“Mama…”
“Mama…”
“Mama…”
“Mama…”
Sa mabagal na pagmulat ng mga mata ni Savanna “Sav” Ramirez ay paunti-unting bumungad sa kanya ang tanawin ng mga kyut niyang anak na quadruplets. Ang mga ito ay inosente nakapalibot sa uluhan ng ina nila at pasimpleng pinagmamasdan ito habang natutulog sa may kalakihang futon. Dalawang taon at apat na buwan pa lamang ang edad ng mga batang ito.
Agad na lumubo ang puso ni Sav dahil sa napakakyut na tanawin. Napatawa muna ito nang marahan bago isa-isang batiin ng magandang umaga ang mga anak.
“Good morning, Baby Stella Marie!” magiliw na sabi ni Sav habang kinukurot ang matabang pisngi ng batang babae na nakaupo sa kanang ibabaw niya. Agad na kakikitaan ng pamumula ang nakurot na matabang pisngi ng bata. Gayunpaman, hindi ito umaray dahil sa ginawa ng mama niya. Bagkus, binigyan pa nito ng malawak na ngiti ang ina na kita pati ang mga maliliit nitong ngipin.
“Good moning din, Mama!” masayang tugon ng bata at binalak na halikan ang ina sa mga labi. Nag-pout naman si Sav para salubungin ang hugis puso na labi ng anak.
Mula ang pansin sa kay Stella na pinakapanganay sa quadruplets, sunod na napadako ang paningin ni Sav sa ikalawang panganay sa quadruplets. Kung si Stella ay nakaupo sa kanang ibabaw na uluhan ng mama niya, ang isa namang ito ay nakaupo sa kanang ibabang uluhan ng mama niya. Ngumiti itong malawak nang napatingin ang mama niya sa kanya.
“Good morning, Baby Rain Ronald!” magiliw na bati ni Sav habang kinukurot din sa pisngi si Rain. Hindi rin ito umaray, at namula rin ang nakurot na matabang pisngi.
Agad nitong niyakap ang ina gamit ang mga maiikli ngunit matatabang kamay. Maligayang tugon ni Rain, “Good moning din, Mama!”
At hinalikan din nito sunod ang mga labi ng ina.
Mula kay Rain ay sunod na napatingin si Sav sa ikatlong bata sa quadruplets. Nang magtama ang tingin nila ay agad na ikinuskos ng bata ang mataba nitong pisngi sa pisngi ng ina. Sabi niya pagkatapos, “Good moning, Mama!”
Natatawang tumugon si Sav, “At good morning din, Baby Travis Mark!”
Gaya ng dalawang nauna ay humalik din sa mga labi ng ina si Travis. Muling sinalubong ni Sav sa pamamagitan ng pag-pout ang isa pang hugis puso na mga labi. Hindi gaya ng naunang dalawa, lumikha ng tunog ang paghalik ni Travis sa ina.
“Mama, guso ko rin kiss,” tila naiinggit na wika ng pinakabunso sa quadruplets at pinangunguso sunod ang mga labi. Kung si Travis ay nasa kaliwang itaas na uluhan ng ina, ang panghuli sa quadruplets ay nasa kaliwang ibabang uluhan ng ina.
Muling napatawa nang marahan si Sav. Hinarap muna nito ang bunso bago kinausap, “Hali ka rito, Baby Pearl Anne, kiss mo rin si Mama. Good morning!”
“Yehey!” galak na wika nito habang niyayakap ang ina at muling pinanguso ang mga mumunting labi. Gaya ng nangyari kay Travis, lumikha rin ng tunog ang pagsasalubong ng mga labi ni Sav sa mga labi ng bunso nito.
Nakakatawang isipin na ang mga cute na nilalang na nasa harap niya ngayon ay naging bunga ng isang aksidente. Isang aksidente sa gabi bago ang graduation kasama ang ama ng mga quadruplets. Mahal ni Sav at ng lalaki ang isa’t isa. Kaya nga pumayag si Sav na ibigay ang sarili nang humingi ng permiso ang lalaki na may mangyari sa kanila. Ngunit dahil sa isang napakapartikular na tagpo ay nagdesisyon si Sav na makipag-break sa lalaki. Gagawin niya ito pagkatapos ng graduation nila. Subalit nang makikipaghiwalay na si Sav sa lalaking ito, laking gulat ni Sav nang makita ang lalaki na nakatoga pang itinukod ang isang tuhod sa lupa at may ipiniresentang singsing. Nang-aalok ng kasal ang lalaki sa harap ng maraming tao. Kahit na magiging masakit sa minamahal at ikakahiya nito ang gagawin ni Sav, gayunpaman ay pinanindigan ni Sav ang desisyon. Bata pa sila ng lalaking mahal, at mas mahal niya ang mga magulang para hayaan ang mga itong magdusa.
“Mga anak, pwede n’yo bang mayakap ng sabay si Mama?” tanong ni Sav sa quadruplets. Agad na kuminang ang mga mata ng apat na magkakapatid nang marinig ang mama nila.
Kayanaman bilang tugon, gamit ang mga maliliit at may katabaang mga braso ay niyakap nila ng sabay ang ina. Napatawa si Sav dahil sa kakyutan ng mga bata. Kasalukuyan, para ang mga itong matatabang unan na nakapatong sa ibabaw ng ina nila. Damang-dama ni Sav ang init ng mga katawan ng anak na gustong-gusto naman niya kapag yumayakap ang mga ito sa kanya. Isa-isa niya ang mga itong hinalikan sa ulo at sinakop ang apat gamit ang dalawang kamay.
