CHAPTER FORTY-NINE

2126 Words

“MIA?” Hindi ko na nagawang ituloy pa ang itatanong ko kay Seven nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. At sakto pang nahagip ng mga mata ko kung kaninong push cart ang nabangga ko. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at kaba. “M-Mama…” Wala sa oras at wala sa lugar na nalaman ni Mama ang sikreto ko. Naku po! Mahaba-habang diskusyon ito! Bakit sa lahat ng tao ay si Mama pa ang dapat kong makita rito? At teka? Ano ang ginagawa niya rito sa mall? “Ikaw nga, anak!” bulalas ni Mama. Iniwan pa niya ang push cart at saka lumapit sa akin para bigyan ako ng yakap. Napansin ko namang nanonood lang sina Uno at Seven sa aming dalawa ni Mama. Wala bang balak na tulungan ako ni Uno rito? Hindi ba siya marunong makaramdam? Kumalas na sa yakap at lahat si Mama, pero wala akong narinig na sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD