Chapter Sixteen

1989 Words
CHAPTER 16: DOWNFALL OF KOLORIAS _____________________________________________ ***In Imorania World*** _____________________________________________ UNKNOWN POV Kaawa awang Kaharian ng Floweria na Ngayon ay nag-uusap ng pigahati at pagkatalo. Ang Floweria kung saan ay sentro ng kaligayahan ng mga Engkantada at Engkantado at nagbibigay sa kanila ng lakas. Bumagsak na rin Ang kahariang yun sa kamay ko. At ngayon isusunod ko na naman Ang kaharian ng Kolorias, kung saan malaki Ang imapak ng pagbagsak ng pagbagsak ng Kahariang Floweria sa kanila. Kolorias, Kolorias, Kolorias...kung Saan Ang Reyna Ang mismong nagtaksil sa kaniyang Kapatid na Prinsesa para sa Trono. Hmm... Kolorias, kung saan Ang Mga Diwata Ang naninirahan. Ang mga Diwatang nagbibigay kulay sa buhay ng mga Mofalia at Imorania.  Hahahahha, Hahahhaha Paano Kaya sila lalaban? Paano Kaya lalaban Ang Reynang nagtaksil sa kaniyang Kapatid. Papaano Kaya? Hahahahha hahahha. "Mabubuo na din natin Ang plano natin, Mahal ko" sambit ng aking nakangising asawa. Alam na alam niya Ang nasa-isip ko ngayon. Tingnan nalang natin kung paano kayo gagalaw sa laro ko. "Nagawa Niya na ang pinapagawa mo, Mahal ko" dugtong niya, malapit na ang pagdating Nang tamang panahon. Malapit na Ang pagbabalik at... Ang panahon ng pagkawasak.. _____________________________________________ ROSEDALE POV Ang Ganda talaga ng pinaghahalong kulay. Ang ganda sa mga mata...Ako nga pala si Reyna Rosedale ng Kolorias. Ang lahat ng mga Bagay na may kulay Ay gawa naming Mga Kolora. Ito Ang Sentro ng aming mga lakas at kapangyarihan. Ang kaligayahan ng mga Diwata. Kami rin ang nagpapalabas ng mga bahaghari Tuwing pagkatapos ng ulan. Na nangangakong Walang magaganap na trahedya pagkatapos ng ulan. Sa katanuyan, kami Ang bumubuhay ng emosyon ng mga tao. Kami Ang nagbubuhay sa kanilang mga nakikita. Pero Ang pinagkakaba ko ngayon Ay baka sapitin ng kaharian ko Ang sinapit ng Floweria. Nakakaawa Ang sinabi ng kaharian ni Poresa. Ang Floweria ang may hawak sa buhay ng bulaklak. Kaya naman ng pagbagsak ng kaharian nila ay naapektuhan Ang mga tao, Dahil sa walang masyadong nabubuhay na bulaklak. Samakatuwid Ang tawag ng mga tao sa nangyari ay tag-init, kung saan wala masyadong nabubuhay na nag bulaklak Dahil sa pagkatuyo ng mga bulaklakan. Pero sa Totoo lang Hindi naman talaga napabayaan ng mga taga elemental World Ang mga ito. Dahil ito sa maitim na kapangyarihan na bumabalot sa Floweria Ngayon. "Mahal Kong ina, pupunta na po akong Akademya de Imorania para sa karagdagan kong pag-aaral tungkol sa ating kapangyarihan. Mahal na Mahal po kita at sana palagi kayong mag-iingat" pagpapaalam ng aking Anak bago umalis papuntang Akademya De Imorania para sa pag-aaral. Ang Akademya De Imorania kasi Ang may malaking paaralan para sa Lahat ng mga diwata, Engkantado at mga Imorania, ano ka man at sino ka man. At doon din nabuhay Ang aking kwento. "Kilala mo naman Ang iyong Ina, Huie. Kahit Anong laban Ay kakayanin ko para sayo, para