“Oh, ang aga-aga ang kyut-kyut n’yong tingnan!”
“Good morning, Ma!” bati ni Savanna sa may kaedarang babae na kakapasok lamang sa silid. Siya ay si Sabrina Ramirez, ang ina ni Sav.
“At good morning din, Anak. Ang kukyut talaga ng mga apo ko. Baba na tayo, nakapaghanda na kami ng pang-almusal ni Bunso.”
Kayanaman, binangon na sunod ni Sav ang sarili sa hinihigaan. Kasama ina at ang mga bata na parang bola ng enerhiya kung maglakad ay pumunta na sila sa hapag. Doon ay nag-almusal silang magpamilya at nagtawanan dahil sa kakyutan ng quadruplets.
“Ma, iiwan ko na sa inyo ni Vanessa mga anak ko, ha? Aalis na ako,” wika ni Sav habang binubuksan ang pinto palabas sa bahay nila. Ang itinutukoy nitong Vanessa ay ang nakakabata niyang kapatid. Dalawa lamang sila nito kaya ang panganay ay si Savanna na. Tungkol naman sa ama nila, maaga itong umalis para asikasuhin ang maliit nilang negosyo. Ang lakad ngayon ni Savanna ay maghahanap ng trabaho. Isang linggo pa lang ang nakakalipas simula nang makarating silang buong pamilya sa Pilipinas. May trabaho naman dati si Savanna. Pero ‘yon nga lang, nasa Amerika iyon. Nag-resign siya dahil sa kagustuhan ng mga magulang na bumalik sa Pilipinas.
“Oh sige, Anak. Mag-ingat sa pag-drive, ha?”
“Got it, Ma!”
Lumabas si Savanna sa bahay at isinirado ang pintong binuksan. Tinungo niya ang garahe at kinuha roon ang SUV niya. Minaneho niya ito papunta sa pinakaunang aaplayang trabaho. Positibo siyang matatanggap siya agad doon.
Si Savanna Ramirez ay may edad nang bente-singko at isang rehistradong Mechanical Engineer. Naninirahan siya at ang mga anak kasama ang mama, papa, at nakakabatang kapatid. Tungkol naman sa ama ng quadruplets, para hindi na magkagulo ay pinili ni Sav na ilihim na lang sa lalaking ito na nagbunga ang ginawang pagmamahalan nilang dalawa.
Unang araw pa lang kasi ng pagiging college nila ay nagkakilala na si Sav at ang lalaki. Agad na may naramdamang spark ang dalawa na lumago iyon hanggang sa maging magkasintahan sila. Mas lumalim pa iyon hanggang sa nagdesisyon ang mga ito na magpatianod sa mapusok na pangangailangan ng mga katawan nila. Gabi iyon bago ang graduation nila. Grabe ang nangyaring pagmamahalan sa pagitan nila ng lalaki.
Ngunit sa daan ng pag-uwi ni Sav ay may humarang na sasakyan sa kanya. Bumaba mula rito ang isang babae na nakikilala niya. Ina ito ng lalaking sinukuan niya ng pinakaiingatan. Nilapitan siya nito at binalaan na kung gusto niya ng magadang at matahimik na buhay kasama ang sariling pamilya ay layuan na nito ang anak niya. Dagdag ng ina ay may arrangge wife na ang anak para pumatol pa sa babaeng mahirap. Dahil sa maimpluwensya ang pamilya ng lalaki, kaya agad na natakot si Sav. Pagkauwi ni Sav sa bahay ay buo na ang pasya nito. Hihiwalayan na nito ang mahal na lalaki. Gagawin niya ito bukas sa araw ng graduation nila…
Mula sa malalim na pag-iisip ay muling napabalik si Sav sa kasalukuyan. Sa pagliko niya kasi sa kanan ay nabangga niya ang magarang sasakyang nasa unahan niya. Hindi naman malaki ang pinsala, pero nayupok ata ang harapan ng SUV. Mabilis na bumaba ang lalaki na nagmamaneho sa sasakyang nabangga.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Sav dahil sa nakita.
Mahigit tatlong taon na kasi ang nakakalipas nang huli silang magkita ng lalaki. At ang tagpong iyon ay tiyak siyang nasaktan niya nang lubos ang dadamdamin nito. Katatapos lang kasi ng graduation nila nang binalak ni Sav na magkipaghiwalay rito. Ngunit habang hinihila na niya ang lalaki papunta sa lugar na sila lang dalawa, ikinagulat ni Sav nang biglang itinukod ng lalaki ang isang tuhod sa lupa. Ang mga tao sa paligid ay mabilis na naghinala sa binabalak na gawin ng nakatoga pang lalaki. Sunod na ipiniresenta nito kay Sav ang dalang singsing. Naluluhang ikinumpisal ng lalaki ang lahat-lahat ng mga nagugustuhan sa babae.
Subalit may desisyon na nang mga panahong iyon si Sav. Ayaw na niya iyong baguhin. Kaya nang tinanong siya ng lalaki kung payag ba siyang maging kasama nito panghabambuhay, iyon na ang nakitang pagkakataon ni Sav para ipakita sa lalaking mahal na tapos na sila.
Tumalikod si Sav sa lalaki at tumakbo palayo…
Ngunit ngayon ay muli silang pinaglapit ng tadhana. At gaya ng inaasahan ni Sav, mababakas ang galit sa mukha ng lalaki sa muling pagkikita nila. Pero ano pa ang magagawa niya at dumating na ang pagkakataong ito? Paninindigan na lang ni Sav ang naging desisyon sa nakaraan.
“It’s been a while Dominique Reves.”