bc

writingcamp You're The Daddy Of My Quadruplets

book_age18+
71
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
one-night stand
family
manipulative
badboy
drama
bxg
office/work place
first love
like
intro-logo
Blurb

I want to write a long story that will be loved by readers. And also, to learn a lot from this wonderful event!

Story Description:

Matagal nang namumuhi si Dominique "Dom" Reves kay Savanna "Sav" Ramirez. Pinahulog lang naman kasi ng babae ang loob ng lalaki hanggang sa tuluyan na silang maging magkasintahan. Pero nang mag-po-poprose na ng kasal si Dom, doon naman niya nalaman ang totoong nararamdaman sa kanya ni Sav. Hindi pala siya mahal ng mahal niyang babae. Ang eksplenasyon kung bakit iniwanan ni Sav si Dom na nakatukod ang isang tuhod sa lupa, may hawak na singsing, at naluluha.

Isang napakapangit na regalo na natanggap ni Dominique pagkatapos ng graduation. Talagang itinatak niya sa puso at isip na gaganti sa babaeng manloloko kapag muli silang magtatagpo.

Pero pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na muling nakita ni Dominique si Savanna.

Hanggang isang araw ay muli silang paglalapitin ng tadhana matapos ang halos apat na taon na pagkakahiwalay. Nag-apply ng trabaho si Savanna sa kompanyang hindi niya alam na pagmamay-ari pala ni Dominique.

Si Dominique naman ay tuwang-tuwang nang malaman ang tungkol dito. Dumating na kasi ang pagkakataon na gaganti siya sa babaeng niloko siya. Marami siyang nakalinyang plano, lahat ay para ipamukha kay Savanna na isang napakalaking mali na iniwanan niya si Dom.

Pero ano ito? Ang babaeng kinamumuhian niya ay may anak na quadruplets!

Pero bakit niya ang mga ito itinatago kay Dominique?

Now live: You're The Daddy Of My Quadruplets

chap-preview
Free preview
Week 1: How to create an initial outline?
Outline Scene 1: Savanna's Home Minulat ni Savanna Ramirez ang paningin at agad na nakita ang quadruplets niyang inosenteng pinagmamasdan siya habang natutulog. Ang puso niya ay agad na lumubo nang masaksihan ang napak-cute na tanawin ng mga anak. Iniwanan niya ang quadruplets sa mga magulang dahil maghahanap na siya ng trabaho ngayong araw. Si Savanna Ramirez ay ay may edad na 27 at isang rehistradong Mechanical Engineer. Ang buhay abroad niya ay naging maganda naman. Pero dahil sa kagustuhan ng mga magulang niya kaya nagdesisyon silang umuwi ng Pilipinas. Miss na raw kasi ng mga ito ang bansang pinanggalingan. Pumunta lang naman kasi sila sa Amerika dahil nababatid nilang ito ang mas makakabuti kay Savanna. Tinanggihan kasi ni Savanna ang alok na kasal ng boyfriend pagkatapos na pagkatapos ng graduation nila. Ang boyfriend niyang ito ay siya ring ama ng quadruplets niya. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana. Sa pagliko kasi ng minamanehong sasakyan ni Savanna ay may nabangga siya. Isa ring sasakyan ngunit mas magara ito kompara sa kanya. Lumabas sa nabanggang behikulo ang galit na lalaki. Ang lalaking ito ay walang iba kundi ang iniwanang boyfriend ni Savanna. Siya ya si Dominique Reves. Scene 2: Along the Road Dahil sa hindi pa handa si Savanna sa tagpong iyon, pagkatapos niyang ipakita ang mukha kay Dominique ay muli niyang isinirado ang bintanang ng sasakyan. Iniwanan niya ang naka-three piece suit na lalaki na tila natigilan nang makita kung sino ang bumangga sa sasakyan niya. Habang bumabiyahe, ang konsensya ni Savannah ay muli siyang sinumbatan. Wala naman kasing nagawang mali si Dominique para ewan niya ito. Ang nanay ng lalaki ang dahilan kung bakit siya humantong sa ganoong sitwasyon. Hindi kasi mayaman ang pamilya ni Savannah, kaya maari iyon ang dahilan kaya binalaan siyang huwag nang lumapit sa anak nito kung ayaw ng Pamilya Ramirez ang pinakamasama sa kanila. Dagdag nito ay ipinagkasundo nang ipakasal si Dominique sa ibang lalaki. Wala nang atrasan iyon. Dumaan ng ilang sandali at nasapit na ni Savanna ang unang kompanya na binabalak niyang aplyan. Nang makita niya rito ang best friend ng boyfriend niya. Pero ewan niya kung mag-best friend pa rin ang mga ito. Siya ay si Mart Gregory at ipinakilala niya ang sarili bilang secretary ng CEO. Scene 3:Dominique's Home Masakit ang ulo ni Dominique kaya nagdesisyon siyang sa bahay na ipagpatuloy ang trabaho. Nang biglang may tumawag sa kanya. Ang best friend niyang si Mark Gregory ito. Sinabi nito na nag-apply raw sa kompanya si Savanna Ramirez. Napatawa si Dominique dahil sa nalaman. Sinabihan niya ang best friend na pahirapan muna sa mga tanong ang babaneg manloloko bago ito tanggapin. Pero hindi sa gusto nitong trabaho. Ang tungkol naman sa sahod ay mas malaki ang iaalok kaysa sa sahod ng gusto nitong trabaho. Iyong nga lang, maging utility personnel siya ng kompanya ni Dominique. Gaganti kasi ang CEO sa babaeng una nitong minahal nang pinakamatindi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.1K
bc

His Obsession

read
75.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook