Chapter 1

1652 Words
Dynrylle POV Maaga akong nagising ng araw na yun para maghanda para sa pag pasok sa trabaho pero bago yun ay kailangan ko munang ipaghanda ng agahan sina nanay at tatay bago pa ako mapagalitan at mapa buhatan na naman nang kamay ni tatay, ayoko ng pumasok sa trabaho na masakit ang katawan.Kaya di paman tumitilaok ang manok ay agad na ako bumangon sa kama ko,nag linis ng kwarto ko,ng bahay at itinabi ang mga walang lamang bote ng beer na pinag inuman ni tatay at ng mga kabarkada nya kagabi. Bata pa lang ako ay ito na ang nakasanayan kung gawin,nag iisang anak lang ako kaya maaga akong namulat sa gawaing bahay at pag tatrabaho kahit pa bawal pa sa edad ko ang mag trabaho, pero dahil narin sa gusto ko makatulong sa mga magulang ko ay nagtatrabaho parin ako. Isang ginagalang na pulis ang tatay ko at ang nanay ko naman ay dating nagtatrabaho sa isang night club, ayon sa mga chismosa naming kapit-bahay pero dati naman ay nag tatrabaho si nanay bilang kasambahay sa pamilya ng mga Vargaz sa pamilya ng matalik kung kaibigan,si Wade anak ng Mayor ng Majayjay,Laguna, ngayon ay nasa bahay nalang si nanay nag aalaga ng mga alaga naming hayop katulad ng baboy,manok at itik “Nakapag luto kana ba?” tanong saakin ni tatay na kakalabas lang ng kwarto nila nanay. Agad naman ako sumagot at hinanda ang lamesa para makakain na ito dahil alam ko maaga itong papasok sa trabaho,hinanda ko narin ang mainit nitong kape para mabawasan ang sakit ng ulo nito dulot ng pag inom. “Asan na pala ang sahod mo ngayong buwan?mukhang nakalimutan mo yatang ibigay sakin” pag papaalala nito sa akin habang nakalahad ang palad nito hinihintay na ibigay ko dito ang kailangan nito. “Sandali lang po,kukunin ko lang sa kwarto ko.”paalam ko saka tumalikod para kunin ang pera na kaylangan ni tatay, ng makuha ay agad ko ito binigay sakanya na agad nya naman nya tinanggap at agad na binilang kung binawasan ko ba. “Mabuti naman at binigay mo—oh ito,”sabay abot nito ng isang daan saakin na agad ko naman kinuha dito “pang gastos mo hanggang sa susunod na sahod mo—-tipirin mo yan” sabi nito saka nag patuloy sa pag kain ako naman ay agad ng yumuko at inisip kung paano ang gagawin kung pag titipid kahit na sanay naman na ako na isang daan lang talaga binibigay saakin nito. Matapos nito kumain ay agad na ito tumayo at tumalikod para mag handa para pumasok sa trabaho nito saka naman lumubas si nanay na kakagising lang pero ang unang kinuha nito ay ang bote ng gin na nasa taas ng luma naming ref, agad nya ito ininom na parang tubig at ng maubos ito ay basta nalang nya ito tinapon sa sahig na di ko naman ikinagulat. Agad nalang ako tumayo kahit di pa ko tapos kumain at agad na kinuha ang pandakot at ang walis para linisin ang mga bubog sa sahig si nanay naman ay agad na umupo at kumain ni hindi man lang ako tinignan o kinausap—pero sanay na ako,ganun naman talaga ito sanay na kami ni tatay. “Alam mo di ko talaga maintindihan ei,may trabaho naman ang tatay mo pero bakit kaylangan mo pa mag trabaho imbes na mag aral?” Nagugulohan na turan ng kaibigan ko—si Wade,pinuntahan niya ako ngayon sa trabaho ko sa karinderya na malapit sa eskwelahan, nila dito talaga siya kumakain, kahit pa kaya naman nito sa mga mamahaling kainin pero sabi naman niya ay gusto niya daw dito kasi bilang suporta na lang daw sa akin bilang kaibigan niya,dito niya rin dinadala ang ibang kaklase nya kaya simula ng dito s’ya kumain ay dumadami na ang mga estudyante na kumain dito sa karinderya. “Ikaw talaga ang kulit mo din no?ilang beses ko na ba ipinaliwanag sayo kung bakit ako nagtatrabaho,tyaka di lahat ng magulang kaya pag-aralin ang anak kaya ito ako nagtatrabaho” Pagpapaliwanag ko dito habang nilalagay ang pagkain nito sa lamesa niya. “Ang laki ng sahod ng mga kapulisan natin,mataas na din ang ranggo ng tatay mo tapos—-” Bigla itong tumigil at tumingin sa paligid saka tinignan ako muli at nag salita pero sa mahinang boses. “Alam nating dalawa na kaya ka pag aralin ng tatay mo,sadyang inuuna lang talaga nyang tatay mo ang pag inom at pambabae kakarampot na nga lang sinasahod mo dito tapos kukunin nya pa sayo”May panggigil nitong sabi sakin. “Mabuting ama si tatay nirerespeto sya ng lahat at tinitingala ng ibang kapulisan kaya— “Kaya ano?tama lang na mag trabaho ka?mag sakripisyo?bata kapa dapat nag aaral ka na nga ei ,kaya pwede ba wag mo na ipagtanggol ang magaling mong tatay”Naiinis nitong sabi saka nag umpisa ng kumain. Napabuntong hininga nalang ako