Iilang araw pa lang akong nagtatrabaho kay Terrence pero grabe na ang emotional stress na nararanasan ko lalo na sa katotohanan na sa iisang bubong kami nakatira. Matapos ipaalam sa lahat ng empleyado ang tungkol sa paglipat ng aming opisina sa MHI Building ay naging super excited sila. Matagal na pala nilang gusto na mangyari iyon dahil sa totoo lang din naman ay di hamak na maganda doon. “Evie, make sure na makipag-coordinate ka kay Carmie, ang aking executive assistant sa MHI para sa renovation ng aking opisina doon.” “Yes, Sir.” “Alam mo na ba ang number niya?” tanong pa ng hambog na hindi man lang ako tinitignan. Hanga din naman ako dahil nagagawa niyang mag-utos habang sige ang pagtipa niya sa keyboard ng kanyang laptop. “Hihingin ko na lang kay Warren.” “Here, nandyan ang cont

