Habang nagmamaneho ng kotseng ibinigay sa kanya ng ama ni Akhi na si John ay hindi niya mapigilang sumulyap ng tingin sa dalaga. Mamayang gabi ay maglalakas-loob na siyang magtapat ng nararamdaman kay Akhi. Ramdam niyang hinihintay lang nito na umamin siya ng nararamdaman. Ito ang napili niyang araw upang magtapat sa dalaga. Nalaman niya kina Alice at Allysa na gusto nitong umalis para pumunta sa Enchanted Kingdom, kaya kinausap niya ang dalawang ito na sabihin na may lakad ang mga ito upang sa huli ay siya ang alukin ng dalagang samahan siya na pumunta sa Enchanted Kingdom. “Skylar, nasaan na ba tayo banda?” “Nasa may Bacoor Cavite na tayo. Mamamaya hindi mo mapapansin nasa Enchanted Kingdom na tayo sa Santa Rosa, Laguna. Gusto mo bang kumain ng chips? Kunin mo nasa likod mo lang n