at nanatili nalang na tahimik piniling di na makipag argumento dito,lalo’t alam ko na hahaba lang usapan namin kaya agad na ako tumalikod at inasikaso ang mga dumadating pang mga estudyante para kumain. Nang sumapit ang hapon at unti-unti naring nauubos ang mga estudyante ay nag simula narin kami nag ligpit lalo’t pasado ala-singko narin. “Kami na dito Dyn,malayo pa lalakarin mo pauwi sainyo sige na umalis kana” Mariing utos ng may ari ng karinderyang pinag tatrabahoan ko. Ngumiti lang naman ako at tumango nalang bilang tugon dito saka kinuha ako gamit ko pero bago pa ako makalabas sa pintuan ay bigla naman humarang ang kasamahan kong si Richard,mas matanda ito saakin ng labing anim na taon at tinuturing ko nang kuya, pamangkin sya ng may ari ng karinderya. “Tita hatid ko na si Dyn sa bahay nila” Nakangiti nitong sabi sa tiya. “Tumigil ka Richard alam ko yang mga galawan mo na yan sinasabi ko sayo wala kang mapapala dyan at bata pa yan kaya umayos ka” Mahabang pahayag nito sa pamangkin na ikinalungkot naman ng lalaki pero tumingin ito sakanya at ngumiti na agad naman sya kinilabutan sa di malamang dahilan. “Bakit tiya?handa naman ako mag hintay ei—saka sabi nga nila age doesn't matter”Puno ng pag suyo nitong sabi habang nakatingin parin saakin. “Hello po,susunduin ko lang po sana yung Kaibigan ko” Biglang pag sulpot ni Wade kasama na nito si kuya Archilles na naka kunot ang noo habang nakatingin kay Richard. “Ako mag hahatid sakanya bata wag —aray tita masakit yun ah” Pag rereklano nito ng bigla itong hinampas ng tsinelas ng tiyahin . “Tumigil ka,pumasok ka rito at tulungan mo ako mag sara dito—sige hijo umalis na kayo” “Alis na po kami tiya—mauna na kami manong Richard” Paalam ko sakanila saka lumapit sa kaibigan ko na agad naman kinuha ang maliit kung bag na binigay niya rin sakin nung nakaraang pasko. “I dont like that guy,his creepy para syang manyak” Walang kagatol-gatol na sabi ni Wade habang palapit kami sa sasakyan nila. Natawa naman ako sa sinabi nito kahit na medyo sumasang ayon naman ako dito.Kakaiba nga talaga kung tumingin si manong saakin pero wala naman akong magawa dahil wala pa naman itong ginagawang masama saakin. “I think that guy likes you” Malamig na sabi ni kuya Archilles habang pinag bubuksan ako ng pinto. “Po? Di ko po kayo naiintindihan” “Sabi ni kuya baka daw may gusto sayo yun manyak na yun” “Nako wala po , ei halos labing anim na taon po ang tanda nun saakin malabo po yun”Pilit kung pag tanggi saka pumasok sa sasakyan nila at umayos sa pag upo. “A predator doesn't care how young you are,they only crave one thing and that is to be in your pants” Sabi nito sa inglis na di ko naman masyado maintindihan. “So be wary of him” Dagdag pa nito saka ngumiti saakin. “Tama si kuya,mabuti na yung ang iingat ka,lalo na at bata ka pa” Sabi naman ni Wade na tumabi saakin ng upo. “If he does something funny to you don't hesitate to tell us” Muling sabi ni kuya Archilles sa inglis na salita na ikinatango ko nalang kahit di ko naman masyado maintindihan. Katulad ng ibang gabi ay nag iinoman nanaman sila kung hindi si tatay si nanay naman ang umiinom kasama nito ang mga kaibigan nya at alam ko kanina pa sila nag simula dahil marami-raming bote narin akong nakikita na nakakalat sa sala. “Dalaga na pala anak mo mare pwede na pag kakitaan yan,sariwa pa”Natatawang sabi ni Ante Maricel habang nakatingin saakin. “Tsk,sino naman bibili ng katulad nya?walang kaayusan,pangit pa masyadong nag mana sa tatay nya.”Sagot naman ni nanay na ikinayuko ko ng ulo at pinag patuloy ko nalang ang pag luto ng pulutan nila. “Ano ka ba naman,di naman pangit yung asawa mo ah,tyaka bulag kaba ei halos kamukha mo nga ang dalaga mo.” Nag usap lang sila hanggang sumapit ang alas-onse ng gabi at nag si uwian na yung mga kaibigan ni nanay at naiwang nakayupyup sa lamesa si nanay. Lasing na lasing na ito kaya mukhang nakatulog na ito sa lamesa kaya imbis na gisingin pa ito ay hinayaan ko nalang ito matulog doon dahil baka mapagalitan lang ako ni inay. Kinumutan ko nalang ito saka nag sara ng bintana at pinto namin pero bago ko masara pa ang pinto ay may naaninag akong isang lalaki na nakatingin sakin mula sa malayo,nakatayo ito sa malaking puno katabi ang motor nito. “Sino kaya yun?” Tanong ko sa sarili bago ko tuloyang sinara ang pinto namin lalo’t wala si tatay ngayong gabi. Sa di kalayuan ay nakangiti naman ang isang lalaki natutuwa sa nakikitang kagandahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD