ISANG linggong lumipas simula ng makalabas ako sa ospital. Kaya ngayong Linggo ay napagpasyahan ng magulang ko na magkaroon kami ng outing kasama ng pamilya at mga kaibigan namin para sa pagpapasalamat sa nangyaring pagkakahuli kay Joan. Nandito sila ngayon sa Skyranch sa Tagaytay at ini-enjoy ang kagandahan ng kalikasan pati ang sariwang hangin na nalalanghap namin. Inarkila nila ang isang buong balcony upang doon sila magkapagpahinga at makapag-bonding. Kanya-kanya silang dala nang makakain para sa kanilang salo-salo. Umalis sila ng alas singko y medya ng umaga sa kani-kanilang mga tahanan. Gamit nila ang isang L300 van ang drayber namin ay si daddy at ang katabi niya ay si mommy. Sa pangalawang upuan naman ay kami nina Allysa at Alice. Sa pangatlo naman ay si Tita Eunice at Tito Sag