sa mga Diwata. At pangako ko na hinding Hindi ako mapapahamak. Malakas Ang Isang Reyna, Huie" nakangiti kong saad sa kaniya habang siya naman ay ngumiti rin sa akin. Hindi niya pa rin matatakasan Ang mga luha niya Sa pag-alis sa kaharian na kinalakihan niya. "Alam ko naman po iyon Ina. Pero Ina Hindi naman po talaga kelangan pang umalis para matuto ng iba pa Diba Ina? Ayaw kitang iwanan Ina, ang Kolorias" ngumiti Lang ako sa kaniya. Patawad Huie Pero kailangan Kong gawin ito para sa kapakanan mo. Kailangan Kong gawin to para makatakas ka sa maaaring mangyari. Kagaya na Lang ni Poresa na tinanggap Ang alok ng Konseho ng Limang Elemento para sa kapakanan ng kaniyang anak. Ang mga konseho Ang nagdedesisyon para sa ikabubuti sa lahat kaya naman pumayag na ako sa gusto ng konseho Dahil paparating na siya.. "Huie, mahal na mahal ka ni Ina yan Ang tandaan no at lahat ng Ito Ay para sayo. Ang iyong mga pakpak ay Dapat na pumagaspas para abutin Ang pangarap mo bilang isa sa pinakamagaling na Prinsipe. Mag-iingat ka anak ko" sambit ko bago pa siya makapaglayag. Ang kaniyang mga ngiti Ang bumubuhay sa aking mga puso na Magbibihis kulay ng aking Buhay.. Nag-iisa lang ang anak ko at siya Si Prinsipe Huei. At alam Kong magtatagumpay siya sa kaniyang mga pangarap. Kailangan ko na talagang gawin ito Dahil paparating na siya, paparating na Ang makakabago nang hinaharap. Balik tayo sa kanilang usapan. Masyadong naapektuhan Ang aking kaharian Dahil Doon Dahil Hindi namin Kayang lagyan ng kulay Ang mga bulaklak Dahil namatay Ang kanilang reyna, mabuti nalang at buhay Ang prinsesa kaya naman may iilang bulaklak Ay nagkaroon agad ng kulay. Kawawa naman si Poresa, mag-isa niyang itinayo Ang kaharian niya Pero Nawala agad ito. Mas pinili niyang mamatay na Lang siya kaysa mamatay Ang sinasakupan niya. Sa totoo lang kasi Hindi naman talaga namatay si Poresa Dahil sa maitim na kapangyarihan, namatay siya dahil sa unti unti na siyang nawawalan ng kapangyarihan Dahil sa pagpapapunta niya sa kaniyang mga mamayanan papuntang kaharian ng limang Elemento. "Mahal na reyna, may itim na kulay sa asul na langit. Wala pong mag kolora Ang naglagay ng itim pero nagulat Ang Lahat na kumakalat Ang mga itim na kulay" sambit ng aking kaliwang kamay na hiningal. Ano? ITIM NA KULAY? ibig sabihin ba nito... Hindi ito maari, Hindi dapat magaya Ang kaharian ko sa kaharian ng Floweria. Hindi ito maari. Ang mga Diwata.. mawawalan na ng kulay na nagbibigay emosyon. Ang mga kulay na nagbibigay buhay. Paano na? Paparating na talaga siya.. paparating na Ang nakatakda.. "Violetia, tawagin mo Ang mga kolora na may kapangyarihan na masasayang kulay. Ngayon na" utos ko sa kaniya, Dapat matalo ng masasayang kulay Ang itim na iyan. Ang kaharian ko Ay Hindi ko dapat na hayaang pabagsakin ng kung sino man. Buong lakas ng mga kolora Ang ginamit nila Pero unti unti silang nanghihina. Hindi ito maari. "Tawagin mo Ang mga kolora na may maitim na kulay at puti. Dapat nilang matalo Ang itim" utos ko sa kaniya. Naipapikit