ARAW NG BIYERNES. Alas once pa lang ng umaga ay dinismiss na kaagad ang klase nina Seven, sa kadahilanang may kailangan daw na attend-an na teacher’s seminar ang mga guro sa pinapasukang eskwelahan ng bata. Katulad na rin ng nakasanayan naming dalawa, hindi kami dumiretso ng uwi bagkus ay pumunta kami sa munisipyo ni Uno. At heto kaming dalawa ni Seven ngayon, nakaupo sa isang couch, parehong nakapatong ang magkabilang palad sa binti at bahagyang nakayuko. Para kaming nasermunan sa lagay namin ngayon. Well, this would look like one. Nakatayo kasi si Uno sa harapan namin, nakakrus ang braso niya sa dibdib habang kunot ang noo na nakatingin siya sa amin. “What’s with school nowadays?” tanong ni Uno. Sa tono ng boses niya ay parang tanong iyon para sa sarili niya. “Hmm? Noong ako naman an

