Agad akong lumabas ng opisina ni Terrence. Naiinis ako. Pakiramdam ko ay makakapagsalita lang ako ng hindi maganda kung mananatili ako don. Yes, I am only his employee, pero hindi ibig sabihin non ay wala na rin akong kahit na anong karapatan. Nagpunta ako sa pantry para magtimpla ng kape. Napatingin ako sa aking wristwatch at napansin ko na magko-coffee break na pala kaya imbis na para sa akin ay para sa Terrence na yon na ang ginawa ko. “Damn, bakit ba kailangan ko pang gawin ‘to?” mahina kong tanong. “Damn, dahil sa pera at para sa hospital bill ni Mommy,” sagot ko rin sa sarili kong tanong. Hininaan ko lang dahil baka mamaya ay may makarinig pang iba. Naglakad na ako pabalik sa office ng amo ko dala ang tasa ng kape matapos ang ilang malalim na paghinga. Sa tapat ng kanyang pintuan

