SA tunog ng pagsara ng pinto, ibinaba ni Uno si Seven mula sa pagkarga. Tumakbo naman ang bata patungo sa office table ng ama at umupo sa swivel chair. Seven began acting like she was the boss in this office, she was fiddling some paperworks on the table. Pero kaagad ko rin inalis ang atensyon sa anak ni Uno at itinuon ang tingin sa alkalde. Tingin ko naman ay hindi kami maririnig ni Seven kung pag-usapan namin ni Uno ang bagay tungkol dito. Nakatayo kami ni Uno malapit sa nakasarang pinto at may dalawang metro ang layo namin sa isa’t-isa. “Alas once y media pa lang. Bakit narito kayo ni Seven?” Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya. Ang tingin niya ay nakatuon sa anak. Nagkibit balikat ako saka humalikipkip. “Maagang pinauwi ng school sina Seven. Kaya heto, narito kami,” sagot

