Pumasok na siya sa loob ng silid para kumustahin ang kalagayan ng kanyang anak. Nakita niyang wala na masyadong aparatong nakakabit sa kanyang anak hindi tulad noong unang dinala siya rito. Ngayon kasi ay dextrose na lang ang nakalagay. "Mom... Dad... Akala ko hindi ko na kayo makikita," lumuluhang wika ng kanyang anak habang dahan-dahang umupo sa kanyang hospital bed. Agad na kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Khrystal para lumapit sa kanilang anak. "Huwag ka nang matakot Akhi. Nandito lang kami ng daddy mo para sa 'yo," wika ng kanyang asawa pagkatapos ay masuyong niyakap si Akhi. "Si... Si Skylar po? Nasaan? Ayos lang po ba siya?" nahihiyang tanong ng kanyang anak. "Huwag kang mag-alala ayos lang siya. Pinauwi muna namin siya sa bahay nila para hindi na mag-alala ang pamilyang

