang na sabi ng kaibigan ko habang nakatingin sa mga mata ng lalaki.
“Ano naman ang magagawa ng isang batang katulad mo?di mo nga s’ya makuhang kunin sa mga magulang nya ei,hinahayaan mo lang sya saktan ng mga magulang nya”matapang din na sagot nito.
“Di mo alam ang kaya kung gawin ,di mo alam ang kayang gawin ng pamilya ko”
Malakas naman na tumawa si manong Richard na parang nangungutya at tawang-tawa sa sinabi ni Wade.
“Oo nga pala anak ka ni mayor,pero yun lang naman ang maipagmamalaki mo—-
“Bakit ikaw ano ba ang pinagmamalaki mo?”isang malamig na boses ang nag salita mula sa likod namin kaya pareho kaming napatingin ni Wade at nandoon si kuya Archilles na nakatingin sa amin habang naka pamulsa. “Bukod sa pamangkin ka ng may ari ng pinag tatrabahoan ni Dynrylle sino ka pa nga ba?”
Galit na nag titigan ang mga ito na parang mag aaway na ano mang oras,at alam ko di sya uurongan ni kuya Archilles kahit pa mas bata ito kay manong Richard.