ko Ang aking mga mata Dahil sa pangyayari. Konseho ng mga Imorania kailangan ko Ang mensahe niyo.. "Gawin mo Ang ginawa ni Poresa, Rosedale. Gawin mo na bago pa man mamatay Ang lahi ng Diwata" rinig Kong kalmang sambit ni Cassiopeia sa akin. Cassiopeia? Alam niya ba Ang tungkol dito? "Cassiopeia, May alam ka ba?" Tanong ko sa kaniya.. Alam Kong siya Ang natitirang pinakamalakas na Sinaunang Reyna ng Kalangitan. "Sundin mo nalang ako Rosedale Dahil Wala nang panahon" saad niya naman sa akin. Bukas Ang to no ng kaniyang pananalita na nagmamadali na siya. Wala na ngang panahon.. "Virtute Coloris mittam omnes pueri nudi Colora quam quinque elementa securitati Regni" kailangan ko itong gawin para May mabuhay sa lahi namin na kagaya nalang ng sinabi ni Cassiopeia. Alam Kong makakapagkatiwalaan ko si Cassiopeia. "Rosedallllllllllleeeeeeeeee" sigaw naman ni Cassiopeia sa akin at May narinig akong tinig. Galit na tinig. "Tapos ka na, Mahal na reyna" may nagsalita sa likod ko. Haharapin ko na sana Pero huli na ang lahat. Ang puso ko Ay binalutan niya Nang itim na kulay at unti unting nanghihina Ang aking katawan. Kapatid??? Buhay siya? "Walang magagawa Ang iyong kapangyarihan sa kapangyarihan ko. Hindi ko nga alam kung Bakit Ikaw Ang naging reyna ng Kolorias" sabi niya Nang nakangisi, bakit niya nagawa to sa akin? Anong nangyayari sa kaniya? Ang laki ng pinagbago niya.. Masama na siya.. Asan na Ang kapatid ko na Kay bait? "B-bakit mo ito Nagawa sa akin Rosasale?" Nanghihina Kong sambit sa kaniya habang may luhang tumutulo sa aking mga mata. Ibang iba na siya. Ang kaniyang puso Ay nabalutan na ng kadiliman na siyang ikakamatay siya sa huli. "Wag ka nang magsalita at mawawalan ka din ng buhay" sambit niya at kinuha niya Ang kaniyang patalim habang nakangisi sa akin. Rosasale... "Pwede ba kahit na sa Huling sandali malaman ko kung bakit? Rosasale" sambit ko sa kaniya habang nakahawak sa aking puso na sumisikip na Dahil sa patuloy na pagbalot sa aking puso ng kadiliman. "Hmm.. Alam mo Rosedale hanga din ako sayo. Ginawa mong magtraydor sa akin para sa trono, nagawa mong talikuran Ang lahat Dahil sa trono. Inagaw mo sa akin Yung trono ko Rosedale, inagaw no sa akin.. pinagsisihan ko na Hindi na sana Kita niligtas na sana Ang iniligtas ko nalang Ay si Ama at Si Ina. Nang Dahil sayo Nawala Ang Rosasale na napakaganda Kong ngumiti. Wala ng natitirang buhay sa aking puso ng Dahil sayo Rosedale" sambit niya Sa akin na ikinaluha ko. Anong? Ibig niyang sabihin mas pinili niyang mabuhay ako kesa kila Ina at Ama na sa buong buhay ko akala ko Ay pinatay niya Ang Ito para sa trono? Tiningnan ko Ang kaniyang mga mata, mga pasakit Ang makikita mo sa kaniya. Ito na ang katapusan ko. Papatayin niya na ako. At tatanggapin ko Ang kamatayan na to para sa kaligayahan ng aking kapatid. Alam Kong kaligayahan niya ito.. "Cassiopeia, iligtas mo Ang kapatid ko sa paglamon sa kaniya ng kadiliman" sambit ko Kay Cassiopeia. Alam Kong naririnig niya ako. Kailangang mawala Ang kadiliman sa