DISCLAIMER:This story contains content that may be disturbing,including parental death,violence,abuse and self-harm. Names,Characters in this story are fictional. Any resemblance to reality is pure coincidence , events and places are also written fictionally by the author's imagination.
—-------------------------------------------------------------
“We will be watching you,so don't do anything stupid”
Paalala nito saakin.
Tumango lang naman ako at nag lakad palapit dito at pilit na ngumiti hanggang sa nakaupo na ako sa tabi nito.
“Hey, kamusta kana?”
“sorry ngayon lang kita nadalaw”
Pag uumpisa ko pero di ko makuhang tingnan ito ng matagal,kung saan saan napupunta ang tingin ko dahil kung titigan ko sya ay baka maiiyak lang ako.
“I bet your okey now,no one will hurt you now.”
“wag ka mag alala naayos ko na ang lahat”
Pahabol kung sabi saka ngumiti ng walang buhay.
Di ko maintindihan pero hanggang ngayon nalulungkot parin ako na parang kahapon lang nangyari ang lahat na kung tutuusin ay ilang taon narin ang lumipas ngunit andun pa rin ang sakit,napapanaginipan ko pa rin ang mukha nito ang bawat salita na binitawan nya nung araw na yun.
“Alam mo ba hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa lahat ng nangyari hanggang ngayon di ko parin matanggap ang lahat pero wala na ei nangyari na”
“Sana lang mas pinili ko nalang na hayaan kayong umalis noong araw na yun edi sana kahit—-Ako,ako ang kasama mo,ako ang nag alaga sayo nung panahong kaylangan mo ng kasama.”
Biglang nabasag ang boses ko at unti unting tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo sa aking mga mata.
“I was there ,pero bakit?bakit s’ya pa rin ang hinanap mo?bakit di mo ko makuhang makita?bakit sa kabila ng lahat ng ginawa ko para sayo at sa anak natin….di mo parin ako makuhang mahalin”
“Kahit konti,kahit bilang ama na lang ng anak natin,bakit di mo yun kayang ibigay?ganun ba kahirap ibigay yun?”
—-------------------------------------------------------------
A/N: This story is not for all readers. Some scenes may contain something disturbing that can trigger someone so please kindly remove this to your library if you don't like the story.Remember this is Fiction only.