WALA naman akong balak patulan ang babaeng kausap ni Uno. Ang gusto ko lang talagang gawin ay ang punahin ang itsura nito — na alam ko namang mali. Iyon lang naman ang kailangan kong gawin para inisin ang mga gano’ng klaseng tao. Pero nang sabihin ng babae sa akin kanina na wala pang lumalait sa mukha nito at may kasama pang mura, noon ko naramdaman ang paghigpit ng yakap sa akin ni Seven. Technically, doon na pumasok ang ideya na pagsabihan ang babae. Saka hinawakan nito si Seven sa panga at alam kong nasaktan ang bata dahil doon. Mahahaba pa naman ang pulang kuko ng haliparot na ‘yon. Kahit hindi ko tunay na anak si Seven, ako pa rin ang kinikilala nitong nanay. And I have the right to protect my kid at all costs. “You’re so cool, Mommy!” Seven chirped after I asked her if she was o