puso niya para hindi siya mamatay. "Magsabi ka na Nang paalam sa kolorias" sabi niya Nang nakangisi at handa na siyang putulin Ang ulo ko. Huie Hindi ko natupad Ang pangakong magiging malakas ako. Pero buwan kang mag-aalala. Paparating na siya... _____________________________________________ ROSASALE POV Nakangisi kong tiningnan Ang kaniyang katawang nanghihina na Dahil sa kadiliman sa puso niya. Ipinalabas ko na Ang katana ko para pugutan siya ng ulo ng May biglang nagsalita. Ang misteryosong boses.. "Rosasale ano't kailangan mo pang pugutan Ang ulo ng kapatid mo kung nagawa mo na Ang pinapagawa ng Dyosa sayo na balutin Ang kaniyang puso ng kadiliman?" Ang boses na yun na sa simula palang ay Alam Kong pinaglalaruan niya na ako. ginugulo niya Ang isipan ko. "Ano't iyong kailangan at Bakit mo ako kinakausap? Wala kang kakadating diktahan ako sa anumang gagawin ko sa traydor Kong kapatid" sigaw ko naman. Walang nilalang Ang nakikita ko kung Hindi Ang tumatawa lang na boses Ang aking naririnig. "Rosasale, Hindi mo talaga kilala Ang kimakalaban mo. Gusto mo na bang mamatayyy?" Napatakip ako sa aking tenga. Ang boses yun narinig ko na iyon ng namatay Ang aking Ina at ama. Ang boses na yun Ang nagpapahirap sa akin.. Patuloy Lang siya sa pagtawa at naramdaman ko naman na biglang sumisikip Ang aking dibdib na para bang tinutusok Ito ng maraming karayom.. "Rosasale Mas magandang buhayin Ang iyong kapatid kaysa sa iyo" napaluha naman ako sa sinabi niya.. kahit ba ngayon, so Rosedale parin Yung gusto nila? Si Rosedale parin Yung karapat dapat? "Rosasale Mas Magaling siya kaysa Sayo at May malakas siya kaysa sa iyo" Mas biglang sumikip Ang aking dibdib ng marinig ko Ang mga katagang iyon. Ano ba talaga? Palagi ko nalang ba mararamdaman Ang selos ko Kay Rosedale? Palagi nalang kasi siyang magaling at malakas.. "Rosasale lumaban ka, kunin mo Ang kadiliman sa iyong puso para Hindi ka mamatay. Rosasale" sambit naman ng kung Anong boses galing sa itaas ng kalangitan. Ano ba talga... "Rosasale punuin mo nang galit ang iyong puso, ang puso na sinaktan at ibinaon sa lupa ng Imorania ng iyong kapatid. Ibaon mo Ang sugatan mong puso sa galit. Rosasale Walang Mas nakakahigit sa iyo kapag nabaon mo na Ang galit sa iyong puso" natatandaang sambit ng aking utak Kaya naman napahandusay ako sa sahig. Hindi ko na kaya Ang mga boses na nasa aking isipan.. "Rosasale, hiling iyon ni Rosedale. Lumaban ka" sambit naman ng isa Pero mas malakas Ang pwersa ng kalaban.. Ang sakit sa ulo na pakiramdam ko Ay sasabog na ako.. "Pareho silang traydor ng iyong kapatid. Ang gusto Lang talaga ng kapatid mo ay naging mahina ka Dahil sa oras na tinanggap mo Ang buong kadiliman Ay magiging malakas ka. Hindi ka hinahayaan ng iyong kapatid na--" hindi ko na ipinatuloy sa kaniya Ang sasabihin niya dahil Ang sakit sakit na sa dibdib.. "Tamaaa naaa" sigaw ko Pero Ang mga tawa Lang Ang naririnig ko hanggang nag-iba na Ang lahat. Itim na itim na Ang lahat.. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD