ANG BABOY man tingnan, pero nasa banyo ako ngayon. Alam niyo na, jumejebs. Hindi ko nailabas ang kinain ko kagabi, kaya heto ako ngayon; nakaupo sa mahabaging trono. Alas sinco nang madaling araw nang maalimpungatan ako dahil nga sa pag-aalburoto ng aking tiyan. Sinigurado ko na ring naka-lock ang pinto ng banyo at baka may pumasok na naman. Anong oras na ako nakatulog kagabi — siguro mga alas dose y media na rin — pero kahit na gano’n ay hindi ako nakakaramdam ng pagkabangag ngayon. Ewan ko ba kung bakit gising na gising ang diwa ko. Hindi ko na mabilang sa daliri kung ilang araw na kaming okay ni Uno. Yes, mga possi. After the casual talk we had in his office at Buena Astra’s municipal hall, he became the unusual Uno Ibarra I’ve known. Ngayon, nararamdaman ko nang nagiging komportable

